"Ang Aking Pagbabaliktanaw"

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

33092267_1380621772082382_8232780582136840192_n.jpg

"Kanina pa ko nag-aabang ng mensahe niya di manlang marunong magsabi kung pumasok na ba siya! May telepono naman pero di marunong mag-sabi kung nasan na siya! Nakakainis talaga yang lalaking yan!" Sabi ko sa Ate ng Asawa ko habang ako'y umiiyak na halos nagsama na ang sipon at ang aking luha.

Ang Ate naman ng Asawa ko nakangiti lang habang hinihimas ako sa aking likuran....

"Hayaan mo yun at pagsasabihan ko bukas pag uwi nya" sabi ng aking Hipag habang nakangiti pa rin.
"Ayan na yan Julie" mas lumapad pa ang kaniyang ngiti.

Galing ako ng gabing yun sa ospital upang bantayan ang aking Biyenan na babae at hanggang nakauwi ako di manlang ako nai-text ng magaling kong Asawa kung siya ba ay umalis na sa bahay. Nadatnan kong wala na siya doon pag-uwi ko kaya naman nanginginig ako sa galit.

"Hindi ba at mag-iisang buwan ka ng hindi pa nagkakaroon? Yan na yan" malapad pa rin ang ngiti ng aking Hipag habang hinihimas pa rin ang aking likuran at ako naman ay singhot ng singhot at iyak pa rin ng iyak dahil sa sama ng aking loob.
"Mag-pregnancy test ka na kasi para malaman na natin. Konting mga bagay lagi mo ng iniiyakan" tuluy-tuloy niyang paliwanag na nakangiti pa rin.
"Ayoko muna mag-assume Ate Mai', baka wala lang 'to... Natatakot ako eh' baka wala naman" tugon ko naman sa kaniya.

Sa loob ng mag-a-apat na taon, ngayon lang naging sensitibo ang aking kalooban. Sa mga kaunting bagay lamang umiiyak na ako tulad ng nagugutom lamang ako at pag may gusto akong kainin umiiyak talaga ko at sobrang sama ng aking kalooban. Pinalipas ko pa ng ilang araw, hindi pa rin ako nasubok mag-pregnancy test. Hanggang nakauwi ang aking Biyenan na babae sa kanilang bahay na malapit lang sa amin kaya naman pag pumapasok sa trabaho ang aking Asawa ay nandoon ako parati sa Pamilya ng aking Asawa.
Hanggang isang hapon, may dumating na manghihilot para sa aking Biyenan na babae, matapos mahilot ang aking Biyenan, bumaling sila sa akin ang mga Ate ng aking asawa...

"Pakitingnan ninyo nga rin po itong aming hipag kung siya'y nagdadalang tao na. Hindi pa po kasi siya dinadatnan lagpas isang buwan na" paliwanag ng Ate ng aking Asawa sa manghihilot na babae.

Lumapit sa akin ang manghihilot...

"Aba'y bakit ayaw mo pa magpatingin ineng para ika'y makasigurado na. Wala ka pa bang ginagawang kahit na ano para malaman kung ikaw ay buntis?" tanong niya habang kinakapa ang aking pusod.

Hindi na ko nakasagot sa kaniyang mga ginawa sa akin. Inilubog niya ang daliri niya sa aking pusod at matapos non dumako naman ang daliri niya sa aking leeg sa baba ng lalamunan kung saan inilubog niyang muli ang kaniyang daliri. Tila may hinahanap...

"Ineng mahina pa ang tibok ng bata sa iyong sinapupunan. Mag-iingat ka parati para siya'y maging malusog at makapit. Magpatingin ka na rin para mabigyan ka ng mga kailangan mong inumin" baling niya sa akin matapos niyang kapain ang tibok ng puso ng bata sa aking pusod at lalamunan.

Hindi agad ako nakaimik, natigagal ako. Tanong ko sa sarili ko, "totoo ba?"

