The Diary Game Season 3( 7-3-2021) Pagunita Sa Aking Pamilya Sa Pilipinas

in Steemit Philippines2 months ago (edited)

May maganda ba umaga sa ninyo ngayon? Kahit hindi maganda, susubukan pa rin nating magiging maganda ang lahat para na rin yan sa ating sariling kapakanan. Walang ibang makakatulong sa atin kundi sarili lang natin lalo na sa tulad kong nasa ibayong bansa.

Kahapon ay medyo hindi maganda ang araw dahil naalala ko ang mga pangyayari noong ako'y bata pa, lumalaki, at ngayon wala sa piling nila.

inbound7970342115569584947.jpg

Itong larawan ko ay kuha ko noong ako ay kumakanta sa starmaker. Nakita ko ang sarili na tumatanda ngunit dahil sa seyensya makabago, bumabata lang dahil sa filter ika nga. Nakiuso si lola. Pero in fairness, nakakatuwa.

inbound2359461848600489069.jpg

Kaya nga pala ako maaga nagdadrama kahapon dahil ang kapatid kong titser aya maagang nag post mg larawan naming buong pamilya. Napakasakit na dito lang kami nagkasama-sama at kaming lahat ay nakatira sa ibat-ibang lugar. Si tatay ay nag-iisa sa bahay, si nanay nasa langit na at ako narito sa desierto. Kailan kaya kami mga magkakapatid uuwi na sabay-sabay sa lugar na aming sinilangan? Magkikita pa kaya kaming buhay lahat? Yon ang tanong sa sarili ko.

inbound6080593916883395018.jpg

Sariwa sa ala-ala ko ang anak ko noong maliit pa at lumalaki siya na wala ako sa piling niya. 23 years na wala ako sa tabi niya at mayroon na siyang dalawang anak pero ako nasa malayo pa rin. Ito yong mga bumabalik sa isipan ko kahapon. Nagunita at nagmumuni muni ako. Mabuti nalang at may mga taong pagpapasaya sa akin at nagbibigay kulay tuwing ako ay nalulungkot. Maraming salamat #steemit. Bahagi ito sa aking paglalakbay na naging masigasig at naging makulay habang kumikita ako sa buhay ko.

inbound8620052294782924059.jpg

Maraming salamat sa social media, kahit papano ay pinaglapit kami ng mga apo ko. Masaya silang nakipag kwentuhan sa akin.

inbound1750102961880340177.jpg

Ito ang panganay kong apo si Icy, mag anim na taon na sa sunod na taon ngunit nakasama ko lang siya ng 20 days noong huling bakasyon ko.

inbound1600768526462485623.jpg

Ito naman si Oli ang bunso na nagkasakit kailan lang, apat na taon na siya at tulad ni Icy, nakasama ko lang ng 20 na araw. Na mi miss ko sila. Pero narito man ako sa malayo, walang ibang dahilan, sila pa rin ang nasa puso at isip ko at kinabukasan nila.

Hindi madali para sa isang ina na mapalayo sa pamilya. Maraming pagsubok ang dinadaanan ko, maraming tinik na pilit kong iniwasan para lang magiging matatag ako sa buhay. Mapalad kayong mga magulang at mga anak na nasa tabi lang ninyo at palagi nakasama.

Awitin kong para sa inyo

Ito ay para sa @musicforsteem


Maraming salamat sa lahat.

STEEM ON AND KEEP SAFE!

inbound4588082859795829794.gif

inbound8855933938377800158.gif
Gif credit to @gremayo & @baa.steemit

Sort:  
 2 months ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 2 months ago 

Thank you so much @steemcurator08 ang @steemitblog