Laughter and Joy l Friend adventures
Magandang araw sa lahat at ito na naman tayo para ibahagi ang ating hindi-hinding malilimutan na adventure na kasama ang ating kaibigan.
At dahil walang pasok na naman na pag planohan namin na magkakaibigan na mag punta sa isang bakasyonan na matatagpuan sa isang bulubundukin ng Argao Cebu. At dahil nga sa maganda ang review ng resort na ito kaya't hindi na kami nag pa tumpik tumpik pa.
Madaling araw alas 5 ng umaga nang bumiyahe kami papuntang south cebu para hindi kami maabutan ng rush hour at trapik. At dahil malayong biyahe ito huminto muna kami sa isang fast chain sa Naga Cebu para mag agahan at agad naman kami bumiyahe. Ang gamit naming sasakyan ay motor lang dahil ito ang nakasanayan namin gamitin kapag kami ay gagala na mag kakaibigan.
Struggles;
At dahil nga na sa bundok ito isa sa mga struggle na aming na encounter ay ang singal ng telepono, walang signal walang data hindi gumagana ang GPS.
Ang pangalawang struggle naman ay ang panahon dahil nang madaling araw ay maganda pa ang panahon kalaunan biglang umulan ng malakas haha.
At panghuli ay ang daan dahil sa hindi nga gumana ang gps dahil walang signal at umulan pa ang daan ay parang kape hindi concrete and mabato pa. Pero dahil nga gusto naming gumala worth it naman ang aming sakripisyon papunta sa resort.
Unang makikita mo pagdating sa resort ay ang mga bulubundukin ng Argao, tahimik ang lugar maganda ang ambiance napaka aliwalas at talaga naman ka manghamanga ang mga tanawin rito.
Meron din silang maliit na zoo, mga ibat-ibang oval o pabilog na mga swimming pools at higit sa lahat meron itong falls o diba package na talaga ang resort na ito.
Kahit na nahihirapan kami papunta dito ay talaga naman hindi maitatangi na napakaganda ng lugar.
regards,
@monsiou
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong post.
Para po sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.
Featured Contest of the Week: Steemit Philippines Community Contest “Steemit Promotion Through Livelihood Branding”
Greeting from Admin
@loloy2020
God Bless po!!!