#UlogHugot Contest -- Lumipas Ang Panahon Pero Di Maka-abante't Nakakulong Parin Sa Ating Kahapon

in #uloghugot6 years ago

woman-601568_1280.jpgPixabay

Umiinom ako ng mainit na tsokolate habang pinapakinggan ang musikang nagmumula sa aming lumang radyo. Matagal na panahon na rin ang lumipas magmula nang huli kong narinig ang kantang ito. Takot ako at iniiwasang mapakinggan ito dahil bumabalik sa akin lahat ng masasayang alaala na aming pinagsaluhan. Mga alaala na matagal nang nakalibing sa isang sulok ng aking puso na hanggang ngayon ay pilit kong kinakalimutan magmula nang hindi niya nabigyang katuparan ang mga pangakong binitawan.

I would die everyday waiting for you 🎶
Darling don't be afraid I have love you for a thousand years 🎶
I love you for a thousand more 🎶

woman-1958723_1280.jpg
Pixabay

Nag-uunahang bumagsak ang ga-butil kong mga luha pagsapit ng chorus. Naaalala ko na naman ang aming huling tagpo.

Flashback ....

black-and-white-2597281_1280.jpg
Pixabay

Nagbabakasyon kami sa States nun at ipinagdiriwang ang ika-pitong taong anibersaryo nang aming pag-iibigan. Magkahawak-kamay na naglalakad sa daan at ini-enjoy ang mga nyebeng nagmumula sa kalangitan nang bigla siyang lumuhod at nag-propose.

Tam, hindi pa ako naging ganito ka sigurado sa buong buhay ko. At gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at handa na akong magsimula ng bagong kabanata na kasama ka. Pangako di kita iiwan at sabay tayong tatanda. Kaya Miss Monique Fabella, aking Tam, pakakasalan mo ba ako?

Tim, ipinagdasal ko na makatagpo ng lalaking kagaya mo. Ipinagdasal ko itong relasyon na meron tayo at masaya ako dahil lahat ng dalangin ko ay natupad at ikaw ang naging sagot. Kaya Mr. Christopher Go, Tim-Tim, oo... Pakakasalan kita.

End of Flashback ....

watch-1263656_1280.jpg
Pixabay

Pagkatapos ng mga pangyayaring yun ay di ko na siya nakita. Nalaman ko na lang na pumunta siyang Leicestershire at di na bumalik. Hay, tama na nga andito ako para maglinis. Nilagay ko ang aking tasa sa may kitchen counter at inikot ang aking mga mata sa buong bahay; ang bahay na sabay naming pinondar. Puno na ito ng alikabok at halatang mahigit dalawang taon na rin na hindi nalilinisan. Nakita ko sa may sofa ang relong ni-regalo ko sa kanya noon kaya kinuha ko ito at tinitigan. Pambihira nataon pa talaga sa anibersaryo namin ang pagbisita ko. May date kasi sa relo kaya napansin ko.

fire-2915539_1280.jpg
Pixabay

Lahat ng mga bagay na nagpapaala sa akin sa kanya ay isinilid ko sa isang malaking kahon. Nakapagdesisyon ako na sunugin ang mga ito at palalayain ko na nang tuluyan ang sarili ko. Ang engagement ring na nagdurugtong sa amin ay itinapon ko rin sa nagliliyab na mga baga at hayaang lamunin ng apoy. Ayaw kong matali sa relasyong walang kasiguraduhan at matagal nang di umuusad at napag-iwanan. Ito na ang huling pagkakataong iiyak ako nang dahil sa kanya kaya ibubuhos ko na ang lahat hanggang sa wala ng luhang pumatak at mapagod na ang mga mata sa kakaiyak. Dahil pagkatapos nito ay haharapin ko na ang panibagong bukas na puno ng pag-asa at sa bukas na yun ay hindi na siya kasama.

mercedes-3417100_1280.jpg
Pixabay

Sa kalagitnaan ng aking pag da-drama ay may tumigil na sasakyan sa harap ng tarangkahan. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Klase ng tibok na sa kanya ko lang nararamdaman. Matagal na siyang wala at di na babalik yun. Ngunit parang may kumirot sa dibdib ko at nalungkot sa pinag-iisip ko. Alam ko sa sarili ko na lumipas man ang napakatagal na panahon, siya at siya pa rin pala ang isinisigaw ng aking damdamin. Si Chris kaya yun? Hindi.. Malabo.. Ngunit kung hindi siya, sino kaya ang nasa likod ng itim na sasakyan?



