Literaturang-Filipino: Maraming Salamat sa Lahat Mahal ko

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)


Pinagkunan ng imahe

Walang araw na hindi kita iniisip. Lalo na yung mga araw na palagi tayong magkakasama. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw ng iyong paglisan. Umasa ako na hindi mo ako iiwan. Pinangako mo sa akin na mananatili ka sa aking tabi magpakailanman. Ngunit bakit? Bakit mo ako iniwan?

Sama-sama tayong nagsisimba tuwing linggo. Nananalangin sa Diyos na mananatili sana tayong matatag sa bawat unos na darating sa ating buhay. Sabay pangako sa isa't isa na hindi maghihiwalay.

Ipinakilala mo ako sa pamilya mo, at ipinakilala rin kita. Takot nga ako noon baka hindi ako tanggapin ng ama at ina mo. Ngunit, nang malaman ko na susuportahan tayong dalawa, halos hanggang langit ang saya na aking nadarama.

Alam mo, napakasaya ko noong ipinagmamalaki mo ako sa pamilya, kaibigan at mga kakilala mo. Napasabi ako sa sarili ko na ang suwerte ko, kasi nagkaroon ako ng kasintahang katulad mo, napakabait. Ikaw ang naging "shock absorber" ko. Sa tuwing mayroon akong problema, lalong lalo na yung namatay si ama at si ina dahil sa aksidente, ikaw yung naging sandigan ko. Ikaw ang palaging nagsasabi sa akin na huwag akong bibigay. Patay na si ama at ina, at kahit luluha ako ng isang balde, ay hinding-hindi na maibabalik pa ang kanilang buhay. Halos gusto kong magpapakamatay noon, kasi, napakasakit. Ikaw yong bituin na gumagabay sa aking paglalayag. Ang kalungkutan ko ay pinalitan ng kasiyahan ng dahil sa iyo. Ang swerte ko na nandiyan ka sa tabi ko noon, kasi, kong wala ka, siguro natuloy yung plano ko na magpapakamatay.

Unti-unti kong naintindihan ang lahat na nangyari sa buhay ko ngayon. Siguro, dumating ka sa buhay ko upang turuan akong magpakatatag. Siguro binigay ka sa akin ng Diyos upang turuan akong hindi susuko sa bawat hamon na darating sa buhay ko. Hindi ko inakala na ipinahiram ka lang pala sa akin ni bathala...........

Nang nabatid ko na naaksidente ka, nahimatay ako dahil takot at kaba.

Ang pagkamatay mo ay labis kong ipinagdalamhati. Hindi pa nahilom hanggang ngayon ang sugat ng kahapon. Ngunit alam ko na lahat tayo ay mamamatay. Hinihintay ko na lamang ang oras kung kailan ako kunin. Sabik na akong makapiling ka, at makita ang aking pamilya diyan sa langit.

Hinding-hindi ako hahanap ng iba . Hinding-hindi kita ipapalit sa kahit sino. Ikaw ang nag hugis sa buhay ko. Mahal na mahal kita, magpakailanman. Ngayon ang tanong na Bakit mo ako iniwan ay batid ko na ngayon. Alam ko na ang sagot nito sa tulong ng Diyos. Salamat sa lahat Gio ha, mahal kita.

Sa panunulat ni @ryancalaunan

steemitworldmap

Maraming salamat sa walang humpay na pagsuporta sa aking blog.

gif of mine made by jason.gif

Sort:  

Congratulations, Your Post Has Been Added To The Steemit Worldmap!
Author link: http://steemitworldmap.com?author=ryancalaunan
Post link: http://steemitworldmap.com?post=literaturang-filipino-maraming-salamat-sa-lahat-mahal-ko


Want to have your post on the map too?

  • Go to Steemitworldmap
  • Click the code slider at the bottom
  • Click on the map where your post should be (zoom in if needed)
  • Copy and paste the generated code in your post
  • Congrats, your post is now on the map!

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ryancalaunan being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

This post has received a 3.67 % upvote from @boomerang.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66077.75
ETH 3167.77
USDT 1.00
SBD 4.01