"Buhay-Bata"


"Buhay-Bata"


Tula patungkol sa kasiyahan na nararanasan natin nung kabataan


images (5).jpg
Pinagkuhanan ng Imahe


Kasiyahan ng bata ay walang kapantay
Para sa kanila, ang gaan lang ng buhay
Iniisip lang ay saya, walang problema
Laro hanggang gabi magmula pa umaga

Kay sarap nga naman ulit maging bata
Yan ang kasabihan ng mga matatanda
Kung maibabalik lang ang panahon at oras
Aayusin ang lahat, at hindi magwawaldas

Mga laro nung kabataan ay sobrang saya
Patintero, luksong baka at mataya-taya
Pag ikaw ay babagal bagal at hindi gagalingan
Malamang ikaw ay pulutin lamang sa kangkungan

Mas masaya sa laro kung kayo-kayo
Pero mas determinado kapag may dayo
Kahit saang larangan hindi magpapatalo
Pag dinaya ay "Sumbong kita sa Kuya ko"

Bata nga naman kahit mainit
Makapaglaro lang talagang magpupumilit
Kaya minsan kapag kukulit kulit
May naghihintay sa bahay na palo sa puwit


DQmboHdFAz8kFNLLgYr9USbb4rRixZD6KvSjw6JS3ieKeLo_1680x8400.png

received_1028559813960958.jpeg

And this is @racheleecious or simply "Chel Lee"

Don't forget to Follow, Comment, Upvote and Resteem
DQmWpisRXDF56mV3DgzzPUxb3R2ozseR48YVr2YKtwtrBcV.gif

DQmboHdFAz8kFNLLgYr9USbb4rRixZD6KvSjw6JS3ieKeLo_1680x8400.png

To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.090
BTC 62143.12
ETH 1744.45
USDT 1.00
SBD 0.38