Ang kwentong ito ay hanggang dito na lang. Sana'y inyong naibigan.

Sis @sunnylife, sana tama ang pagkakaintindi ko sa #uloghugot kasi parang nagmukhang #steemitserye ehh pero pinaiksi ko lang 😂😂.



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png
To join and be part of the gratefulvibes family on discord, click here

jennybeans.gif
To join and be part of the Steemitserye Steemitdora Full Force on discord, click here



Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

thank you for being inventive. in general, for things related to ulogs, we want to be inventive overall, so that in these types of content, we create a culture of gifting to the internet instead of resourcing from it, thus reshaping it. Just for other times though, you can try to be inventive with images. you can use pictures of locations etc or use paint etc to creat pmething however simple etc for ulog-generated tags, how it works is, #ulog first tag and the say uloghugot second tag, so everything can appear in #ulog as well and ulogs.org as well and can be trackable by true fans of #ulog and thus more participation etc

This comment was made from https://ulogs.org

Thanks @ulogs I'll keep that in mind and include the #ulog tag on my future posts 😀

This comment was made from https://ulogs.org

nabitin ako doon ah... wag ganito please, wag... di mo ako patutulugin sa pag-iisip kung ano susunod na mangyayari pero ramdam ko, ramdam na ramdam ko kung bakit ganoon ang pagtibok ng puso nya dahil iisa ang tibok nung sa taong minsan nya na ding minahal.. wahhh #spoilerepicfail

haha nadala ka den sis? hehe gleng mana sau grabee:)
panalo. Antayin namin entry mo:)

hahaha.. wala kang aasahan sa akin kung ganyan siya kagaling, ako itong waley masyado. susubukan kong magsulat sa abot ng aking makakaya pero nawa'y hindi maging mala-MMK ang haba, ngayon pa lang maaawa na ako sa magbabasa.

Cliffhanger ba teh?
Tama sumali ka na rin.... :)

oo, sobrang nakakabitin. Hahaha, susubukan kung gumawa pero di ako mangangako.

ay grabee sis na wendang ako sa yo.
huh, sis pde ka ng gumawa ngpocket book ang galeng mong mag describe " Nag-uunahang bumagsak ang ga-butil kong mga luha pagsapit ng chorus. Naaalala ko na naman ang aming huling tagpo."

Basta talent talaga, bigay natural na natural.

Nag enjoy ako nadala ako sa scene haha bongga. Ang ganda ng intro sis. ituloy mo na kayang #steemitserye wabahhaa gusto kong malaman kung si Chris yon? ubusan ng bangz nde ako na abisuhan bwahah

How to be you sis. nagulat ako ang ganda, nahihiya ako sa entry ko haha ginalingan maxado, uwuian na mga beshie!

Ang ganda sis. xoxo

Waaaaaa maraming salamat sis 😁😁
Mukhang napahaba ang comment mo hehehe pang isang post...

Naku sis, magugulat ka kung sino ang dumating.. May naisip na akong plot ehhh Nyahahaha kaso ewan kung itutuloy ko .. Pag-iisipan ko muna 😅

Maganda kaya ang mga akda mo sis .. Makatotohanan at puno ng emosyon... Pero sis salamat, gumana ang imagination ko dahil sa mga pakulo mo ... 😂😂😂

haha sino ba namang nde mapahaba sa gleng mong gumawa
nde ko na tuloy maituloy yong entry ko nawala na sa isip ko hahaha
parang naging #steemiserye na to sa haba hahaha ubusan ng bangz tlga rock n roll na!
salamat den sis.

Sis ituloy mo yung entry mo gusto kong mabasa 😊
Yes sis rock n roll to the moon hahahaha

Parang ganito oh... papa jack.jpg

Ay iba rin 😭😭
Maka real talk si Papa Jack wagas 😖😖
Hehehe

oo nga... kung maka hugot, wagas... ang sakit sa mga nakakarelate, hahaha

Wow sis @jennybeans nabitin ako ...grabi mo besh...marami kang hugot sa buhay hahahhaha.lol😀😀👍galing talaga..😀👍

Maraming salamat sis @yennarido pero nakiki-emphatize lang talaga ako sa iba... Mas puno ng hugot ang mga buhay nila lalo na yung napapanood ko sa mga tv series minsan 😂

