Una at huling yakap..(pantasya, drama)

in #tagalogtrail5 years ago (edited)

images (1).jpeg
pinagkunan.

Naglalakad si Bert sa kalsada na para ba'ng walang nakakapansin sakanya. Minsan may babangga sakanya at umiiwas lang sya. Pag lumagpas ang tao parang wala lang. Napapakamot na lang sya sa ulo dahil sya ay nagtataka.

"Ron....." Tawag nya sa kaklase nya na nakita sa unahan nya.

Hindi lumingon si Ron at nagpatuloy lang sa paglakad. Tumakbo sya papalapit nito dahil baka 'di lang sya narinig. At nang nakalapit na sya ay tinapik nya sa balikat.

"Hoy nabibingi kana ngayon porket nagkagirlfriend kana." Pabiro nyang sabi sabay tawa.

Ngunit parang walang narinig ang kaibigan nya at nagpatuloy sa paglakad. Takang taka si Bert sa inasta ng kaklase at kaibigan kaya ang ginawa nya humaharang lang sya sa dinadaanan ng kaibigan. Nababangga lang sya at natitilapon. Hindi naman siguro ako multo dahil nakakahawak ako pero bakit 'di nya o nila ako makita. Napabuntong hiniga si Bert habang nagpatuloy sa paglalakad.

download (1).jpeg
pinagkunan

Nasa loob sya ng silid aralan pero ganoon pa rin ang nangyari. Wala talagang nakakapansin sakanya. Lumingon lingon sya sa paligid at biglang tumigil ang leeg nya ng makita nya si Kesha. Si Kesha ang ang matagal na nyang crush. Hindi sya gaanong maganda pero dahil sa mga ngiti nya, yong pagiging bossy nya kaya nagustohan ito ni Bert. Nakatulala sya habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Sandali nag iilusyon kana naman." Sabi nya sa sarili sabay pailing-iling sa ulo nito.

May naisip syang bigla at bigla syang ngumiti. Dahan dahan syang lumapit sa dalaga. Nagwawave sya ng kamay sa katabi ni Kesha para masiguro nyang hindi talaga sya nakikita. At nang nasigurado na nya ay bigla syang lumapit sa dalaga, hindi lang basta tumabi at talagang nilapit nya ang mukha nya sa mukha ng dalaga. Tuwang tuwa sya na nakatitig sa dalaga.

"Parang baliw lang." ang sabi ng isipan nya.

Masayang masaya sya sa ginagawa nya, nakalimutan na nyang nag-alala sya dahil walang nakakakita sakanya. Natapos ang klase at nagsiuwian na ang lahat. Si Bert naman dahil wala namang nakakakita sakanya sinundan nya ang dalaga. Naglalakad sya kasabay ang dalaga. Hindi naalis ang mga ngiti sa mukha ni Bert dahil kasama nyang naglalakad si Kesha. Minsan nilalapit pa nya ang mukha nya sa dalaga at aakmang hahalik ito.

"Ay wag madaya ito." Sabi nya habang tumatawa na parang gago.

Nagtataka si Bert dahil alam nya ang bahay ni Kesha. Alam nya rin ang kalsadang nilalakaran ngayon ni Kesha. Hindi nya maipaliwanag pero parang naawa syang bigla. Sementeryo kasi ang patutungohan nya at naawa sya baka may namatay ang ina nya. Alam kasi nya na ina nalang ang tanging mayroon si Kesha.

"Paano na si Kesha kung wala na ang ina nya." Lungkot na sabi ni Bert dahil hindi naman sya naririnig.

download (2).jpeg
pinagkunan

Nakapasok na sila sa sementeryo at biglang umiyak si Kesha at lumuhod sa isang pantiyon. Hindi makita ni Bert ang pangalan dahil natakpan ito sa mga kamay ni Kesha. Pinagmasdan lang ni Bert si Kesha habang umiiyak at humagolgol. Pansin nya ang luha na tumatagaktak sa lupa. Ramdam nya ang boses na parang hindi na makahinga dahil sa pag-iyak. Gusto nyang malaman kung sino iniiyakan nya pero ang tanging sinasabi ng dalaga.

"PATAWAD...PATAWAD....PATAWAD."

