uloghugot: "saan ba ako nagkamali?"

in #ulog6 years ago

Screenshot_20180816-091838-01.jpeg

Gustong gusto ko tong #uloghugot kasi andami kong pwedeng mshare. hehe salamat @sunnylife nito.

Masaya kana ba sa pinalit mo sa akin ngayon, ramdam mo ba na mas masarap sya mag mahal? Mahal saan ba ako nagkamali para iparamdam mo sa akin ang pighati? Hindi nga ako nagrereklamo kahit kinakalimutan mo ako pag kasama muna ang barkada mo. Wala ka namang narinig sa akin kahit iniiwan mo akong mag-isa pag nalibang kanang kasama sila. Ano bang nagawa kong pagkakamali sayo eh kung ginawa ko naman lahat ng gusto mo. Nasasaktan na nga ako pero nakita mo ba akong hindi ngumiti pag kasama kita? Wala akong pakialam sa sakit na nararamdaman basta sa akin ka lang. Hindi ko naisip na mali ang mahalin ka kahit pinapadama mo sa akin na nagkamali sa pagpili sa'kin.
Wala na akong makitang sinag ng araw, hindi na ako umaasang mamulaklak pa ang bulaklak dahil pag kasama kita ay walang kasing ganda. Banggain man ako ng umaalon mong pagsisi hindi ako patitinag dahil presensya mo lang ay ang mahalaga. Hindi ko na malaman ang kaibahan ng pagpatak at pagtulo ng ulan dahil sa ginawa mo ang mundo ko'y walang tigil ang ulan. Mahal bakit nagawa mo akong iwan? Sinabi ko naman sayo ikaw lang ang magbibigay ng kislap ng aking mata. Bakit ganoon? Nagkamali pa rin ako sa pag gawa ng tama sayo. May pagkakamali paba kung ang gusto mo lang naman ang sinunod ko?
Ngayon ba tama ang ginawa ko na hayaan ka sa kaligayahan mo lahit labag sa puso ko? Tama ba ang ginawa mo na papaniwalain ako na kailangan mong mag focus sa pamilya kahit nakita kitang iba ang binibigyan mo ng ngiti? Mali pala talagang gumising ako na wala ka, mali talagang may araw pa kasi buong araw ko ay walang umaga. Walong halong liwanag sa mundo kong punong puno ng kadiliman ng ako'y iyong iwan. Pero kung sa tingin mong mali ako, tanggapin ko pa rin at patawad kung lahat ng ginawa ko sayo ay mali. Patawad kong ang pagmamahal ko ay hindi tama para sayo. Pero pasensya ka na kung hindi ko na alam kung alam ko pa ang tama sa mali pagdating sa ibang babae dahil takot na ako na ang gagawin ko ay mali nanaman at darating ang araw matanong ko sa sarili, "Saan ako nagkamali?"

Sort:  

ay grabeemng hugot kuya:(:(
Sige ilabas lang yan, para gumaan loob mo.
Mabuhay mga uoghugoters!
Salamat kapatid:)

haha walang kataposang pag hugot kabayan.haha

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65520.16
ETH 2652.08
USDT 1.00
SBD 2.87