Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography : Ang Saging na Sab-a at Ginamos

in Steemit Philippines3 years ago

F O O D S

Magandang araw po sa inyong lahat!!!

Pagdating sa pagkain Aba!!! Tayong mga Pilipino ay di talaga pahuhuli dyan may okasyon man o wala!!! Likas na kasi talaga sa atin ang pagmamahal at pagkahilig sa pagkain kaya nga marami sa ating mga Pilipino ay nakahiligan narin ang pagluluto nang iba't ibang putahi maging lutong pambahay man o mga delicacies sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas. Para sa akin ang " Pagkain " ay isa sa mga nagbibigay daan para magkaka buklod-buklod o magkakasama-sama ang bawat pamilya sa isang hapagkainan higit lalo kapag may simpleng okasyon ika nga " Nothing brings people together like good foods. " Kaya mabuhay tayong mga mahihilig sa pagkain at naway magpasalamat tayo araw araw sa mga biyayang ating natanggap.

Ako po si @saneunji mula Cebu City at ngayong araw pong ito ay nais ko pong ibahagi sa inyong lahat ang aking simpleng photography bilang entry sa patimpalak ng @steemitphilippines na Filipino Food Photography. Sa dinami-dami ng pagkain dito sa Pilipinas na pawang masasarap at pwedeng ipagmalaki sa buong mundo ang pagkaing ito ang napili kong ibahagi sa ating komunidad.

Ang Saging na Sab-a at Ginamos ( Bagoong )

IMG20211007142928.jpg

Ang saging at bagoong ay isa sa mga pagkaing maituturing Tatak Pinoy talaga. Isang napakasarap na pagkain na kilala at kinagigiliwan ng bawat Pilipino saang sulok man sa Pilipinas. Ang mga pagkaing ito ay naglalarawan at nagpapaalala sa atin sa simple at masayang pamumuhay ng mga Pinoy na kahit sa simpleng saging at bagoong lang ay masaya na tayo.

IMG20211007142817.jpg

Ito ang napili kong ibahagi kasi isa ito sa pinakapaborito kong pagkain na kahit saang lupalop mn ng mundo ako mapadpad ay hahanap-hanapin ko ito.

Preparasyon

Kasi nga gusto kong kumain ng linagang saging ngayon pumunta ako sa palengke at bumili ako ng limang pirasong saging sa halagang PHP 32.00 at niluto ko agad pagdating ko sa bahay. Pinakuluan ko lng sa tubig ng ilang minuto hanggang lumambot at maluto ang " linung-ag na saging ".

IMG20211007135859.jpg

Dahil mahilig ako sa bagoong may stock ako ditong isang bote at kumuha lng ako ng kaunti at nilagyan ko ng kalamansi para pang sawsaw ko sa saging kasi mas masarap ang saging kapag may bagoong. The best talaga!!!

IMG20211007162900.jpg

At sa wakas naluto na rin ang aking " linung-ag na saging. Aliw na aliw talaga ang mga bata sa pagkain ng saging na may bagoong at kinulang ang limang piraso. 😁

CollageMaker_20211007_165153599.jpg

🍌🍌🍌🍌🍌🍌🍌🍌🍌🍌🍌🍌🍌🍌

Malaki man o maliit ang biyaya matuto po tayong magpasalamat lalo na sa araw araw na may pagkain tayo sa hapagkainan.

Hanggang dito nalang po ang aking pagbabahagi ng aking food photography pero nais ko po munang magpasalamat sa ating founders at moderators na patuloy na nagbibigay ng suporta sa bawat miyembro ng ating komunidad at ang patuloy na nagpapabuti sa ating komunidad. @loloy2020, @fycee, @juichi at @long888

Mabuhay po kayong lahat!!!!

Nagpapasalamat,
@saneunji

Nais ko rin pong imbitahan na makibahagi sa patimpalak na ito sina:

@mariarosa27
@aziel29
@jenny018

Sort:  
 3 years ago 

Kalami sa ginamos paired with saging, perfect duo.

 3 years ago 

Lage...lamia nuon sakong kaon ganiha...heheh

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Food Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words
set @steemitphcurator 20% benefactor
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.5
2. Creativity9.5
3. Technique9.5
4. Overall impact9.5
5. Quality of story9.5
Total Ratings/Score9.5

Lami jud ang ginamos sa saging.

 3 years ago 

Lami jud kaayo sir.

 3 years ago 

Hala te san ka nice sa presentation hahaha. Lami pjud kaayo 😋

 3 years ago 

Aweeeh thank you day..

 3 years ago 

I love the intro! Full of energy at ramdam ko yung gladness to share while you were typing the first few lines pa lang. Good job with that.

Yung ginamos OMG!!! Sarap!! Buo buo yung fish grabeh!
Teka, saging na saba yung subject pala hehehe.

Mas gusto ko yung second photo as a blog cover photo kasi may pa-blurred effect! Pero naisip ko din, kaya nga ako natakam sa bagoong eh.

Good job! You made a reader go crave for what you have shared. This is what blogging is all about.

Though next time....

You can also share to us kung manibalang or hinog yung nilagang sahging. Try to use three sentences to simply just describe the subject alone.

Example....

Itong nilagang saging na ito ay mejo hinog kasi ito yung gusto ng mga bata (at gusto ko din, pero si mama prefer nya manibalang),

Served hot! Mejo manamis-namis kaya perfect partner yung bagoong.

Next entry mo sa photography contest, gusto ko makita yung pagdescribe mo sa subject. Ok?

 3 years ago 

Aweeh thank you po sa tips @fycee. 😍Next time pagbubutihin ko pa po. 😘

 3 years ago 

kani muy lami!! simple pero rock!! namingaw ko ginamos dah!!

 3 years ago 

Lage maam...pina low-key ra pero lami jud kaayo.. 😄

 3 years ago 

yes jud! hehe

 3 years ago 
Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.7
2. Creativity.9.6
3. Technique.9.7
4. Overall impact.9.7
5. Story quality.9.6
6. Total9.66
 3 years ago 

hoyyyy!!! kalami daii

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64579.45
ETH 3101.05
USDT 1.00
SBD 3.83