Awang awa sya dahil ang mga magagandang ngiti ng dalaga at mapagbiro nyang mga salita ay napalitan ng luha at pighati. Ang masayahin nyang mukha sa skwelahan ay natakpan na ng mga luhang walang tigil sa pag-agos. Nag umpusa ng tumulo ang luha ni Bert. Pinopunasan nya ang mga luha ni Kesha. Gusto nyang aliwin ang dalaga para mapahupa ang malakas na ulan. Pero kahit anong punas nya sa mga luha ng dalaga hindi naman ito nawawala. Galit na galit si Bert sa sarili dahil wala syang magawa.

"Gusto kong makita nya ako, bakit ano bang nangyari sakin at hindi nila ako makita."

Sumisigaw si Bert habang tumitingala. Biglang kumulog at kumidlat. Dahan dahang pumatak ang ulan. Tumayo si Kesha para hanapin ang ang payong nya sa bag na medyo distansya sa kinaroroonan nya. Sa pagtayo ni Kesha at sa patuloy ng pagpatak ng ulan nilingon ni Bert ng dahan dahan ang pantiyon. Nanlilisik ang mga mata nya, gulat na gulat sa nakita. 'Yong feeling mo na ayaw mong tanggapin kahit iyon ang katotohanan. Biglang nanghina ang katawan nya at lumuhod sa lupa. Kumidlat ng malakas habang ang ulan ay pumatak ng malakas.

"AKO PALA??AKO PALA TALAGA AY PATAY NA, PERO BAKIT?!BAKIT?!"

Hindi alam ni Bert ang iisipin, umiyak sya ng umiyak. Naiisip nya kung paano na, gusto pa nyang mabuhay. Hindi pa sya nagsawa sa mundo. Umiyak sya hanggang humiga at pilit inalala kung ano ba ang nangyari. Wala kasi talaga syang maalala. Sa pag-isip nya ng pag-isip biglang lumapit si Kesha sa pantiyo at may inabot na bill sa hospital.

"Bert maraming salamat sa ginawa mo, malusog na ngayon si Inay at nakapagbayad na kami sa hospital Bill. Patawad kong ikaw hinabol ng mga sindikato dahil sa ninakaw kong pera sa tabi nyong bahay. Patawad, patawad at maraming salamat." Patuloy sa pag-iyak si Kesha.

Biglang naalala ni Bert ang nangyari. Hinubad pala nya ang hood ni Kesha at nagpalit sila ng damit. Pagkatapos sabihin ni Kesha ang rason bakit nya ito nagawa. Naintindiha naman ni Bert kaya sya ang tumakbo para habolin sya. Sa kasamaang palaf ay nahuli sya at pilit na hinahanap ang pera. Pero dahil wala syang sinabi pinatay sya ng walang awa.

images.png
pinagkunan

Sa pag-alala nya sa nangyari sakanya biglang gumaan ang pakiramdam nya at naintidihan kung bakit nya nagawa iyun. Tanggap na nya ang nangyari sakanya kaya oras na nya pero lumapit sya kay Kesha. Biglang nakita ni Kesha si Bert at ito'y natulala. Hindi natakot sa Kesha sa nakita dahil ang gusto nya'y buhay si Bert.

"Bert...."

Ngumiti lang si Bert sabay yakap kay Kesha ng mahigpit.

"Huwag kana umiyak at hindi na ako magtatagal. Payakap ng una at huling beses."

Biglang naglaho si Bert habang hindi pa rin makapaniwala si Kesha. Lumuha nalang si Kesha at biglang gumaan ang pakiramdam.

WAKAS......

salamat sa pagbas.

QmaYdU2cC8cgiQ5oLNSwXw4kwBxGX5ftdrrojp8MZnfK2b.png

Sort:  

Ayos ang plot nito ha. Akala ko mumu na nakakatakot kaya humugot muna ako ng lakas ng loob bago nagbasa. Hahaha. Pero isa palang nakakalungkot na kwento ito.

Gusto ko yung maging daloy ng kwento. Tuloy -tuloy at banayad. Nakulangan lang ako sa bandang climax. Yung mula sa pagkadiskubre niyang siya pala ang iniiyakan ni Kesha. Kulang lang ng build up bago yung pagbagsak ng mga pangmalakasang bagsakan dun sa scenario.
Pero kagaya ng sinabi ko sa iyo, paakyat ang progresk ng pagausulat mo. Nakakatuwa. Sulat lang ng sulat. :-)

hehe salamat madam..malapit na ako.haha

Posted using Partiko Android

madam @romeskie comment namam kung kumusta.hehe

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70884.24
ETH 3570.27
USDT 1.00
SBD 4.76