Hugot na Tula/Poem for Filipinos #16: KALAYAAN


Image Source

Tinta.
Luha.
...ibinuhos and damdamin.
...tutuyuin din ng hangin.

Alaala ko'y ikaw...
at ang upuang dilaw.
Ang hanging dumampi
Na tila'y nyebeng yumapos sa akin,
Nang dahil sa jacket mong pula
At matamis na ngiti ay napawi.

Ang piraso ng biskwit na ating pinagsaluhan
Ang bag mong hindi ko binitawan
At nang sa balikat mo ako'y sumandal.
Ang iyong mata...
Ang iyong mukha...
Maaari bang ako'y pakawalan mo na?

Alaala ko'y ikaw
At tanging ikaw lang
Hinintay sa buong araw
Masulyupan man lang...
Marinig man lang...
Mga katagang hindi pa naulinigan.

Tinta at luha.
Luha at luha.
Mga gabing ikinulong ng dilim.
Kailan lalaya ang buwan?
Araw, kailan matatagpuan?

Puso.
Damdamin.

Bugso'y di mapigilan.
Sa panaginip ako'y tinalikuran
Nang walang pasabi
Nang walang paalam.

Nakagapos ngayon
Ngunit ngayon ay hindi bukas
Batid na ang katotohanan,
Tanging ako at ako lamang...
Ang umiibig.
Ang nagmamahal.

Hangin, salamat sa pagtuyo ng luha.
Panaginip, sinukat ang talinghaga.
Alaala ko'y ikaw
Ngunit di kailanman.
Sapagkat ngayon ang araw
Ng aking kasarinlan.

Sort:  

Isa kang dakilang Makata :)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66408.70
ETH 3225.39
USDT 1.00
SBD 4.17