Filipino Poetry #1: " Hanggang Tingin "

in #poetry6 years ago (edited)

Image Source


Kay ganda mong pagmasdan.
Nakakapawi ng luksang pinagdadaanan
Hindi mo man ako lubos na kaibigan
Pero hangad ko naman ay mapusoan

Ngiti mo pa lang ay nakakabihag na.
Paano pa kaya kung akoy kausapin mo pa
Sa bawat sulyap mo, ako ay namumula.
Mahirap ang buhay ng torpe, oh aking sinta.

Hanggang tingin nalang ba ako sa iyo?
Diyos ko! Sapat na tapang lang po.
Kailangan pong magtapat ng aking puso.
Pag-ibig ko naman ay wagas at totoo

Nagmumukha na akong tanga sa kasusulyap.
Pagtatapat pala sa isang babae ay mahirap.
Pero ano bang dapat gawin? Ika'y aking pangarap.
Kailangan doble na ang gawing pagsisikap.

Di na nakakapagtaka na sa iyo ay maraming manligaw
Pero sana naman ika'y di madala ng kanilang mga galaw.
At sa kadulu-duluhan ay darating din ang tamang araw
Na sa wakas ang magkakatuluyan din ay ako at ikaw.


Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by japh being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63855.79
ETH 3113.00
USDT 1.00
SBD 4.04