PATULOY NA UMIIKOT ANG MUNDO, SA PAGITAN NG UMPISA AT DULO

in poetry •  last year

Patuloy umiikot ang mundo,
Sa pagitan ng umpisa at dulo.
Nananawagang wag kang huminto,
Sa kabila ng rasong pagod na ang puso.
Ilang pagyanig na ang dumaan,
Unti unti ka nang pinanghihinaan.
Sa bawat pag harap sa salamin,
Nakikita sarili mo sa dilim.
Dilim na nais mo pang labanan,
Ngunit sa kabilang banda'y nais mo nang takasan at sukuan.
Pagod ka na yun ang alam mo,
Pero pinipilit ka pang lumaban ng mundo
Subalit ang tanging naiwan sayo ay ang tanong na "paano?"
Paano ka tatayo kung patuloy ang pagbuhos ng bagyo?
Paano ka tatakbo kung pasan mo ang mundo.
Paano mo lalabanan ang kalaban kung tumatagas na ang dugo?
Dugo mula sa sugat ng nakaraan at kasalukuyan
Pinipilit mong mabuhay
Sa kabila ng katotohanang matagal ka nang nakahimlay.
Pinaniniwalang kaya mo pa,
Subalit dumadanak na ang luha.
Umuugoy ang lupa tulad ng duyan,
Binubulong ng hangin matulog ka nang tuluyan.
Patuloy at patuloy yumayanig ang lupa,
Hinehele ka upang tuluyan nang magpahinga sa pagluha.
Patuloy binubulong sayong tenga ang musika
Musikang kahalintulad nang pampatulog nang ina.
Puwersang nag tutulak sa mga talukap ng iyong mga mata
At sa oras na ito ay mag sara.. Tutulo ang kahuli hulihang butil nang luha.
Na syang hudyat na sa sakit ganap ka nang malaya.

Please follow me on facebook

https://steemit.com/poetry/@therainbow/67drwf-h-i-l-i-n-g-or-original-spoken-poetry-malakas-ako-matatag-ako-pinatatag-ako-ng-pananakit-nyo

Photos from: https://declinate.tumblr.com/ (I take no credit)

https://www.facebook.com/holandabernadette

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!