Tagalog Serye: Ika-Anim na Yugto - Mula sa Unang Pangkat | Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia

in #tagalogserye6 years ago

Mapagpalang gabi po sa inyong lahat! Narito nanaman po kami upang magbigay ng sakit sa inyong mga ulo sa #tagalogserye, sana p'y inyong masubaybayan ang pagkakasunod-sunod ng kwento. Narito po ang mga naunang Yugto na gawa ng magagaling naming manunulat:

Unang Yugto Ni @tpkidkai
Ikalawang Yugto Ni @romeskie
Ikatlong Yugto Ni @cheche016
Ika-Apat na Yugto Ni @oscargabat
Ika-Limang Yugto Ni @johnpd

Related image
Pinagmulan ng imahe

Sa isang silid ay isang bilugang babae na hugis siopao ang mukha, nakasuot ng flat shoes at teacher's uniform. Sa kanyang sukat na 5'2 ay bumagay lalo ang pagiging cute nito.
Nanlaki ang mata ng doktor at naging hugis puso. Ang matigas at matapang na pagkatao nito ay unti-unting lumambot nang makita ang babaeng mukhang siopao. Nilapitan niya ito at tinanong...
"Hello there pretty lady! Pwede ba kitang yayain para magkape? Pramis, hindi ito Networking." pag-iimbita ng doktor.
"Sure! But I prefer going to my place and brew some freshly ground coffee instead. Want to come with me in Tagum?" ingglesera ang lola mo dahil isa siyang celebrity.
"Syur manure! Siyet aylayket! Lezzzgow!" mabulol-bulol na sagot ng doktor.
At tuluyan na niyang iniwan ang Evil Hero na si Pepe at sumama sa Pantas na si Minmin patungong Tagum upang doon maghasik ng lahi. Ay este, maghasik ng lagim.

Pinagmulan ng imahe

Samantala, ang pinaghalong sina 2TripleKen Doll at Pepe ay sadyang napakalakas dahil ang lumalabas na enerhiya sa kanilang katawan ay tumatama sa mga nakamasid na sina Chodora at mga Earthia-beks na siyang naging dahilan upang liparin ang mga ito.

"Aray-chi! Anu itey! Nakaka-chaka ang aura nitey otoko (Aray! Ano 'to! Nakaka-panget ang aura ng lalaking ito)" inis na sambit ng isa sa mga Beki habang takip-takip ang kaniyang pagmu-mukha.

"Pepe ko, anak, itigil mo na yan! Labanan mo ang iyong sarili upang ika'y makawala sa kasamaan ng 2Tripleken Doll na yan! Pag-uwi natin, promise! Mag-wawalwal at magpa-party tayo Pepe ko!" pasigaw na sabi ni Chodora.

Image result for ipo-ipo sa kamay
Pinagmulan ng imahe

Ngunit sa kasamaang palad hindi siya pinakinggan Ni Evil Hero Pepe. Walang anu-ano ay iniangat nito ang kanyang mga kamay at nagkaroon ng tila malaking bolang umiilaw sa ibabaw ng mga palad nito at akmang ihahagis sa pwesto nila Chodora. Mabuti na lamang at nakaramdam sila na sa dako nila ibabato ang tila malaking bolang umiilaw na nasa mga palad nito kaya naman dali-dali silang tumakbo paroon sa kaharian nila Prinsesa Fey.

"Wala na kayong ligtas mga shutay-tomi!! (patay gutom)" sigaw Ni Evil Hero Pepe.

"Dali! Parito kayo! Pasok pasok!" nagkukumahog na sabi Ni Prinsesa Fey.

Bago pa naihagis ni Evil Hero Pepe ang malaking bolang umiilaw ay nakapasok na sa kaharian nila Prinsesa Fey sina Chodora at iba pang mga Earthia-beks.

