THE DIARY GAME | 07252021 | 🏳‍🌈📱📱 Watching and liking something in TikTok and something about it... 📱📱🏳‍🌈

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw sa lahat. Sana ay maganda pa rin ang inyong kalusugan at nasa mabuting kalagayan kayo.
Medyo mas onti nalang yung pagulan ngayon kaysa sa kahapon.

217881511_789942935030258_4285960257340231791_n.jpg

Nagising ako ng 6 ng umaga ngayon. Naunahan ko na naman yung alarm ko ngayon. Nagising na din si nanay (lola) at bumaba na para magbanyo siguro. Pero di na siya ulit tumaas. Sa baba na pala siya humiga ulit dahil sa nilalamig siya sa taas. Pumalit naman sa kama niya yung pusa ni kuya.


218355644_988363218594494_5486135409260071478_n.jpg

Nang dahil sa malamig ay napabalik ako sa pagtulog at nagising nalang ulit ko ng mga bandang 10:30. Pagkababa ko ay nagluluto na sila mama at kuya ng uulamin namin. Habang niluluto pa nila yon ay naglinis muna si papa ng banyo at yung sahig ng kusina namin, dahil sa medyo maputik na dito ng dahil sa lakas ng ulan. (Nasa labas kasi yung kusina namin at wala pang masyadong harang dito kaya naman ay pumapasok na yung ulan at yung lupa dito.)
Nagpabili naman saakin si papa ng iinumin ni nanay na gatas sa tindahan. Nagpabili din siya ng katol dahil sa naubos na yung binili nila last time na isang box. Pagkapunta ko sa tindahan ay nakabili ako ng gatas pero wala silang tinitinda na katol.

Pagbalik ko ay niluluto na ni mama yung gulay na may sabaw. Pagkatapos nun ay nagsikain na kaming lahat. Medyo madami yung ulam na niluto nila ni mama dahil sa nagluto na din pala si kuya nung umaga.
Pagkatapos naming kumain ay nanood lang kami ng TV. May lumang mga movies yung mga pinapalabas dito. Medyo natawa nga kami ni ate dahil tungkol sa pangangabit yung theme ng movie. Ang kapal nga n mukha ng asawa ng isa sa mga bida dahil sa nagpaalam pa siya sa kanyang asawa na mangbababae siya.

Mga bandang hapon ay umulan na naman ng malakas. Pero sandali lang naman yung pag-ulan.

221308460_499900477979319_2280320213372309253_n.jpg

Nagsitaas na kami nila ate at tinuloy na niya yung pagdudrawing niya ng isa sa mga nirequest sa kanya ng isang user sa Steemit. Nanood lang kami ng TikTok ni mama at tumingin ng mga nakakatuwang mga videos. Medyo na awkward lang saakin pag may nakikita si mama na mga lalake sa TikTok. Medyo di pa rin kasi ako sanay na pagtinatanong niya sakin na gwapo or pogi yung mga lalakeng nag ti-TikTok.
Di pa rin kasi ako sanay sa pamilya ko nung tungkol sa gusto ko, o yung pagiging bisexual ko. Natatakot kasi ako sa iisipin nila tungkol saakin, naiisip ko din kasi kung nasabi na ba nila sa ibang tao yuyung tungkol dito. Mas nauna ko kasing nasabi sa mga kaibigan ko yung tunugkol dito. Mas madali naman kasi talagang magsabi sa ibang tao kaysa sa sariling pamilya mo. Mas matatangap mo kasi talaga yung magiging reaction ng ibang tao kaysa sa sarili mong pamilya. Sa opinion ko ahh. Iba kasi talaga pag medyo old school yung thinking ng pamilya mo. Madami silang tanong na di ko kayang sagutin. 😑😑😑😑

Mga bandang hapon ay naligo muna ako tapos nagbukas na ako ng laptop ko para tignan ko yung mga notifications ko at tignan yung mga email ko.
Kumain muna kami ni ate at nanay bago ako gumawa ng Diary Game ko ngayong araw. Dumating nanaman sila mama galing sa paggrocery at nag-ayos muna kami ng mga binili nila at nilagay sa ref at sa mga lalagyan namin ng mga pagkain.

ModularClosets.com
Source

Pagkatapos naming ayusin ng lahat ng pinamili nila ay tumaas na ako at tinignan kung nag load yung isang page na pinuntahan ko kanina bago pa kami bumaba ni ate. At ginawa ko na itong post na ito.

Sort:  
 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64104.40
ETH 3148.52
USDT 1.00
SBD 4.25