Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ikalimang Labas Ng Bagong Yugto - Pasasalamat Sa Mga Nakilakbay

in #steemitdora6 years ago

image


Magandang buhay po sa lahat!

Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga manlalakbay nakibahagi sa aking munting paandar. Pasensya po kung ako ay natagalan. Naging abala rin kasi sa buhay. Pero kahit kelan hindi ko makakalimutan ang mga manlalakbay. Kaya ako ngayon ay nagbabalik.

Mabuhay ang lahat ng mga manlalakbay! Mabuhay ang mga #steemitdora! Mabuhay!

Sa mga nakibahagi at nakakompleto sa Bagong Yugto Ng Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roonang Ikalimang labas sa loob ng isang linggo ay si:

@yennarido

Siya lamang po ang nakakompleto ng buong linggong paglalakbay at siya ay meron konting gantimpala na natanggap 0.150 SBD.

At sa mga hindi nakakompleto sa buong linggo ay bibigyan ko rin ng konting gantimpala sapagkat maging ako ay matagal na nawala. Kaya bilang pasasalamat sa mga nakisabay sa paglalakbay na sina:

@ellechim0816
@shikika
@wittyjov24
@yhel21

Sila ay meron konting gantimpala na natanggap 0.100 SBD.

Sana po ay makasama ko pa rin kayo sa patuloy na paglalakbay. Sana ay inyong makompleto ang isang buong linggo upang kayo'y makatanggap ng konting gantimpala. 😀

Maraming maraming salamat sa lahat ng mga nakisabay at sa makikisabay pa sa paglalakbay sa bagong yugto.


Para po sa mga gustong sumabay sa bagong simula ng ating paglalakbay ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon.

Tayo na at magsimulang maglakbay!

Sa loob ng isang linggo meron tayo iba't ibang litrato na ipapakita. Ito ay ating bibigyan buhay. Dapat sarili natin litrato hindi galing sa internet. Narito ang mga pagkakasunud-sunod kung anong litrato ang ating ibabahagi sa bawat araw ng ating paglalakbay.

Linggo - Sarili. Ang sarili ang pinakamahalaga sa bawat paglalakbay. Kung wala ang sarili, paano na lang ang paglalakbay? Lols. Ipakita ang angkin ganda. Sabihin ang nilalaman ng puso, masaya man o malungkot.

Lunes - Daan. Dahil tayo ay mga #steemitdora. Ipakita natin ang daan ating tinatahak. Kahit anong klase ng daan: matuwid, matarik, lubak-lubak, paikot-ikot o kahit ano man. Ang importante kaya natin lampasan ang kahit na anong klase ng daan atin mapagdadaanan.

Martes - Pagkain. Sa bawat paglalakbay hindi mawawala ang pagkain. Kaya ihandog niyo sa ating paglalakbay ang mga masasarap niyong pagkain.

Miyerkules- Gubat. Ipakita kung gaano kaganda ang atin kagubatan. Ito'y atin alagaan at huwag hayaan na masira ng tuluyan.

Huwebes - Bundok. Nakarating na ba kayo sa tuktok ng bundok? Masaya ka ba na ito ay iyong narating? Pwede niyo ibahagi ang inyong paglalakbay sa bundok at ihalintulad sa atin buhay. Tayo'y magmuni-muni sa tuktok ng bundok.

Biyernes - Tubig. Kahit saan, kahit sa dagat, ilog, pool, lawa, kalye o sa bahay. Ipakita natin ang ganda o di kaaya-aya na dulot nito sa atin mga buhay.

Sabado- Himpapawid. Ibahagi ang mga karanasan natin sa paglalakbay sa himpapawid o di kaya ay mga pangarap na gusto natin abutin o di kaya ay naabot na.


Mga Paalala:

  1. Huwag po natin kalimutan na isama sa atin pamagat ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon. Saka isama rin sa pamagat kung anong araw ang paglalakbay.
  2. Ang unang tag na atin gagamitin ay #steemitdora upang tayo'y hindi magkalituhan at hindi magkahiwa-hiwalay sa ating paglalakbay.
  3. Sa loob ng isang linggo dapat isama ang link sa bawat paglalakbay para madaling makita kung kompleto ang isang buong linggong paglalakbay.
  4. Isama ang link ng post na eto sa bawat araw ng paglalakbay.

Meron gantimpalang makukuha ang makakakompleto sa buong linggong paglalakbay. Konting gantimpala lang naman 😀 na galing kay @steemitdora dahil siya ay nagsisimula pa lang maging parte ng pang araw-araw nating pamumuhay o paglalakbay. Malay natin sa pagdating ng araw maging lingguhan at lumaki ang pagbibigay ng gantimpala ni @steemitdora. 😀

Everyone can check it here on how @steemitdora started.

@steemitdora been created to help and support each members in Steemitserye and Steemitdora Full Force.

image

Anyone can be #steemitdora. You can join our growing Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord Channel.

Mabuhay ang mga #steemitdora at #steemitserye! 😀💖

Calling all #steemitdora & #steemitserye you can request for your banner at Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord. Hurry! Get yours now while it's free! Lols

So what are you waiting for! See you on board.

Love lots,

@steemitdora 😀💖

Sort:  

Congratulations @steemitdora! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66077.75
ETH 3167.77
USDT 1.00
SBD 4.01