"Puso'y Ikaw ang Pinili" : A Filipino Poetry

in poetry •  16 days ago

"Puso'y Ikaw ang Pinili"

love-3061483_1280.jpg


Maraming dumaan na araw at gabi
Lagi tayong magkasama at magkatabi.
Pakiramdam natin tayo'y wagi
Sayang naidulot ay di mawakli.

Hindi ko na maitatanggi
"Puso'y Ikaw ang Pinili".
Araw-araw sa isip sumasagi
Puso'y ikaw ang laman gabi-gabi.


Damdamin sana'y di isantabi
At ako ang iyong mapili.
Inaasam kong sa labi mo dumampi
At hayaan ang mundo na tumili.


Aalagaan ka ng walang pag-aatubili
Sa piling ko hindi ka magiging sawi.
Kalawaka'y gagawin kong saksi
Tatayo sila hanggang mangawit ang binti.


Sana sa puso mo ako'y maging kahati
At makuha ang iyong matamis na ngiti.
Ako sana sa iyo'y maging wagi
Dahil ang "Puso'y Ikaw ang Pinili".


**
Ipapasyal ka sa lugar na matindi (lol)
Ide-date ka na may kandilang nakasindi (lol).
Tayo'y magsasama hanggang sa huli
Sa simbahan hahantong sa harap ng pari.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!