The Dary Games Season 3( 08-10-2021) Pagluluto ng Karneng Karnero
Magandang umaga na naman na puno ng pag-asa sa buhay natin puno ng biyaya pag ang Dyos ay nasa gitna. Maraming pagsubok ngunit maraming paraan paano matakasan ang lahat. Sana ay maging masaya ang lahat at ligtas.
Ibabahagi ko po sa inyo ang ginagawa ko kahapon. Ang pagluto ng karneng karnero at ginawang parang adobo.
Paano ko niluto?
Nagpakatay ang amo ko kasi mas makamura ito kaysa bibili ng kilo-kilo lang. Nakakatipid pa at sigurado malinis ang karne.
Hinihiwa ko ito ng maliliit na kwadrado. Ang puro pula na laman ay pinagsama-sama ko at ang puti ay hiniwa ko rin. Hindi ito hinuhugasan. Patuyoin ng konti ang karne. Isinalang ko ang malaking kaldero at inilagay ang taba ng karneng karnero.
Ang taba ng karneng karnero ay pinalabas ang mantika nito at saka idagdag ang laman ng karne na nakahiwa na. Ito ang tradition na pamamaraan paano ang pagluto nito. Dahan ang apoy at kailangan na aabangan mo siya hanggang unti na maluluto.
Ito na yong luto na na karneng karnero. Hinahati namin sa dalawang kaldero at isang mallit na lagayan.
Ayon pinapalamig na at hindi tinakpan hanggang mawala na ang init para hindi bumabalik ang pawin doon sa karne. Nakakasira kasi ang pawis nito pag takpan na mainit pa.
Ibang putahi ng karneng Karnero
Dalawang karnero ito at kailangan na makapagluto para sa tanghalian.
Madali lang lutuin ang letsong karnero. Hugasan ito ng maigi at lagyan ng asin. Ipasok sa loob ng pressure cooker sa loob ng 3 to apat na oras. Masaya ang mga anak ng amo ar nakapagluto na man ng ganito. Ang tawag sa Arabic ay Haned, grilled Lamb meat.
Gumawa din ako ng hot sauce galing sa sili ma pula na pina proseso ko sa blender. Ito ang gusto ng amo ko kaysa bibili mg mga ganito sa tindahan.
Ito yon ang ginawa kong hot sauce. Pulang sili, bawang, asin at lemon.
Ang Paghugas ng mga Plato at Kaldero
Simula umaga hanggang gabi ko itong ginawa kasama na ang pagawa ko ng tanghalian nila. Ang pinakamatagal na gawin ay ang paghugas ng mga kalderong ginagamit ko sa pagluto.
Gabi na ako natapos, mageawalis pa sa sahig. Gustohin ko man matulog na pero hindi ko magawa ang gusto ko dahil marumi pa ang kusina. Sa huli ay natapos din at nagpapasalamat sa buong araw na lumipas at walang sakit na narardaman.
Maraming salamat #steemitblog #steemitphilippines at mga kaibigan sa inyong suporta. Hanggang dito nalang at sa uulitin.
Steem On and Keep Safe!
Gif credit to @gremayo & @baa.steemit
Hi Nanay @olivia08, 😊
Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong Diary po ay kwalipikado para sa Diary Game contest sa linggong ito (Week 16).
Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating Diary Game contest.
Updated Rules and Regulations
Maraming salamat.
Katulad din ba sa kambing yung amoy ng karnero pag naluto na?
Maamoy ang karnero, matapang ang amoy kaysa kambing pero pag ganito pagluto, ang bango niya.. Niluto lang siya sa sarili niyang taba.
!zen 30
the post has been upvoted successfully! Remaining bandwidth: 100%
Thank you so much @steemingcuration.
Thank you @juichi. Keep safe and God bless always.
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.
Para po sa karagdagang Impormasyon, pakibasa po sa link sa ibaba.
Note: Paki gamit po nang #steemexclusive tag para magkaroon nang malaking tsansa na mapili sa ating @booming support program.
God Bless po!!!
Maraming salamat sa supporta.
Wow naman! Ang sarap!
Kain na tayo
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja