Ika Limampu't Tatlong Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!


Ako po si Toto ng @tagalogtrail na maghahatid po ngayon sa inyo ng arawang edisyon (na dapat ay noong kagabi pa lagi nalang kaming late nitong mga nakaraan masyadong busy sa buhay-buhay)

Para sa edisyon na ito, nais ko pong itampok at ipakilala sa aming mga tagasubaybay ang aming bagong diskubre na mga manunulat ng wikang Filipino at sympre ang mga luma din hahahah. Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan.

👏

My ULOG Day #3 | Encash my SBD to buy a Shoes of my niece (tagalog post)

LRM_EXPORT_20180522_183704.jpg

Isa na namang kwento ng katas ng steemit! Nakaka inspire talaga kapag may nakikita kaming post na tulad ng ganito dahil sa simpleng pagbabahagi natin ng mga kwento, tula at kung ano pa ay kumikita tayo at nagkakaroon din ng kaibigan.

Hugot Blues | Hugot Contest
IMG_20180522_163919-01.jpeg

Naunahan ko si Junjun dito! Nyahahaha hugot na hugot ang mga emosyon dama mo yung hinanakit dun sa bawat linyang binitawan eh. Saktong sakto lang ang timpla para sa akin.

RadyoSerye ni @jennybeans -- Unang Tampok

Para tapusin ang daily feature si Tropang @jennybeans ay nagshare ng kanyang talento sa pagku kwento. Yes may DSOUND! Woohoo nakakaiyak grabe ang lambing ng boses nya parang anghel. Basta maganda ang daloy ng kwento mala radyo nobela na ito.!

Medyo maiksi lang ang aming featured post sa ngayon dahil medyo abala talaga kami ni Junjun nga pala naghahanap din kami ng volunteer na curator para sa proyektong ito kaya't kung may kakilala ka na nais o may pagmamahal sa wikang Filipino na kayang mag part time ay maari mo kaming kontakin sa discord. May mga prospect na kami kaso nga lang mas maganda parin ang volunteer yung kasing kulit din namin sana ni Junjun hangga't maari.

Bukas narin pala ang anunsyo sa Tagalog Logo at sa Avatar alam ko hinihintay na ng mga tambay sa tambayan ang patimpalak na iyon dahil pag nagkaroon na ng avatar ay papasok na si Junjun sa discord. ( Tapos ako paano na 😓 😓 )

Yung prompt din sa Tagalog-Serye bukas na sya lalabas kaya't spammer ang dating namin bukas hahaha andaming kailangan habulin. Di muna kami magbabakasyon siguro hahaha.

Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting trophan ng mga manunulat ng wikang Filipino, iniimbitahan po namin kayo sa aming Discord Tambayan.

Sort:  

Dapat lang nakalagay yun sa featured post ate @ailyndelmonte ang good vibes kasi hehehe - Si Toto po ito para di na magkalituhan haha.

Haha sige toto nalang tsaka aileen nalang po 😊 wag na ate.. thank you po sa pag feature ng post ko haha ang laking tulong ng steemit para satin

Maraming salamat @tagalogtrail
Di ko sukat akalain na mapapasama ang post ko sa arawang featured post niyo kasi bunga lang yun ng ka jologan ko ehhh hahaha... Thank you ulit :)

Kajologsan man yan o hindi ang mahalaga ay importante! Hahaha basta ipagpatuloy mo lang yan dadami pa ang fans mo @jennybeans

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66137.63
ETH 3161.38
USDT 1.00
SBD 4.13