[メマ] Achievement Unlocked: Makapaghurado sa Patimpalak ng Tula

in #pilipinas6 years ago (edited)

mema_jazzhero_b.jpg

Ang imahe ay akin (hindi ako gumawa pero bigay po ito sa akin).
Banner ay galing sa Spark Adobe. Salamat sa @tagalogtrail para sa tips sa banner :)

Kahapon nagtapos ang pa-contest ng tula ni tropang Jassennessaj. Medyo nagtaka ako kung bakit ako ang kanyang napili dahil wala naman ako na-publish na mga gawang tula dito sa Steemit. 😅 Pero naitawid na din. Eto po ang anunsyo ng mga nagwagi. Kung may oras kayo at kung mahilig kayo sa mga tula, invite ko kayong basahin ang mga gawa ng mga nanalo.

Pero para san nga ba yun post na ito?

Sumakit kasi ulo ko kahapon haha 😆 Kaya i-share ko na lang din ang experience ko sa paghuhurado. Ang dami pong magagaling talaga, pero unfortunately, tatlo lang po ang magwawagi. Kunin ko na rin po itong chance na to para kilalanin ang ilan sa mga akdang nagustuhan ko din talaga ngunit hindi napasama sa top 3.

Judging Time

Sa pangkalahatan, 34 po ang tulang naipasa bago magsara ang contest. Syempre po binasa at ninamnam ko po ang bawat isa sa mga iyon. Sa 34 na tula, napaliit ko ito sa 16 na bilang laman. Ang pagpili ko dito ay base sa lakas ng impact at effort.

Sa pagkakalahati ng entries, hirap na din po. Pero pinaka-madugo talaga yun galing sa 16 ay gagawing kong tatlo na lang 😅. At dahil po dyan minabuti ko ng gumawa ng personal criteria sa pag-judge.


PamantayanHalaga
Mensahe at Paggamit ng Tema30%
Daloy at Tunog30%
Estilo at Pagka-orihinal30%
Kahusayang Teknikal10%

  • Mensahe at Paggamit ng Tema (Message and Use of Theme): Panalo po para sa akin ang mga gawang may solid na mensahe. At dahil may temang binigay na gintong medalya, hinanap ko po ang mga akda na may mataas na relevance sa prompt.
  • Daloy at Tunog (Flow and Sound): Fan po ako ng mga tula o kahit anumang akda na may magandang flow at cohesiveness. Yun tunog naman po ay hindi ibig sabihin yun tugma, ito ay patungkol dun sa "maririnig" mo habang binabasa yun tula. Sa simpleng salita siguro, "maganda ba pakinggan ang tula kung bibigkasin?".
  • Estilo at Pagka-orihinal (Style and Originality): Sa dami po ng entries, automatic po talagang nangingibabaw yun may kakaibang estilo at atake. Kaya po mataas na puntos po ang ibinigay ko sa uniqueness factor.
  • Kahusayang Teknikal (Technical Excellence): Pamantayan ko ito para sa pagkapulido ng gawa. Hindi ganoon kataas ang puntos na nilaan ko para dito kasi mas mahalaga sakin personally yun mensahe, emosyon, estilo kaysa sa mga teknikal na aspeto.

Ang mga Nagwagi

Sa 16 na natira na mas binusisi ko po ay may nangibabaw na 8 tula. Syempre alam nyo na po yun tatlo jan dahil yun ang mga akda ng mga nagwagi:

ManunulatParangalLink ng Tula
@oscargabatKampeonGintong Medalya
@romeskieUnang ParangalGintong Medalya
@kyanzieunoIkalawang ParangalGintong Medalya

Ang Aking mga Special Mentions

Sa aking personal na top 8 na hindi napasama sa awarding, nais ko po sana din kilalanin ang inyong mga akda. Magbigay na din po ako ng kaunting SBD para medyo may impact yun pagiging special mention 😊

Sa totoo lang po, marami pa rin pong magaganda bukod dito sa lima, pero limitahan ko na lang po ito sa pinaka-nagustuhan ko. In no particular order po:

