"Palimos Po"


"Palimos Po"


Isinulat ang tulang ito dahil nakita ko ang mga batang nasa lansangan at nanghihingi ng tulong kahit kanino man


Pinagkuhanan ng Imahe


Ako'y nahahabag sa mga batang nakikita
Na kahit musmos at mga mata ay maga
Mga maliliit na katawan ay sanay sa batakan.
Maaga pa lang ay kumakayod kahit walang laman ang tiyan.

Bakit sila nasa lansangan?
Mga munting paslit ay nagkalat sa lipunan
Sila na ang kumakayod para may pangkain sa tanghalian
Na dapat ang ginagawa nila'y naglalaro sa palaruan

Mga saya ay napalitan ng lungkot at kahirapan.
At kung minsa'y sa mga bangketa sila'y nasisilayan
Mga tao, sila'y pinandidirihan
Tinataboy pa halos ng karamihan.

Imbis na tulungan ang mga batang dapat inaalagaan.
Bagkus nauuna pa ang panunukso ng ilan.
Paano kaya kung kayo ang nasa kanilang katayuan?
Kayanin mo kaya ang pait ng kapalaran?

Mga batang pagiisip ay napalitan ng poot sa kasalukuyan
Paano kung kayo ang kanilang hushagan?
Mapagkamalan pang magnanakaw ng ilan
Kahit walang ginagawa'y pinagiisipan ng kasamaan

Paano kung kayo naman ang kanilang pagtawanan?
O kaya'y kanilang pandirihan?
Ano kaya ang inyong mararamdaman?
Magpasalamat nga kayo dahil hindi kayo ang nasa kanilang katayuan

Dapat tayong mga tao ay magtulungan
Likas sa atin ang pagbabayanihan
Mga batang namamalimos ay abutan kahit minsan
Sapagkat sila'y tao rin naman

Sila din nama'y may puso, damdamin at karapatan
Kahit katiting na barya lang naman.
Mapapasaya nyo sila kahit kakarampot lamang.
Panglaman lang sa kanilang kumakalam na tiyan


Tulungan natin sila


Pinagkuhanan ng Imahe


DQmboHdFAz8kFNLLgYr9USbb4rRixZD6KvSjw6JS3ieKeLo_1680x8400.png

29251058_1778706728835158_353890596_o.png


DQmWpisRXDF56mV3DgzzPUxb3R2ozseR48YVr2YKtwtrBcV.gif

DQmboHdFAz8kFNLLgYr9USbb4rRixZD6KvSjw6JS3ieKeLo_1680x8400.png

To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

Sort:  

A picture speaks not a thousand word, but a million. I think my heart cried upon looking a this. I do not understand what you wrote, but my soul understood the image. Thank you!

it's all about the street children that I saw on my way home. I am so sad to see them sleeping on the streets, begging for food and some coins to other people. Some babies are just malnourished and have bloated stomach.. My tears fell when I saw them.

awwww sorry to hear...this curse is everywhere world wide...and really there should be no reason why it exists.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 58927.54
ETH 2514.69
USDT 1.00
SBD 2.48