The Daily Diary Game_Season3_07/06/22_ Pamamasyal Sa Aming Bakuran

in Steemit Philippines2 months ago

IMG_20210630_144310.jpg

Kumusta mga kapatid! Sa wakas, humupa na rin ang malakas na Ulan Kaya ako nakapaglibot sa aming bakuran. Alam ko na mabilis na namang hahaba ang mga damo dahil sa tag-ulan na pero Ito ang tawag ng kalikasan. Ganunpaman, tuloy Lang ang buhay. Nagpapasalamat pa rin ako na ang ibang mga tanim ko ay nakatayo pa rin naman katulad ng mga cassava at patani na nasa larawan sa taas. Sa palagay ko ay malalaki ang bunga ng cassava sa ilalim ng lips dahil umabot na ata hanggang sampung talampakan mahigit ang haba nito. Mabuti na rin para may makakapitan ang aking mga patani!

IMG_20210630_144056.jpg
Ang mga Gabi (Taro root crops) na yan at mas mataas pa sa akin at isang metro na ang laki ng dahon. Palagay ko naman ay malaki rin ang mga bunga nito.

IMG_20210708_010117.jpg

Nanghinayang ako sa mga tanim kong strawberries dahil nalanta ang mga bunga dahil sa matinding ulan o Kaya ay nanguluntoy kung meron man.

IMG_20210704_135535.jpg

Minabuti ko na ilipat ang iba sa may terrace para maalagaan ko.

IMG_20210630_143534.jpg.

Ang alugbati ay walang problema dahil mas gusto nya ang malamig na lugar.

Ang ibang halaman ay maliliit pa Kaya saka ko na Lang ipapakita sa inyo.

Ang aking mga green plants at mga bulaklak ay walang problema maliban sa mga uod pero tymutubo naman sila ulit.

Hanggang dito na lang muna at baka kayo ay inaantok na. :)

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at hanggang sa muli.

@Sarimanok

Sort:  
 2 months ago 

Kalaban talaga ang mga uod ate. Yan din ang problema namin dito.

 2 months ago 

Oo nga eh. Yong natira nlng sa atin. Di Ako mkpg-spray kasi baka kainin Ng aso namin.

 2 months ago 

Kainin lahat na uod para wala matira at kakain sa mga dahon at bunga.

 2 months ago 

Ganon nmn kasi ang cycle nila para mabuhay. Yan Kaya ginagawa ng iba sis. Sila ang kinakain Kasi inubos pananim nila:)

Sa akin naman, ok Lang kainin Yong dahon ng patani Kasi Yong Bunga naman ang pinipitas natin di ba. Kaya tanim nlng ulit. Malay mo swertihin na sa susunod.

 2 months ago 

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong Diary po ay kwalipikado para sa Diary Game contest sa linggong ito (Week 12). Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon.

Paki Bisita po rito