@chinitacharmer - Gintong Medalya

Nung una'y nabanggit nya sa aming discord tambayan na mas kumportable syang magsulat sa ingles. At talaga naman curie-level yun pagsusulat nya gamit yun 😉. Pero eto lodi na rin talaga si @chinitacharmer sa pagtatagalog. Pinakanagustuhan ko talaga dito yun emosyon at pagmamahal na naguumapaw sa kanyang akda. Winner na mommy talaga 😁

@wondersofnature - Gintong Medalya

Sa lahat ng mga entries, isa ang kanyang lika sa pinaka-makata at may mga nagamit na salitang hindi pang-karaniwan. Natuwa din ako na napapa-imagine nya sakin na farm-life sa kanyang pagsalaysay. Medyo trip ko din talaga yun ganyang setting, kaya nahuli agad ang atensyon ko.

@emdesan - Gintong Medalya

Napakasaklap ng kwento sa tulang ito. Talagang may kirot kapag dinamdam mo ang tula 😢 Ang lalim po ng tema at bitaw. At dahil po doon talagang standout po ang tula ni bb @emdesan na talagang pupukaw sa damdamin mo at magpapaisip sayo pagkatapos mo mabasa.

@jembee - Gintong Medalya

Imahinasyon lang daw ang kwento pero totoo talaga yun emosyon - puno ng pangarap at pagsisikap. Isa to sa mga tulang nabasa ko sa contest na siksik talaga ng inspirasyon. Maganda din ang daloy at ang pagkaka-structure sa tula at panalo rin talaga ang surprise twist sa ending 😎

@tpkidkai - Gintong Medalya

Excited masyado si TP-bro. Ilang oras pa lang yun announcement meron na agad entry lol. Itong tula nya ang bukod-tanging tula sa entries na ang goal ay mang-aliw lang. Walang aral, punchline lang talaga haha. Ito ang patunay na malayo din ang nararating ng mga akdang kaya kang pangitiin.

Achievement Unlocked

Naging makabuluhan at masayang experience din po para sa akin ang pagiging hurado. Unang beses ko po ito mag-judge ng tula, palaging contestant lang, kaya naman "achievement unlocked" talaga. Pero isa pang bagong achievement sa akin ay ang makagawa ng post na medyo random 😅. Isa sa mga weakness ko rin ang kawalan ng motivation na magsulat kaya naman halos walang laman ang aking blog. Kaya solved na din ako kung makapag-post ako kahit once a week lang.

Medyo confident ako may magbabasa netong post kasi ang dami kong mentions lol.

Sort:  

Medyo confident ako may magbabasa netong post kasi ang dami kong mentions lol.

Natawa ako dun. Haha
Isa ka sa mga lodi ko @jazzhero. Hangga't may signal dito sa amin, hinding hindi ka po mawawalan ng mambabasa. Hahaha

Haha. Salamat Romeskie (at kay Ginabot). Lodi na din kita Romeskie. Tawa ako ng tawa dun sa openmic mo tungkol sa mlm tsaka yun hugot groceries mo 😆
Kaya medyo nagulat ako slight dun sa seryosohan mong tula na inilaban sa contest. Congrats dun, good job po talaga 😉

Maraming salamat hurado Jazz. Nahiya naman aq sa curie level wahahaaha. Di na nga nasundan un lol 😅😂 But like sis @romeskie, hanggat may net din aq di ka mawawalan ng readers, may dalawang readers ka na agad. Hahaha. Isa ka sa mga lodi q pagdating sa pagsusulat. Kaya sana more stories/poems/articles to come so blog mo.

