The Diary Game Season 3 | November 18, 2021 | Paglala-an ko ng Oras sa Aking Bunso

in Steemit Philippines2 months ago

received_414827733428909.jpeg

Kumusta po,

Wagas ko pong ibinabahagi sa inyo ngayon ang aking diary sa araw na 'to. Ang paglala-an ng aking oras para sa pinaka bunso kong anak na lalaki na si Exodus. Siya po ay apat na taong gulang na at isa sa mga nagbigay sa akin ng lakas para mag pursigi sa buhay.

Pag-uwi ko galing sa trabaho bandang alas singko ng hapon. Nagyaya ang bunso kong anak na pumunta kami sa malapit na palengke sa aming lugar para bumili ng pang hapunan. Bumili ako ng 3/4 na kilo na manok para sa aming ulam sa hapunan.

received_211455621018070.jpeg

received_428531975497539.jpeg

received_194873509482560.jpeg

Gusto kasi nya na gumala kahit papano dahil kasi sa pandemya matagal-tagal na rin syang hindi nakalabas ng bahay. At sa ganitong sitwasyon gusto kasi nyang karga-karga ko sya samantalang namimili kami sa palengke. Kahit medyo puyat galing sa trabaho ay nawawala ang aking pagod kapag naka bonding ko ang aking bunso.

Kung baga love father love son, pinaka asam-asam kasi naming mag-asawa noon na magkaroon ng anak na lalaki. Kaya ganito na lamang ka lubos ang aming pasasalamat sa ating maykapal. Dahil kasi sunod-sunod na tatlong anak na babae ang kanyang mga naging panganay na kapatid at sya lang ang lalaki ang pinaka bunso.

At pagkatapos naming mamalengke ay napag-isipan kong bilhan sya ng burger kasi ina asam-asm nyang kumain nito. Napanood kasi nya sa telebisyon ang burger na advertisement na takam-takam sya sa kakatingin nito. Bumili ako ng dalawang order at dahil buy 1 take 1 so naging apat na piraso ng burger ang aking nabili. At para rin daw pasalubong nya sa kanyang mga ate na nasa bahay.

received_395726838924412.jpeg

received_901657013823021.jpeg

Kaya't laki na lang ang aking tuwa na napapanood ko ang aking bunso na sobrang tuwa na kumakain ng kanyang pinaka asam-asam na pagkain. Talagang nawawala ang aking pagod galing sa trabaho kapag nakikita kong masaya ang aking mga anak.

At kahit sino mang mga magulang ay talagang ganito ang nararamdam kapag nakikita nilang napakasaya ng kanilang mga anak. Sa simpleng kahilingan ay matutupad ang kanilang pinaka asam-asam. Maliit man o malaki ang importante ay wagas at galing talaga sa puso ng mga magulang.

received_3084114255249197.jpeg

Hanggang dito na lang po ang aking diary ngayong araw na 'to. At sanay nagustuhan nyo at napag pulutan ng aral. Maraming salamat po!

Inimbitahan ko po na magpasa ng kanilang diary sina @jenniferocco, @amayphin, @marlon82.

At bilang suporta sa komunidad. Sine set ko ng 20% pursyento ang aking post para kay @steemitphcurator.

Gumagalang,

@natz04

Sort:  
 2 months ago 

Ang bless po ng family ninyo friend. Nice bonding Kai bunso.

 2 months ago 

Salamat friend!

 2 months ago 

Thank you brod for inviting... Nice bonding sa imong bunso wako ka timing ninyo sa eskena brod pirmi pud me diha..Hehehe

 2 months ago 

Welcome @jenniferocco. Kumbati jud ta anig post 😀

 2 months ago 

Hehehe bitaw kumbatihay gyud...

 2 months ago 

😄😄👍👍

 2 months ago 

ang sarap talaga po pag kasma ang pamilya sir, im glad you had a great day with your son

 2 months ago 

Tinuod jud ka friend. Salamat friend

 2 months ago 

Pahingi Angel's Burger sir. Hehe

 2 months ago 

😄😄 murag sige jud kag palit ani maam dah!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.06
JST 0.041
BTC 36629.65
ETH 2397.63
USDT 1.00
SBD 4.00