I saw your post and ang galing mo rin 😀
Wag ng umasa, mag move on na 😜

Hindi ako maaring magkamali, si Chris yon. Sa kanya lang tumitibok ang puso ko ng ganito. Ibinaba ko ang kahong puno ng mga ala ala niya upang dumungaw sa bintana....At habang papalapit at papalapit ako sa bintana, ramdam ko ang bigat ng aking mga paa sa paghakbang...Parang nawawalan ng lakas ang aking mga tuhod...Bago pa ako nakarating sa bintana upang silipin kung sino ang nasa itim na kotse, may naamoy akong parang nasusunog....Biglang nanumbalik ang liksi ng aking katawan, wagas ang pag buhos ng aking adrenaline, dinaig ko pa si the flash dahil nakita ko ang paglakas ng liyab ng apoy, naalala ko hindi pala engagement ring ang naitapon ko huhuhuhuhuh...katangahan nga naman ang careless ko talaga, so clumsy. Buti na lang naagapan ko at hindi nasunog ang buong bahay...Saka pa lamang ako parang nagka ulirat nang marinig ko uling humarurot ang itim na kotseng yon...papalayo....Sayang hindi ko nakita si Chris.....

Ano kaya ang naitapon ni Monique sa fire place? bwhahaha katuwaan lang po... :-D

pasensya na sis @jennybeans wala akong intensyong lapastanganin ang kwentong nasimulan mo....sadyang katuwaan lang ang sa akin sis ha ?

ang galing mo talaga gawa ka na ng libro sis :-)

God bless and congrats <3 <3 <3

Hahahaha grabe laughtrip... Andami kong tawa sa imagination mo sis 😂😂😂
Di ko kinaya yung muntik ng masunog ang bahay dahil sa katangahan hahahaha... Di ka lang pala #hugotqueen sis, yakang-yaka mo rin pala ang comedy 👍

Maraming Salamat sis. Hindi talaga ako magaling na author, sakto lang na gumana ang utak ko. Minsanan lang din to umaandar e hehehe 😂😂

God bless you too sis ❤

malaking #uloghugot tinalo tayo grabee ang gleng!
hahahaha

Grabe di ko kinaya ang hugot niya ...
Nakipag break na nga sa kanya si Billy Jake tapos yung teacher niya pa umepal.. Ewan ko lang kung hindi siya bumagsak kahit minor subject lang... Hanep sa linyahan si ate

Bakit mam bawal ba akong maging ate? kapatid? anak?

Gusto mo pag-uwi ko ng bahay ikaw pa rin ang iisipin namin.

Ano bang ibig sabihin ng PT sayo? Penetensya?

Di ko keri si ate... Tinalo tayo hahahaha...
Hugot na di mo inaakala pero may point talaga siya e 😂😂

Nabitin naman ako dun.... Sa likod ng utak ko e umaasa ako na si Tim-tim nga ang nasa likod ng sasakyan. Part two naman jan. Hehehe

This comment was made from https://ulogs.org

Ako rin @yadah04 umaasa rin ako na si Tim-tim nga ang nasa likod ng itim na sasakyan oara kahit papano ay mabigyang linaw kung ano talaga ang nangyari sa relasyon nila ni Tam-tam.. Kung bat siya nawala na parang bula at kung maaayos pa ba nila ang relasyon nila at kung may aayusin pa ba 😭😭

Maraming salamat sa pagbisita 😊 Part 2? Pag-iisipan ko pa kung itutuloy ko hehehe.. Limited lang powers ko sa pagsusulat e hehehe 😀😀😂

hindi ako mahilig magbasa ng mahahana pero ramdam ko ang lungkot, wala nag iimagine lang pala ako, hehe joke lang maganda sya, ganitong linyahan gusto kong kwento yong malungkot kaso biglang umiba eh, haaay.haha

Uy, salamat kabayan at napabisita ka hehe... Salamat din at kahit medyo mahaba ang story ay binasa mo... Di bale kabayan, luluha ka sa susunod na isusulat ko... Char hahahaha pero ayaw nyag expect nga over2 jud kabayan ha, hehehe... Thank u po ulit ..

haha ako moluha, ambot lang kabayan. may bago akong hugot ginawa, mas malalim sa una. Ikaw kaya ang una kong paluhain kabayan, try mo bisitahin gawa ko ngayon.haha

Sige kabayan bibisitahin ko ang gawa mo....

thank you, ewan ko lang kung magustohan mo.hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66499.54
ETH 3203.31
USDT 1.00
SBD 4.14