TagalogLogo: Patimpalak ng Paglikha ng Logo at Avatar ($35 o 15 SBD na papremyo)

in #tagaloglogo6 years ago (edited)

TagalogLogo.jpg

Kamusta mga Katropa!


Ako po si Junjun ng @tagalogtrail, kasama ang pabibong pinsan na si Toto, na maghahatid sa inyo ng isang anunsyo tungkol sa patimpalak na #tagaloglogo.

Noong nakaraan linggo ay opisyal naming inimbitahan ang ating mga katropang artists sa Steemit para sumali sa aming logo at avatar contest. Narito po ang orihinal na anunsyo ng patimpalak.

Naisipan po namin na gawing dalawang linggo ang palugit ng paligsahan para po mas maraming oras ang mga kalahok at para na rin po mas maraming makasali. Kaya lamang po ay nakaligtaan naming i-repost ang anunsyo nung nagadaang Lunes at tuluyan na po nawala sa mga searches ang anunsyo. Pasensorry po at na-late 😅


Paligsahan sa Logo (7 SBD na papremyo)

Nagsawa na po kami sa tarsier logo na galing sa pixabay, lalo na po si Toto, kaya po naghahanap po kami ng bagong logo para sa aming Steemit account. Ito po ang ilang elemento na nais namin makita sa logo:

  • Mga kulay at simbolismo na naglalarawan sa pagka Pilipino
  • Karagdagang simbolismo at mga katangian na iyong naiisip na pinakanaglalarawan sa TagalogTrail
  • Ang pangalan ng proyekto/account Tagalog Trail

Paligsahan sa Avatar (2 Avatar na 8 SBD na papremyo)

Avatar ni Toto

Isang batang/binatang pabebe na may hawak hawak na potato chips. Naka sando at shorts lang ang suot. Sya po yun laging pabibo sa comments section at ang masipag na gumagawa ng arawang edisyon at curation ng #tagalogtrail.

Toto.png

Avatar ni Junjun

Isang binatang hugutero na may hawak na ruler na ginagamit pangsukat at pamalo pag makulit na si Toto. Ako po ang nag-aasikaso ng English posts at reports na syang kinakaayawan ng aking pinsan. Ako rin po ang toka na taga-gawa ng aming mga banner at medyo madalang lang po ako sa comments section.


Palugit

Sa kadahilanang, nahuli po ang aming repost at para mabigyan po ng sapat na oras ang mga bagong Steemit artists na makakabasa lang po ng anunsyo ngayong araw na ito, nais po naming i-extend ang palugit ng ilang araw. Ang bagong deadline ay sa:

Mayo 23, 2018, 12:00 ng tanghali


Papremyo

Likhang obraPabuya
Opisyal na Logo7 SBD
2 Abatar na Aming Napili8SBD

Isang taga guhit lamang ang aming pipiliin para sa abatar, sa kadahilanang mas magandang isang estilo lamang ng nag guhit ang aming gagamitin para dito.

Mga Karagdagang Alintuntunin:

  • Ilagay ang tag na tagaloglogo sa inyong post at gawin ang post sa wikang Tagalog.
  • Mabuti pong ipaliwanag ang kahulugan ng disenyo at ang mga detalye nito para mas maunuwaan po ng namin at mga mambabasa
  • I-resteem ang anunsyong ito para mas marami pong makakita ng paligsyahan
  • Maaring gumawa ng hanggang 3 na magkakaibang logo, at hanggang 3 din na magkakaiba na pares na avatar.
  • Gawin ang mga likha sa mataas na resolusyon ( high-res image)
  • Sa pagsali sa patimpalak, nauunawaan ng kalahok na ang mga likha ay malaya at ganap na magagamit ng @tagalogtrail

Ang mga Naipasa ng Logo at Avatar

Talaga pong nakakatuwa at nakaka-elibs ang mga gawang logo at avatar ng ating mga katropa. Salamat po sa mga lumahok na. Abangan na lamang po ang anunsyo ng mananalo sa susunod na linggo.

Mga Logo

Logo ni @greatestbastard
Logo ni @badzkie123
Logo ni @beyonddisability
Logo ni @jeeuuzz

Mga Avatar

Mga Avatar
ni @badzkie123
Mga Avatar
ni @jeeuuzz

Sa lahat ng malikhain nating ka-tropa sa Steemit, sali na po kayo at maging parte ng isang mahalagang milestone ng @tagalogtrail 😊

Sort:  

😂 May cheetah na naman kami. Patay ako nito kay Toto. Sa pagkakaunawa ko ay marami na akong nabago sa anunsyo. 😅Nakaligtaan kong lagyan ng quote markdown ang mga salitang nagamit. Hayys... - Junjun

lokong cheetah yan ah hehehe

Gumagana naman ata yung ganito laban sa cheetah:

Bat di mo nilagyan? Lol.

Ayan Junjun ini upvote ko din hahahha patay ka kay Toto mamaya tawagin ko ang tropa bihira lang may mali si Junjun @itsmejayvee, @johnpd may mali si Junjun ngayon.

minsan gusto ko makita na si Toto naman ang pinapagalitan si Junjun. nyahaha! napapadalas na ang paglitaw ni cheetah sa mga post. 😂

Wala daw ang tarsier sabi ni Junjun nag date daw. hahaha wait nalang natin..

Gutom na ang cheetah. Gusto ng tarsier sa meryenda. hahaha

Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 62726.25
ETH 3050.18
USDT 1.00
SBD 3.81