Aking Munting Handog Para sa mga "INA"

in #poetry6 years ago (edited)

Image may contain: 1 person
Pinagkunan ng imahe

"INA"

Ina, bakit napakasarap mong mag-alaga?

Tila ba napakiharap 'pag ika'y nawala

Alam ko na tinitiis mo lahat

Kahit na ang pag-aalaga namin sayo'y di sapat

Sa walang kapantay na ibinibigay mong pag-ibig

Ay talaga namang mapapapikit na lamang at mawawalan ng imik

Hihimlay sa iyong braso ng mahimbing

Habang ang iyong kanta saki'y bukambibig

Madalas na nagigising sa himbing ng pagtulog

Sa pagdilat ng mga mata'y makikita ang mga luha na isa-isang nahuhulog

Bakit Ina? tanong ko agad

Batid kong ang iyong pasakit ay sagad

Ngunit ika'y matapang

Sagot mo sa ika'y "wala ito anak"

Naghagilap ng panyo

Pinunasan ang mga luhang unti-unting natutuyo

Ngumiti ka habang nakatingin sa akin

Niyakap mo ako't hinalikan sa aking noo

Alam ko na minahamahal mo kami ng iyong buong puso

Ina,salamat sa lahat ng iyong pagmamahal

Nandito lang ako at di ka mag-iisa

Pangako...

Ito'y aking munting handog para sa lahat ng mga "Nanay" tulad ko na mula sa iba't ibang kwento ng kanilang buhay. Isa itong pasasalamat kabilang na rin para sa aking "Mama" na malayo sa akin. Maraming salamat po sa pagbabasa! Hangad ko po ang kaligayahan ninyong lahat!

♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥


Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66258.39
ETH 3170.93
USDT 1.00
SBD 4.07