"May vodka-cruiser ba kayo diyan magandang binibini? Natapon ang iniinom ko dahil sa kagagawan ng aking Pepe! Ngunit tila hindi na siya ang aking Pepe dahil naging masama na ito na kagagawan Ni Dr. John D. Paul!" mahabang litanya ng Ina Ni Pepe na Si Chodora.
"Mayroon po, sandali lamang! Aytanna! Pakihandaan ang ating bisita ng vodka-cruiser at ang iba pa, pakitanong mo na lamang ang iba kung ano ang nais nila" pag-utos Ni Prinsesa Fey sa magandang alipin.

Naupo Si Prinsesa Fey sa tabi ng Ina Ni Pepe na Si Chodora. Kailangan nilang pagplanuhan kung papaano babalik sa dating pagiging maginoo at mabait na Si Pepe.

"Ako ang Inay Ni Pepe. Ako Si Chodora. Hinanap ko kung saan saan ang aking Pepe hanggang na-track namin ang GPS ng Spaceship nila Kron. Kaya naman sinundan namin ito at hindi nga kami nagkamali na narito rin pala ang aking Pepe. Ngunit papaano na ang ating gagawin gayong nagsanib sila ng katawan at tila naging halimaw. Kawawa naman ang aking Pepe, pinasok ng masamang halimaw ng 2Tripleken Doll!" mahabang pagpapakilala at pagsalaysay ng Ina Ni Pepe.
"Ako naman po Si Prinsesa Fey, nangangailangan po kami ng tulong Ni Pepe dahil sa kagustuhang pananakop Ni Kron dito sa Earthia, nalaman rin namin ang gagawing pagbabago kay DeShawn para tuluyan kaming sakupin dito" paliwanag naman Ni Prinsesa Fey.

Image result for couple having coffee
Pinagmulan ng imahe

Sa kabilang banda, ang pantas na Si Minmin at Dr. John D. Paul ay nagkakape sa mismong bahay Ni Minmin.

"Napakasarap ng iyong ka-kape-pe Minmin" nauutal na sambit Ni Dr. John D. Paul.

Hindi niya alam kung bakit sa unang beses pa lamang niya nakita Si Minmin ay tila naging mali-mali na siya.

"Alam ko, kaya nga dito kita dinala dahil mas masarap ang kape ko kesa sa kape sa tabi-tabi" nangingiti namang sambit Ni Minmin habang sumisimsim ng kape nito.
"So, what's your plan now Dr. John D. Paul? Iniwan na lamang natin sila ng basta-basta don..." pagtatanong Ni Minmin kay Dr. John D Paul.

Ngunit parang walang naririnig Si Dr. John D. Paul, tanging nakikita lamang niya ang mga namumulang labi Ni Minmin na tila ba nag-aanyaya na mahagkan ito. Dahil di niya alintana ang mga sinasabi Ni Minmin, nainom niya ng biglaan ang kaniyang kape.

"Ahhh!!! Aray aray!! Mainit pala itong kape-pe mo Minmin! Hayaan mo at pupunasan ko na lamang, nasaan ba ang iyong basahan?" nag-aalala kahit nasaktan sa pagkakatapon ng kape na paliwanag Ni John D. Paul.
"Ah' ako na, it's okay, minsan lang naman ako magka-visitor kaya naman no worries" sabay kindat Ni Minmin na lalong nagpatunaw sa pusong matigas Ni Dr. John D. Paul.

Habang pinupunasan Ni Minmin ang lamesa, napansin niyang pati ang damit na pang itaas at damit na pang ibaba Ni Dr. John D. Paul ay nabasa.

"Come here muna Dr., let me help you to remove your clothes kasi it's wet o', labahan natin saglit para matuyo agad", sabay sabi Ni Minmin.

Di pa man nakakalapit ang mga kamay Ni Minmin sa damit Ni Dr. John D. Paul ay agad-agad itong tumayo at naghubad (Mabilis siyang kausap ngayon, hahaha). Ibinigay niya ito kay Minmin at di sinasadyang nahawakan niya ang kamay Ni Minmin.

"Dr.? will you cover your front? Naiilang kasi ako, hihihi" Iniwan saglit Ni Minmin Si Dr. John D. Paul sa sala na tila wala sa sarili (patay na patay kasi kay Minmin).

