Patimpalak ng Potograpiyang Filipino - Tema: Mga Bulaklak
Ito ang unang beses ko na lumahok sa isang patimpalak ng Potograpiyang Filipino. Mahilig talaga akong kumuha ng mga litrato kahit na wala akong magandang kamera. Sa tinging ko, kung ilalagay mo lang sa puso mo ang pagkuha ng mga litrato, ito ay gaganda kahit ano pa man ang iyong ginamit. Tinuturing ko ang aking sarili bilang isang "Photographer at Heart".
Ang patimpalak na ito ay sinimulan ni @allmonitors. Kung gusto ninyong sumali, paki-click ang link na ito.
https://steemit.com/potograpiyangfilipino/@allmonitors/mahalagang-anunsyo-ikalawang-linggo-ng-patimpalak-ng-potograpiyang-filipino-tema-mga-bulaklak
Ang Tema: MGA BULAKLAK
Ang bulaklak na ito ay isang uri ng "Land Orchid".
Puting rosas para sa magagandang dilag sa Pilipinas. :)
Pulang rosas... para sa aking pagmamahal na walang kupas.
Sorry... May kasamang lamok, hindi perpekto ang pag-ibig meron talagang pumapapel.. (photobomber.. haha)
Ang mga larawang ito ay kuha ko gamit ang aking selpon. (ASUS_A007) Ito ay aking in-edit gamit ang "Photoscape". Ang mga ito rin ay mga bulaklak sa hardin ng aking ina na si @arashikawaii. ^^ Sana ay nagustuhan ninyo ang aking mga kuha. <3
Maraming salamat at mabuhay ang Pilipinas!
Nagmamahal, @tegoshei
Nice shot @tegoshei
Thank you! :D
Cool shots @tegoshei!
thank you po mam @luvabi.. ^^