120 Philippine Independence Day| Ika-120 Araw ng Kalayaan

in philippines •  last year  (edited)

June 12, 2018 , today marks anther milestone in Philippine history as the country celebrates its 120th Independence Day celebration and as a Filipino I couldn't be more happy and proud for this. In honor to the celebration on the country's independence, I will give tribute to some notable people as well as the Filipino identity and I will be writing this in Tagalog to give respect to our native language.



image.jpeg
Source

Makasaysayan ang araw na ito hindi lang para sakin pati na rin sa lahat ng mga Pilipino sa ibat-ibang Pilipino sa buong mundo. Ang araw na ito ay makasaysayan dahil hanggang sa puntong ito ay patuloy nating nilalasap at nararamdaman ang kalayaang pinaghirapan ng ating mga ninunong Pilipino noon. Sila ay nag sakripisyo at naging matapang na bayani laban sa mga mapang-aping mga banyaga. Kaya malaki ang pasasalamat natin sa kanila.


Laban Patungong Kalayaan




image.jpeg
Source

Naging masalimoot at makulay ang ating kasaysayan sa loob ng maraming taon na tayo ay naging sakop at biktima ng kolonisayon ng mga banyaga. Pero bago pa man dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas ay simpleng buhay at tahimik lamang ang mga Pilipino na naninirahan sa bansa. An gating mga ninuno ay may nakaugaliang sistema at kultura ng pamumuhay dati pa.

Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang lahat noong 1521, sa utos ng hari ng espansya ay nagkaroon ng ekspidesyon ang Portuguese na si Ferdinand Magellan sa tinatawag na Spice Island sa Molluccas na kung saan sila ay kailangang maglakbay. Ngunit sa kasamaang palad bago pa man sila nakarating sa Spice island ay nauna na silang nka tapak sa Pilipinas noong Marso 1521. Kasama ni Magellan ang ibang mga Espanyol sakay ang limang barko nilang dala at naging hudyat na ng kanilang pananatili sa bansa.

Ito na ang naging hudyat para tuluyan tayong sakupin ng mga Espanyol, Ito na rin ang simula ng isang matagal na pahina ng ating kasaysayan. Sa kanilang pag dating sa bansa ay may malaking epekto. Ang datiy tahimik na bayan ay naging magulo. Ang dating malayang mamamayan ay parang naging mga Preso. Sa loob ng higit 333 na taong pamamalagi sa bansa ay maraming nagbago sa mga pilipino, ipinikilala sa mga Pilipino ang relihiyong Kristyanismo at ang pag-aaral sa bansa.

Ngunit ang serbisyong mga ginawa nila ay bukod tanging may kapalit, Gaya ng ating kalayaan at ang mga pang-aabusong ginagawa sa mga Pilipino gaya ng sapilitang paggawa, ang labis labis na mga buwis ng na ipinapatung sa mga mamamayan at ang pagkuha sa kanilang sariling lupa. Iilan lamang iyan sa mga hindi na kayanan ng ating mga Pilipino kaya iilan naring pagkakataon sila ay nag-alsa laban sa mga Espanyol.

Ngunit sa Pagkakaisa ng mga Pilipino at lumaban , sinuportahan din ng Amerika sa tinaguriang Spanish-American wars na Kung saan nanalo ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikano Laban sa mga Espansyol na naging hudyat din para ideklara ang araw ng kalayaan sa bansa noong June 12,1898 sa Kawit, Cavite sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo at dito din itinaas ang bandera ng Pilipinas para sa ating bansa at kalayaan .

Watawat ng ating Bansa

Ang watawat ng Pilipinas ay unang ideya ni General Emilio Aguinaldo. Ang mga gumawa naman niyo ay Si Marcela Agoncillo, parti din ang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad ang nagtahi ng unang watawat ng Pilipinas. Upang mas maging maayos at iwas sa gulo ay ginawa ito sa Hongkong. Ang konsepto naman ng ating Watawat may kulay pula at bughaw na sumisimbolo ng ating katapangan at kapayapaan mayroon ding pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang kulay gintong -dilaw na malaking araw. Ito ay binubuo ng pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya noong araw. Ang tatlong malaking araw naman ay kumakatawaan sa 3 pulo ng Pilipinas na Luzon, Visayas at Mindanao.


Ang Ating Pambansang Awit




Source

Marcha Filipina Magdalo ang kauna-unahang titulo nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos ideklara bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas. Ang nagbuo naman nito ay walang iba kundi Julian Felipe na kanyang pinaghirapan ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila noong 1899. Ngunit binago naman muli ang titulo nito at naging na "Lupang Hinirang" na unang inawit noong Mayo 26, 1956 , pinamunuan ito ni Ramon Magsaysay at ginawang Tagalog.