"Talaga po ba? baka po umasa naman ako sa inyong sinasabi?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Aba'y magpatingin ka na sa Duktor upang iyong makumpirma sa iyong sarili!" sabi niya sa akin.

Tuwang-tuwa naman ang aking mga Hipag lalo na ang aking Biyenan na babae na kahit na siya ang dapat na tutukan dahil sa nararamdaman niya ay talaga namang kahit hirap sa pagsasalita ay pinipilit pa niyang sabihan din ako na magpatingin na at nakita ko sa kaniya ang pagkasabik na magkaroon ng apo sa akin.
Magda-dalawang buwan ng ako'y nagpatingin sa isang Midwife sa isang Lying In. At doon nakumpirma namin na magda-dalawang buwan nga ang aking tiyan. Ginamitan ang aking tiyan ng isang bagay na kung saan maaari kong marinig ang tibok ng puso ng aking magiging Anak. Walang pagsidlan ang aking nadarama noong ito ay aking narinig. Totoo pala. Totoo pala na ang Pag-ibig ay bulag, hindi ko pa man siya nakikita ngunit mahal na mahal ko na siya.

Image may contain: 1 person

Mabilis lumipas ang buwan, ito ay aking inianak. Ika-26 ng Agosto sa taong 2013 ng 01:35 ng hapon, 7.3 lbs. na sanggol na babae ang aking iniluwal. Hindi ko akalain na matapos ang labis na hirap at sakit noong bago ko siya ilabas ay napawi niya lahat iyon. Lalo na ng siya ay aking mabuhat. Parang tumigil ang aking mundo at siya lamang ang aking nararamdaman at nakikita. Ganoon pala ang pakiramdam, nakakagalak sa puso na makita mo ang iyong anak na naglagi ng 9 na buwan sa loob ng iyong tiyan at nang mailabas mo siya ay talaga namang nawala lahat ng alalahanin mo sa buhay. Ang sarap sa pakiramdam, lalo na normal siya, kumpleto ang mga daliri, walang labis, walang kulang ganun din sa kaniyang mga daliri sa paa.

Image may contain: 2 people

Napakasarap ngang maging Ina. Kailangan lang na marunong ka magdala ng lahat ng darating sa iyong buhay kasama ang iyong anak at ng iyong pamilya. Hindi man madali ang lahat ng pagsubok, sadyang lahat naman ay nabibigyan ng solusyon upang ito ay matapos.

20180212_125822.jpg

Nagyon, siya'y malaki na. Apat na taong gulang at masasabi ko na napapalaki namin siya ng may takot sa Diyos at marunong magpasalamat sa lahat ng bagay na kaniyang natatanggap. Oo, masarap maging Ina ngunit maraming mga bagay ang mahirap sa propesyong ito. Ngunit samahan mo ng dasal, kilos, pasensya at tiyaga. Sigurado, lahat ng hirap na iyon ay ating malalampasan!
Maraming salamat po sa pagbabasa ng aking kwento na totoong nangyari sa aking buhay! Mabuhay po tayong lahat!

Please also support our boy Terry with his good and golden heart @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥


Sort:  

Your blog has received an upvote from the communal account of Steemph.antipolo for being an active discord member and as an active community member. Keep up the good work and best of regards. Keep on Steeming!

You can get a support by joining our discord channel and gain votes from

our curators. Join our discord now
https://discord.gg/7w3hJqw

If you would like to support steemph.antipolo project you can help by delegating your spare SP to us, just click the link below.
50 SP 100 SP 200 SP 300 SP 400 SP 500 SP 1000 SP

cute ni lieanne noong baby sya tabachingching heheheeh

oo nga eh' @juviemaycaluma, ung picture na pangalawa 5 days lang sya jan...

Haha ang laki ng tyan 😂

Magkakaganito ka rin @ailyndelmonte, hahaha'...

Sanaaaaaaaaaaa

Bukas na yan bhe! hahaha'....

Mag dilang anghel ka te juls matagal ko na gusto mag kaganyan

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64320.07
ETH 3154.23
USDT 1.00
SBD 4.34