A NATION OF BADINGS & UTO-UTO?

in #steemph3 years ago (edited)

Nakakapanghinang isipin ang lumalabas sa walang kakwenta-kwentang issue na nagsimula lang sa halik. Imbes na magmukhang tanga ang mga dilawan sa pagpuna ng walang katuturan, umeksena lang si Kris e pinagmukhang tanga na halos lahat ng DDS at pinag-away-away na hanggang ngayon ay meron pang ayaw magsitigil.

Wala bang nakakapansin na magmula nang mag-drama si Kris ay wala nang nagsasalita sa mga dilawan sa tuwa nila sa ligalig na naikalat ng simpleng pa-iyak-iyak ng Reyna ng Intriga nila, ha?

Ang mahirap sa napakaraming DDS, mapalalaki man o mapababae, ay puro yung mga hindi magandang ugali ng kabadingan ang pinapakitang asal - adik sa drama, adik sa chismis, adik sa away-away, adik sa pagmamagalingan at higit sa lahat adik sa kampihan na huwag lang mapuna ang idolo nila ay makakatikim ka ng hindi magandang salita.

Ang matindi pa ay yung ugali ba ng Pilipino na kapag "kilala" (kahit minsan lang nagkita) nila yung tao e wala nang pwedeng gawing pagkakamali yung tao kahit sadya man o hindi. Tapos bubwelta naman ng pailalim.

Pwede bang mag-isip-isip naman tayo kung merong kapupuntahan ang bayan natin kung mas mahalaga pa ang kabadingan kesa sa pagharap sa mga tunay na dapat harapin?

Papaano ba nangyari na yung mga pulpol na pulitiko na yan na panghabang panahon nang nakaupo at walang ginawa kundi magsamantala at mangurakot ay walang sawa pa ring binoboto ng tao pero nang dahil lang sa sinabi tungkol sa halik ay tsugi na at parang biglang nabura na LAHAT NG MABUTI nang nagawa ng tao?!!

Ok lang naman sigurong punahin ang pagkakamali pero kailangan pa bang ulit-ulitin, pagkadiinan at gawing kasalanang mortal ang isang issue na sa totoo lang ay PAIN LANG NG KALABAN PA?

Dapat ba talagang isuka na si Bong Go o tanggalin na sa trabaho si Mocha ng dahil lang sa pag-iyak-iyak ni Kris na sa totoo lang e palabas lang naman?

Maglulupasay ba yan talaga ng dahil sa "insulto" na kung tutuusin ay walang-wala naman sa mga pang-iinsulto na ginagawa nila ARAW-ARAW sa taong patay man o buhay?

Tapos gusto nilang pagbayarin ang salarin? E sila, kailan ba magbabayad? Ganun na ba talaga katanga ang mga DDS para hindi makahalata?

Ang malungkot diyan ultimong mga matatalino daw at sana gagabay sa iba ay kay daling utuin din pala at todo patol pa rin ng walang humpay sa intriga. Lulong na lulong na sila sa intriga ay nakalimutan na nila ang walang kakwenta-kwentang pinagmulan at nauwi na sa pag-uungkat at panbibintang ng mga nakaraan!

Sige, idisplay pa niyo ang katalinuhan ninyong uto. Imbes na kalmahin na lang ang mga tao e ang tagal na ng isyu, sige gatong pa rin? Ano ba ang gusto ninyong mangyari talaga sa ngalan ng pagpugay sa talino ninyo?

Puro kayo "kay PRRD kami" pero yung mismong inaasal niya ay di ninyo kayang sundan? Pinagtakpan na nga niyang pareho si Bong Go at si Mocha ayaw pa ninyong bumitaw?

Kung may nagkamali man sa wala namang kwentang issue, e di matuto na lang at bumawi sa susunod, di ba?

At kung pwede lang ay isipin natin a kahihinatnan ng mga gusto nating mangyari kung makakatulong yun sa Pangulo o baka naman magpalakpakan lang ang kalaban sa tagumpay nilang pagpain at pang-uuto?

Baka naman pwede tayong magpakalalaki o magpakababae na lang imbes na maging isang bansang namamayani ang kabadingan. Konting dignidad naman sana at isip, hindi yung puro emote na lang.

(Pasensya na po sa mga bading. Marami naman sa inyo ang OK naman. Hindi kayo ang pinupuna ko at hindi naman din nilalahat kundi yun lang mga hindi magandang ugali na malimit sa iba inyo na tila humawa na sa iba dahil sa paghanga at tuwa nila sa inyo. Mas masaklap pa yung ugaling-bading ng mga iba sa tunay na bading!