Ang mga bayani ng ating bayan


Marami bayani ang ating bayan na isinakprisyo ang kanilang buhay para sa ating bayan. Na kong saan ginawa nila ang lahat maipagtanggol lang ang ating bansa.

Jose Rizal ang ating Pambansang bayani na nakilala sa kanyang katalinuhan at kakaibang pakikibaka sa ating bansa. Siya ay nasyonalista ng ating bansa na ginamit ang kanyang mga natutunan para gumawa ng mga aklat mga Tula na propaganda laban sa mga Espanyol. Si Dr. Jose Rizal ang pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.



Andres Bonifacio Isa din sa mga matapang na bayani. Tinaguriang"Father of the Revolution in the Philippines". Si Andres Bonifacio ay isang magiting ni leader sa mga pag-aalsa Laban sa mga Kastila.Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan sa Pilipinas na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino at dumami ang mga kasapi nito. Kahit sya ay hindi nktapos ay matalino itong si Andres Bonifacio at gumawa ng mga magagandang tula.


Overseas Filipino Workers Sila ang tinaguriang mga makabagong bayani ng ating bayan, ang mga OFW ay mga matatag, matatapang at tunay na nagsasakrispisyo para sa kanilang mga pamilya at bayan. Sobra ng laki ng kanilang ambag sa pag taas at pag unlad sa ekonomiya ng ating bansa. Kadalasan man sila ay hindi napapansin ngunit sila ay dapat pahalagahan at ipinagmalaki.

Marami pa tayong mga bayani sa ating bayan Gaya Nila na maraming nagawa sa ating bayan at sila ay karapatdapat igalang at bigyang pugay.

Bakit Masaya sa Pilipinas

Ang mga Tao


image.jpeg
Source

Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamasasaying tao sa buong mundo. Ang mga Pilipino ay kilala bilang maligalig at hospitable sa mga dayuhan. Tayo ay may natatangi magagandang puso at hangarin sa ating bisita na dito lamang makikita sa ating bayan. Ang mga Tao ay isa sa mga maipagmamalaki natin bilang isang Pilipino. Mahilig din tayong mga Pilipino sa bayanihan na kung saan tayo ay laging nagtutulungan para sa bayan. Higit sa lahat tayong mga Pilipino ay kilala bilang mga positibong Tao sa mundo na kahit anong problema ang ating daanan nananatili tayong matatag.

Ang Magagandang Tanawin at Pagkain


image.jpeg
Source

Isa ang Pilipinas sa mga bansang dinadayo talaga ng mga turista sa iba' ibang panig sa mundo. Hundred islands , Chocolate Hils, Siagao beach , Boracay, Palawan underground river ay iilan lamang sa mga ipinagmalaki natin sa buong mundo na natatangi at sa Pilipinas lamang nakikita. Isama natin ang mga masasarap na pagkain pinoy na ipinagmalaki natin. Sa impluwensya nadin ng mga dayuhan sa atin mula noon ay mas naging makulay ang ating mga Pagkain at masarap. May lechon Cebu, Pansit, Sisig at marami pang iba.

Ang ating Kultura


image.jpeg
Source

Aton nga sa pag-aaral na isinagawa ay maraming gusto sa Pilipinas dahil sa natatangi at magandang kultura nating mga Pilipino. Sinakop man tayo ng mga dayuhan ng ilang taon ngunit patunay parin matibay ang ating kultura. Ang ating mga ipinagmalaki indigenous people at ang ibat ibang tribu nating mga Pilipino ay nagpapatunay dito. Ang mga kultura nating dapat pakaingatan at ipagmalaki.


Bilang isang Pilipino


Ako bilang isang Pilipino ay natatangi at bukod kong ipinagmamalaki sa buong mundo. Bilang isang Pilipino rerespituhin ko ang ating bansa at tutulong sa aking makakaya na maitaas ang bandera nating mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulat at pagbibigay pugay sa ating mga tradisyon at kultura.

Ang Pilipinas ang ating bayan kinagisnan at nawa'y hindi lang sana ngayong araw natin maramdaman ang diwa ng Pagmamahal sa bayan at nasyunalismo kung hindi na rin ay damhin nating ito araw-araw.


Maraming Salamat, Happy Independence Day Mabuhay !


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @zam398! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last announcement from @steemitboard!

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!