"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"LARAWANG KUPAS "

isinulat ni @anarosenav827

Nong ako ay mosmos pa lamang
andyan ka, ate kong tunay na matapang
ipinagtatanggol ako sa mga kaaway
kahit ako man ay parating napapaaway

Noong elememtarya pa lamang ako
ikaw ang nandyan para gabayan ako
para ka naring ina na mahal na mahal ako
kung nasaan ka andon rin ako

pero itoy biglang naglaho,
noong ipanadala ka ni inang sa ibang lugar para doon mag kolihiyo
sadyang kay sakit sa pakiramdam,
nawalan ako ng kapatid, ikalawang ina, at tunay na kaibigan.

at ang tanging naiwan na lamang
larawan kupas natin na diko maiwan
bitbit ko saan man ako maupunta
dahil lumang litrato na lamang ang syang laging kasama

noon sabay tayo sa pagtulog sa gabi
pero ngayon gumigising nang wala ka sa tabi
sana darating ang panahon na maulit parin ang noon
na ang pagmamahal moy parating nasa akin nakatoon.

12074689_908717029215209_1533215287448951396_n.jpg

magandang araw po sa lahat. ito po ang aking tulang nilikha para sa patimpalak ni @jassennessaj.

ito po ay binasi ko sa tunay na pangyayari nang aking buhay at sa aking mahal na kapatid .. at ang larawang kupas na nasa taas ay orihinal na pinagmamay-ari namin ng kapatid ko..

sa mga gusto pong sumali sa patimpalak na ito pwede nyo pong basahin dito kung paano. https://steemit.com/pilipinas/@jassennessaj/announcing-word-poetry-challenge-1-tema-larawang-kupas-or-tagalog-edition

maraming salamat at sana magustohan nyo..

Sort:  

Congratulations! You received a 10% upvote from @kryptoniabot.

Remember to receive votes from @kryptoniabot

  1. Run a task on Kryptonia.
    *For those who want to join the growing community, get your free account here: Kryptonia Account
  2. Use the tags KRYPTONIA or SUPERIORCOIN in your Steemit post for 100% vote.
  3. Steemit reputation score above 25.
Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64852.72
ETH 3178.07
USDT 1.00
SBD 4.20