Ay parating na yan kasaunod haha 😉 Salamat sa palagiang support, Maine.
May dalawang readers na nga ako agad 😂 Solve na ako jan hehe

Hahaha! Siyempre naman, and di aq follower mo kc friend kita (wow talagang inangkin ang pagiging friend 😅😂), magaling ka talaga sis. Haha. Isa sa mga underrated na writers dito sa Steemit. You deserve more love sa mga obra mo! :( Pero oks lng din cguro, top curator naman ikaw sa Curie. 😄 And speaking of, pipilitin q na talagang tapusin ang 3rd part ng lovestory ko in English. Hahaha 😅

Ilang buwan ko ng inaabangan yang part 3 na yan. Haha. Naalala ko nun time na yon iniisip ko recent lang yun kwento (tipong 1 yr ago), kasi ang young-looking mo sa pics, kala ko college student ka pa 😂
Magkasangga tayo jan friend. More success pa darating sayo sa blogging 😉

Wow at tuwang tuwa naman aq sa parang college lang! Hahaha 😆 Susubukan qnq galingan tlga (although isasalaysay q lng naman sana ung nangyari noon lol) pra worth it naman paghihintay nnu ni @johnpd. 😅 at least sure na aq na may dalawang babasa sa karugtong nun 😂 Salamat Jazz.

Tropang @jazzhero. Maraming salamat sa pagpapaunlak bilang hurado. Sobrang naappreciate ko yun :)

Maraming salamat din talaga sa tiwala tropang Jassen. Asahan mo ang patuloy na suporta namin sayo at sayong mga proyekto.

Hahaha kailangan pala may ganito achievement unlocked pag naging hurado!

Walang aral talaga yan! Bwaahahhahaha kailangan maging masaya lang tayo. For sure kasi na maraming sad post kang mababasa dun tinulungan na kitang mag eliminate ng isa. Tsaka kailangan ko ng SBD! Hahahahah para sa post.

Panalo pa rin talaga yun tulang nagawa mo. Magaling ang konsepto at surpresa sa dulo

Wala bro hindi mo ako pinili hahah. Ui na figure out ko na yung sa spoken word ng bahagya. Bwahahahaha less editing time na for me. Equipment nalang.

Uy thank you Jazz-bro dun sa pa reward kakatuwa naman may kita din pala yung mema post ko! Sana next time ulit ikaw ang judge.

Summoning tropang @jassennessaj gawin mo ulit judge si @jazzhero.

Ang gandang mema post na tula naman nun 😂Sa judging, iba naman haha para iba-ibang klase yun tula ang manalo sa bawat linggo depende sa pamantayan ng bawat bagong hurado.

Wala ganun talaga Jazz-bro next time paiiyakin kita sa spoken word ko. Hahahaha I just attended a workshop kay Kay-Leclerc and more videos and experimentation from me.

Congrats sa achievement-unlocked @jazzhero! :D

Yo, salamat sa pagdaan @raiserxn :D At sa palagiang support din. See you online soon.

Salamat sa special mention sir @jazzhero 😊 sasali po ulit ako sa mga patimpalak na ganito sana kayo ulit judge hehe

Walang anuman @emdesan. Ang dami nyo kasing magagaling kaya sobrang nahirapan ako 😅
Nabitin ako sa top 3 haha. Deserve nyo din talaga ang recognition. Sali ka ulit sa mga susunod.

Hahaha. Dami kong tawa sa last part. Salamat po! Nagagalak ako na napabilang ang aking akda sa mga tulang nagustuhan mo. hehe.. Salamat rin sa premyo. Nakaka-inspire ang komento mo sa bawat isa saamin, sa katunayan ay pauli-ulit kong binasa ang komento mo patungkol sa aking tula. hahaha.. Congratulations sa isang Achievement Unlocked! Sana ay mas marami pang achievements ang ma unlock mo ;) More power!

Haha. Salamat sa iyong kumento @wondersofnature. Nakakabilib din talaga ang iyong tula. Kung hindi pa obvious, tunay din akong elibs sa estilong tradisyonal na makata. At salamat sa pag-appreciate sa aking mga kumento haha. It's the least I could do to show my appreciaton sa magagandang entries nyo.

wow galing galing naman! hindi n ako tumutula pero masarap gumawa ng tula., baka pag gumawa ako, maubos lahat ng buhok ko kaiisip ng issulat hahha., d na ata ako sanay

Marami nga pong magagaling na manunula sa Steemit. Kung may oras po kayo, try nyo din sumali sa paligsahan ni Jassennessaj 😉

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70601.40
ETH 3576.96
USDT 1.00
SBD 4.75