Teardrops SMT by @surpassinggoogle (SA PILING NI LOLO AT LOLA)

in #teardrops6 years ago (edited)

Hello kapamilyang steemian ako nga pala si Dennis Ballesteros @denver86 panganay sa limang magkakapatid isang OFW at nag tataguyod sa aking dalawang pinakamamahal na anak maaga akong nag nagkaroon ng sariling pamilya sa edad na 19.Marami din akong pinag daanan sa buhay simula pagka bata at hanggang ngayon. At marami ring luha ang napagdaanan at ito ang gusto kong e.share sa @teardrops ni @surpassinggoogle.

BlogPostImage
Image Source

Ako po ay ipinanganak sa Tondo Manila at noong akoy nasa 6 na buwan palamang daw sabi ng aking lolo at lola ay iniluwas ako sa probensya nami sa Bohol at ang nag alaga sa aking ay ang pinakamamahal kong lolo at lola kasi daw ang aking ina't ama ay nahihirapan pa daw sa panahon na yon dahil may trabaho daw sila.Hanggang sa akoy nasa 6 na taong gulang at nag aaral sa unang baitang sa pangangalaga nila naging maganda naman ang takbo ng buhay probensyano masaya simple ang pamumuhay namin.Sa pagtakbo ng ilang buwan biglang dumating ang aking ina galing Manila wala akong naramdaman na kasiyahan noon sa pagdating ng aking ina niyakap niya ako hinalikan may mga pasalubong pinasyal ang sarap pakinggan, pero sabi ko nga parang wala lang mas na mimiss ko panga sila lolo at lola sa tuwing aalis sila kaysa sa aking ina. Isang araw kauuwi ko lang noon galing sa paaralan sabi sa akin ng lolo na isasama daw ako ni mama sa pag balik niya sa Manila yumakap ako sa aking lolo at umiyak ng umiyak sabay sigaw "ayaw kong sumama gusto ko sa inyo lang ako" umiyak din si lolo at yumakap sa akin mahal na mahal ako ni lolo kahit bata pa ako tinuturoan niya ako kung paano mag araro mag tanim at mag ani ng palay kasi sabi niya mas maganda raw mag turo habang bata pa,kaya nong mga sandaling iyon nag usap sila lolo at ng aking ina at kinausap din ako at wala na akong magagawa pa ililipat nalang daw ako sa pag aaral sa Manila saumama nalang ako kasi wala ring magagawa sila lolo at lola.

Pagdating namin sa Manila sa bahay ng aking ama't ina at dalawang kapatid nanibago ako sa lugar hindi ko alam kung anong ang pinagsasasabi ng mga nakapalibot sa akin kasi nga akoy laking probensya at ang alam kulang na salita noon ay BISAYA na linguwahe tapos may biglang lumapit at yumakap sabay karga na malikng tao at sabi niya "kamusta kana nak" hindi ako umimik kasi nga hidi ko maintindiha umiyak muli ako kasi namimis nko si lolo at si lola at ang probensya nami nakatingin sa akin ang pangalawa kung kapatid na tumatawa at para bang nakakita ng kakaibang tao tumakbo ako sa kuwarto kinuha ko ang damit ni lolo niyakap at umiyak ng umiyak ulit gustong gusto ko nang bumalik sa probensya noon pero wala akong magawa. Kinaya ko lahat, sabi ng mama ko na makaka adjust din daw ako sa paglipas ng panahon nadag-dagan kami ng dalawang kapit na lalaki at ako ay nasa ikatlong baitang na noon at naka adjust naman pero hindi parin mawala sa isip at sa puso ko ang probensya at higit sa lahat sila lolo ko at lola.Sa hindi inaasahan may isang trahedya ang nangyari sa amin sa Manila isang trahedya na hanggang ngayon ay hinding hindi ko makakalimutan ang trahedya na biglaan nagulat ang lahat pati mga kapitbahay ng may biglang pumasok sa amin na mga pulis habang kami ng mga kapatid ko ay nanunuod ng telebesyon, may nag pa putok at pinosasan ang aking ama iyak ng iyak ang aking mga kapatid at si mama karga karga ko ang dalawa kung kapatid na maliliit pa noon wala akong kaalam alam kung bakit biglaan ang ganong pangyayari kung bakit hinuli ng pulis ang aking ama.

Nakulong si ama habang kami ng mga kapitd ko ay nasa bahay at akoy hindi na makapag pasok dahil ako na ang nag babantay sa aking apat na kapatid at habang si mama naman ay naghahanap ng paraan para kami ay makakain.Nakikita ko si mama na imiiyak para bang hindi alam kung ano na ang gagawin dahil sa mga nangyaring hindi kanais nais,hanggang sa paalisin na kami sa aming tinitirhan,dinala kami ni mama sa kapatid niya sa Valenzuella doon muna kami nanirahan pansamantala noon hanggang sa nag desisyon na si mama na ibalik ako at ang sumunod sa akin na kapatid ko doon parang nabuhayan ako at sa ilalim ng dibdib ko ay napaka saya ko at akoy makakabalik na sa probensya namin at natuloy nga ang pag punta sa Bohol natatandaan ko pa petsa at buwan ng pag punta nami sa Bohol October 11-1995 masayang masaya talaga ako excited na makita at makasamang muli sina lolo at lola hannggang sa nagkakita na kami iyakan nanaman kami na miss na miss ang bawat isa ang sarap sa pakiramdam.Pagdating nami sa bahay na aking kinagisnan kay raming nagbago sa paligid pero may isang hindi nagbago ang paborito kung laroan dati ang KLABAW ng aking lolo.

DQmWE2RjisPPMaDq3SBfpxNbj9azjHBDhgYGptJCuQUgN5M.jpeg

Hanggang dito nalang muna ang unang estorya ng aking buhay mga kapamilya kung steemian sanay na antig ang inyong puso at nagustohan niyo ang pagbasa sa aking storya maraming salamat.

Thanks also for Mr.Terry @surpassinggoogle for support and inspiring me to share in this flatform the story of my life, and also to @bayanihan, @steemgigs, @steemph.cebu and to all steemians thank you so much.

Sort:  

Ganyan talaga karamihan satin. Sa lolo't lola talaga tau napapamahal.

Oo nga @bigmike420 thanks for dropping by

@denver86 Thanks for sharing your story.
Its publication will be mentioned in our 5 edition.
Greetings.

Take some imaginary @teardrops (smart media tokens).
You can read about these special tokens Here!!!

Thank you so much for appreciate my part 1 story in my life thanks @surpassinggoogle to inspire me and to share to the community my life story thank you so much

Mahusay na pagkakasulat. Keep it up

Maraming salamat kabayan.

MABUHAY ANG PINOY

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63617.36
ETH 3070.79
USDT 1.00
SBD 3.82