Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

gold-1602454_1920.jpg
pinagkunan

I
Simula pa noong musmos itong isipan
Itinanim na ng ilaw ng sambahayan,
Pinangaral din ng haligi ng tahanan
Lahat kong gagawin ilakip kasipagan.

II
Kaya naman pag-aaral ay ginalingan
Mga magulang ko'y binigyang kasiyahan
Mga gintong medalyang tanda ng tagumpay
Sinikap makamit, sa kanila'y inalay.

III
Gintong medalya ang nagsisilbing simbolo
Na hindi nawalang saysay kanilang payo
Ang kanilang pagod at hirap ay nagbunga--
Anak ay nagbigay parangal sa kanila.

IV
At nang pang-unawa ko'y naging malalim na
Gintong medalya ay ginawang metapora
Isang medalyang ginto sa bawat tagumpay
Sa puso'y naging yaman habang nabubuhay.

V
At kung nagkakaroon man ng pagkabigo
Ito'y silbing alaalang huwag masiphayo
Kinang ng gintong medalya'y masarap tingnan
Kahit sa kabiguan muna dumadaan.


VI
Subalit sa lahat ng medalyang umapaw
May isang kumikinang na nangingibabaw
Animo'y bulalakaw sa bukang-liwayway
Nagbigay ng pag-asa sa aba kong buhay.

VII
Heto na yata ang pinakamahalaga
Ang katumbas na bilang ay metapora nga
Nasungkit, isangdaan-apatnapu't tatlo
Nang makamtan ko ang matamis niyang "Oo"!

PicsArt_05-23-06.00.03.jpg

PS: Ito po ay opisyal ko na tula na isinumite sa Paligsahan na inanunsiyo ni kabayang @jassennessaj . Heto po ang link ng naturang paligsahan: https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-3-tema-gintong-medalya-or-tagalog-edition

=============n=a=n=t=z==============
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @jerrybanfield, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=============n=a=n=t=z==============
Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of motivation and inspiration.

Sort:  

Wow congratulations po at nasungkit ang matamis na oo.😊😊😊...

salamat @essan-san..... isang metapora ng gintong medalya na maging yaman ng puso... :)

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70846.59
ETH 3567.69
USDT 1.00
SBD 4.79