THE DIARY GAME | 08112021 | ๐Ÿ“๐ŸŒบ๐ŸŽฅ Posted another Diary and we watched a movie... ๐ŸŽฅ๐ŸŒบ๐Ÿ“

in Steemit Philippines โ€ข 3 years ago

Magandang araw sa lahat. Sana ay nasa mabuting kalagayan kayo ngayong araw at maganda ang kalusugan ng lahat.

3 na naman ng madaling araw ako nagising. As always nagphone ulit ako at tinignan ang mga updates sa social media apps ko. Nanood din ako ng mga videos sa TikTok. Kaysa sa mga nakalipas na araw ay medyo nakabalik agad ko sa pagtulog ko. Paputol putol na nga lang yung pagtulog ko since nung pag gising ko ng mga oras na iyon.
Mga bandang 9 na ulit ako nagising. Di pa rin gising sila kuya ng mga oras na ito. Dahil na din siguro sa lamig ngayong umaga kaya medyo napasarap yung kanilang tulog. Bumaba na agad ako ng mga oras na iyon. Nag ayos na muna ako ng mga nasa table na mga kalat at hinugasan ko yung mga naiwan kong mga kaldero kagabi. Nakalimutan ko na naman itong hugasan dahil sa nasa likod ko ito nung naghuhugas ako kagabi.


234709811_1359575911111032_8955025204130864769_n.jpg

Dahil sa onti lang naman iyon ay nagayos ulit ako sa loob. Nilagay ko na yung mga hinugasan ko kagabi na mga plato at cuttlery sa pinaglalagyan namin dito. Nagsaing na din ako pagkatapos noon. Pagkalagay ko nun sa rice cooker namin ay naglabas na ako ng mga uulamin namin. Naglabas ko ng Hotdog at Tocino.
Pagkatapos kong lutuin iyon ay kumain na agad kaming lahat. Nagkape na kami pagkatapos noon. Dahil sa bawal yung 3-in-1 saakin na instant ay gumawa ako ng sarili kong 3-in-1


226717936_1022468385224292_4262995971621296405_n.jpg
Ang hinalo ko sa black coffee is strawberry na Bear Brand and Ricoa Cocoa

Habang nagkakape kami ay nagdilig si ate sa labas, sa may harap ng bahay. Nag bloom na yung ibang bulaklak sa harap ng bahay.


227084849_1731529837048178_7920581736200266655_n.jpg
Di namin alam yung kung anong tawag yung sa bulaklak na yan.

Dahil sa sobrang init naman ng temperature ng mga oras na iyon ay naligo na agad ako. Pagtapos ko ay tumaas agad ako dahil sa sobrang init talaga ng panahon. ๐Ÿฅต๐Ÿฅต๐Ÿฅต๐Ÿฅต Mas malakas kasi yung electric fan namin sa taas, at mas maganda ang flow ng hangin dito dahil nakabukas lahat ng bintana namin.

Nagphone nalang muna ako at nanood ng YouTube. Pagkatapos noon ay ginawa ko na yung diary game ko na dapat kahapon ko ipinost. Medyo iba kasi yuung pakiramdam ko kahapon kaya natulog na agad ko.
Habang ginagawa ko iyon ay gumagawa din yung GF ni kuya ng kanyang entry sa kanyang sariling account. May mga tanong siya saakin about sa kung pwede bang maglagay ng picture na galing daw sa mga social media accounts niya, na kuha niya din gamit yung phone niya. Ang sinabe ko sa kanya ay okay lang naman, basta ay i-source niya yung FB account niya or i-edit niya yung picture na ilalagay niya para unique ito para sakanyang ipopost na blog.
Pagkatapos kong ipost yung aking diary game ay nagtingin muna akong mga post ng ibang tao dito sa steem at nag-upvote din ng ibang mga postna para saakin ay maganda or informative.

Pagdating ng hapon ay nagsaing na ako ng kakainin naming pang-dinner namin at nag luto na si ate ng uulamin namin. Habang naghihintay kami ay tuloy lang ang paggawa ng GF ni kuya ng kanyang post. Naglaptop na siya ng oras na ito para mas madalian daw siya sa kanyang ipopost.
Nang na luto na ni ate yung mga niluto niya ay nagsikain na agad kami.
Pagkatapos naming kumain ay nanood na kami ng movie. Nanood kami ng The Suicide Squad (2021).

IMDb
Source

Napaka-ganda ng movie dahil sa mas maganda ang action nito kaysa sa na unang Suicide Squad. Ang difference ang siguro ay wala ng masyadong introduction sa mga characters.
Pagtapos ng movie ay nagsitaas na agad kami.


At iyon lang ang maikukwento ko ngayon sa inyo.
Sana ay naging maganda nag inyong araw at mabuti parin ang inyong kalusugan ng mga oras na ito.



โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ

Sort: ย 
ย 3 years agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 65373.54
ETH 2639.03
USDT 1.00
SBD 2.84