Ikatlong Edisyon ni Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago

Bagong araw at bagong mga Tagalog araw muli! Maraming salamat sa mga nagsusulat ng Tagalog sa steemit! Yehey bagama't maliit lamang ang aking halaga o ang halaga ng aking upvote ako ay lubos na nasisiyahan sa inyong mga likha.

Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.


BATO, PAPEL, GUNTING

Bato, papel, gunting.
Tatlong bagay na pumupukaw sa aking paningin.
Parang puso mo na parang bato, masakit isipin na ako'y nawawasak lang dahil sayo.

Isang tula na naglalahad ng saloobin ng isang taong umibig. Sa titulo aakalain mo na ito ay patungkol sa isang laro na jak en poy ngunit dito inilarawan o inihalintulad ng may akda ang kaniyang nararamdaman ukol sa kabiguan pagmamahal. Napakagandang pagkakasulat.


Literaturang Filipino: Itim

"Umalis ka nga rito! Ang pangit mo talaga!" singhal ng isang batang lalaki sa 'kin.

Ito ay ang pambatong likha ni @jemzem para sa patimpalak ng @steemph.cebu patungkol sa isang pusang itim na hindi naman "kagandahan" alamin kung ano ang nangyari sa kaniyang paglalakbay.


Literaturang Filipino: "Aso man sa paningin, Tao rin kung maituturing."

Aso man siya sa aming paningin, ngunit ang pagmamahal na aming hatid sa kanya ay higit pa sa isang hayop at tinuturing na siya bilang isang myembro ng aming pamilya

Isang tunay na karanasan at kwento ang hatid ni @arpiethesurvivor para sa kaniyang mambabasa. Dito ipinakita niya ang pagmamahal sa kanilang alaga na si Cheetah.


APO KONG OLIVIA

Isinilang ka na wala c lolay
Nag iisang taon ka nalang
Ni hindi pa kita nahawakan
Masakit man sa damdamin
Ngunit kaya kong tiisin

Isang tula na alay ni @olivia08 para sa kaarawan ng kaniyang apo na si Olivia. Maligayang kaarawan sa munting bata nawa'y lumaki siyang malusog at matalino gaya ni Toto.


''KAIBIGAN''___tula na gawa ng aking anak para sa kanyang kaibigan.

Ang anak ni @misspinay85 ay gumawa ng tula alay sa kanyang kaibigan. Nakakatuwa na sa murang edad ay naibigan na niya ang paglikha ng mga tula kaya karapat-dapat lamang na bigyan siya ng jacket! este rekognisyon pala.


Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting lathala. Para mas madali kong makita ang inyong likha mangyari lamang na gumamit ng mga tags na #tula, #pilipinas, #kwento, #literaturang-filipino o kung mayroon kayong link o kahit hindi sa inyo na nakita nyong likhang Tagalog. Maliban sa kontribusyon sa utopian mangyari lamang po na i komento nyo po ang link sa post na ito.

Muli ako po si Toto, isang alagad ng wikang Tagalog na nagpapasalamat sa inyong panahon at subaybayan nyo po ang aking mga susunod na edisyon ng Tagalog Trail.

Sort:  

Maraming salamat sa pag-feature ng aking akda, @tagalogtrail. Nawa'y marami ka pang madiskubreng akdang tagalog rito sa Steemit. :)

Sana nga po. Kung mayroon po kayong likhang Tagalog maari nyo pong i comment dito para aking masuportahan.

Salamat pong muli!

Sinisigurado kong marami pa akong ibabahagi na akdang Tagalog dito sa Steemit. Maraming salamat po! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 58925.39
ETH 2498.15
USDT 1.00
SBD 2.48