Samantala, galit na galit Si Evil Hero Pepe dahil nilayasan siya ng mga tao.

"Nasan na kayo mga hampas lupa?? sigaw niya.

Naririnig nila Prinsesa Fey ang galit na galit na Si Evil Hero Pepe.

"Kailangan natin ng isang taong makapangyarihan na makakatulong sa atin! Wala na tayong pag-asa kay Pepe dahil naging isa na sila Ni 2Tripleken Doll! Sino kaya ang maaaring tumulong sa ating bayani? Sino?" naguguluhan na sabi Ni Prinsesa Fey...

日本つづく Ichecheret

* Ano ang mangyayari sa mundong Earthia?

* Anong gagawin nila Prinsesa Fey at Chodora upang maligtas ang mundong Earthia?

* Sino ang maaaring tumulong sa kanilang bayani?

* Paano na ang Pepe na anak Ni Chodora?

* Ano kaya ang patutunguhan ng close door meeting with coffee nila Dr. John D. Paul at Minmin?

Naku kaabang-abang lahat ng tagpong ito! Si Sis @valerie15 na ang magpapaganda ng maiinit na tagpong ito ng Tokkamel! Tokkamel! Tokkamel! (100x) Nagamit kong mga salita 1,158 po lahat...

Unang Pangkat

@romeskie
@cheche016
@jampol, @tpkidkai
@oscargabat
@valerie15
@julie26

Ikalawang Pangkat

@twotripleow
@beyonddisability
@jemzem
@kendallron
@rodylina
@jamesanity06
@chinitacharmer

Mga Elementong Ginamit:

Slavery
Rescue
Transformation

Tema:

Sci-Fi
Sort:  

hala sya
ikaw ba ito insan
wahahaaahaha

wag nyo po bibigyan ng hapi ending si John D. Paul
hanep

Hahaha'... ewan ba, basta na lang tumipa mga daliri ko dito sa keyboard!

Oo huwag niyo bibigyan ng happy ending si Jampol haha. Manyakis talaga si John D. Paul basta kay Minmin napaka bilis niya haha.

Hahaha'... yan yan!

Ka-cute ng picture ni teacher minmin! Si chodora, vodka cruiser agad ang hanap. Pang young dumb and broke ang datingan. Hahaha kalerky! Hahaha

Hahaha! Maliit na bilugang babae na mukhang siopao talaga sis! Laptrip tong edisyong to! 🤣🤣🤣

Hahaha'... un kasi ang binigay ni Pareng @johnpd eh' Sis @chinitacharmer ^_^
Naghanap talaga ko Sis @romeskie ng cute na Teacher ^_^

Hahaha! Grabe ang swerte ni Dr. John D. Paul at nakapag kape pa sa bahay ni MinMin haha. Di na natatapos ang laftrip sa edisyong ng Tagalogserye ngaun. Excited na aq sa ending ng dalawang teams! 😂

mareng @julie26 wag mo naman gawing manyak si Doktor. nyahaha! pogi siya masyado, pa-hard to get dapat. luluhod lahat ng babae sa kanya. dahil siya ang may gawa ng EXKO. at siya ang tumalo kay Pinunong Kron 😂

Sorry pareng @johnpd, un ung mas ok na takbo ng istorya eh', hahahaha'... kaya lang wala ka happy ending kay Sis @valerie15!n hahahaha
Hahaha'... ewan ba, sinundan ko lang ung umpisa eh'

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Maraming salamat po @c-squared!

Hahha kanya-kanya nang tipa yan sa keyboard! Ginalingan din pero ito talaga yung nakakatawang parte dyan eh.

"Dr.? will you cover your front? Naiilang kasi ako, hihihi" Iniwan saglit Ni Minmin Si Dr. John D. Paul sa sala na tila wala sa sarili (patay na patay kasi kay Minmin).

Bakit kaya sya naiilang nyahahah.

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64647.16
ETH 3160.49
USDT 1.00
SBD 4.13