Word Poetry Challenge #10 : " Pagsubok"

IMG_20180725_153325.jpg

"PAGSUBOK"

Akala ko'y hawak ko na.
Itong tagumpay na nakikita.
Pero bigla namang nawala,
Sa hangin na parang bula.

Inakyat ko't ginapang.
Giniba ko ang mga hadlang.
Binangga ko ang mga harang.
Kahit buhay na ang isinalang.

Ngunit bakit napakalayo mo pa.
Ang pagsubok ay ilang hagdan paba.
Pano pa kita haharapin.
Kung wala kana'ng tinira sa'kin.

Kulang paba ang dugo't pawis.
Kailangan bang buhay ay ibuwis.
Makamit lang ang pangarap.
Na para sana sa magandang hinaharap.

Oo, minsan na akong nagkamali.
Umapak sa bitag ng 'di nag-atubili.
Pero sana ayos na 'yon.
Pinagsisihan na ng mahabang panahon.

Ayoko na, 'di ko na kaya.
Wala na akong maisip pa.
Ang paraan ko'y ubos na.
Buhay ko'y kunin muna.

Kahit araw't gabi'ng maghihikahos.
Tingin ko'y pagsubok 'di matapos.
Sige lunorin mo pa ako.
Wala namang mangyayari pa sa buhay ko.

Salamat sa pagbasa.

Positive yong una kaya dito naman tayo sa negative.hehe

Sort:  

kahit paggawa ng tula ay isa sa pagsubok din
kaya yung isa kong entry ay sapat na
pero yong totoo,
napaka emo nito!
😢😢😢

sa aking tula ka pala nag comment, ito pala ibig mong sabihin.hehe sory loding

Your balance is below $0.3. Your account is running low and should be replenished. You have roughly 10 more @dustsweeper votes. Check out the Dustsweeper FAQ here: https://steemit.com/dustsweeper/@dustsweeper/dustsweeper-faq

ganoon?ilabas mo sa isang tula para maramdaman ng lahat, sakin ah madrama eh.haha

May laban 'to Sir, puno ng emosyon at napaka'realistic. sayang, di ka kwalipikado para manalo sa round na 'to. Pero ang iyong nagawa ay nagpapatunay na ikaw ay isang magaling na makata. congrats..

baakit di po ako kwalipikado?kalungkot naman

Sorry po, dahil ikaw ay nahirang bilang 1st runner up last edisyon. Nasa pamantayan po ito ni jasseen sa patimpalak na ito na hindi pwedeng hirangin ulit sa susunod na edisyon ang dalawang nakakuha sa pinakamataas na ganti.

tutunin.jpg

ah ok salamat so hindi na ako pwede kahit sa susunod?hehe sinali kasi ako sa official entry nya.hehe sorry

Pwede kang magsumite po hindi lang pwedeng hirangin para sa round na to. Sa susunod na edisyon, pwede ka na uli manalo 'pag magandang obra na naman ang iyong magawa.

aw thanks sa effort sa pag sagot.hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64799.61
ETH 3102.94
USDT 1.00
SBD 3.83