The Diary Game Season 3 || VRAM Meeting at ang Night Prayer Fellowship ng mga Youth 👉#burnsteem25

in Steemit Philippineslast year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming mga pagkakataon na masasabi ko talaga na napaka buti ng Dios dahil sa lahat ng panahon mabuti Siya sa akin at ang tanging magagawa ko lang ay ang mag bigay papuri't pagsamba sa Kanya at wala ng iba.

Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring VRAM Meeting at ang Night Prayer Fellowship ng mga Youth sa aming circuit.

jpg_20220930_124252_0000.jpg

Bilang isang Kristyano at naglilingkod sa Dios, makabilang sa mga gawain ay siya na ring kasiyahan ko kung kaya labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagbibigay sa akin ng lakas at magandang pangangatawan sa bawat gawain na ibinigay Niya sa akin at sa aming lahat.

IMG_20220916_094705_424~2.jpg

Labis nga ang aking pasasalamat sa Dios dahil meron na namang isang organisasyon na sinalihan ko para sa mga gawain ng Dios at ito ay ang VRAM o Values Restoration Advocate for Mindanao na naka connect sa DSWD na may layonin na turoan ng magandang Values ang mga membro ng 4Ps isang programa ng gobyerno, at hindi lang sa mga magulang kundi pati na rin sa mga anak nila.

photocollage_20229301451370.jpg

Kinontak nga ako ng aking Senior Pastor at sinabihan ako na sasali para makatulong na maipalathala ang mga Salita ng Dios at iba pang magagandang Values. Mga nasa oras na 9:00 ng umaga nga ay nagdoon na ako sa Church kung saan doon mangyayari ang aming meeting. Mga ilang sandali lang din ay nagsimula na ang aming meeting na pinangunahan ng opening prayer at mga Praise and Worship. Kasunod din nito ay nagbahagi ng mga Salita ng Dios ang aming Present sa organisasyon para ma encourage ang bawat isa.

Dito nga ay pinag usapan ang mga importating nga kailangan malaman tulad na lang ng kailan dapat mag simula, kailangan pa ng maraning lecturer at marami pang iba. Hindi ko din akalain na sa kakasimula pa lang namin ay na elect na kami ng kaibigan kong si Ptr Quilvz na maging membro ng P.I.O na kung saan kami ang inatasan na maghahatid ng mga sulat at maghanap ng iba pang pweding maging membro ng organisasyon. Kahit na medyo na shock kaming dalawa ng kaibigan ko ay patuloy pa rin kami dahil itong kahat ay para sa Dios.

photocollage_2022930143625950.jpg

Medyo tanghali na din at hindi pa natapos ang aming meeting kung kaya nag break muna kami para makapag pananghalian at ang dami ngang mga pagkain ang naka handa buhat ng marami sa mga Pastors ang nagdala ng mga pang ulam para salo-salohan namin at busog na busog nga kaming lahat. Sa hapon nga ay nagpatuloy ang aming meeting at mga nasa oras na 3:30 ay natapos na din kami at umuwi na rin agad-agad dahil meron pa kaming gawain kinagabihan.

photocollage_2022930154010627.jpg

Kinagabihan nga ay ang aming Night Prayer Fellowship at salamat sa Dios dahil binigyan Niya kami ng lakas. Ang gawaij ngang ito ay para sa mga kabataan ng aming Circuit na kung saan ako ang leader. Bagamat kaonti lang kami sa ngayon na nakadalo dahil sa merong mga klase ang iba sa umaga, napagod siguro sila, salamat pa rin sa Dios dahil marami din naman.

photocollage_2022930154457977.jpg

Kaming dalawa ng aking kaibigan na si Ptr Quilvz ang nagbahagi ng mga Salita ng Dios sa gabing ito at ang unang nagbahagi ay ang aking kaibigan at sinundan ko rin. Ang mga ibinahagi namin ay patungkol sa mission o mga gawain na ibinigay ng Dios sa amin na nararapat lamang na maginh handa kami sa lahat ng panahon lalong lalo na dahil kinabukasan ay meron kaming gagawing evangelism.

photocollage_2022930154916874.jpg

Pagkatapos ng aming pagbahagi ng mga Salita ng Dios ay nandito na din kami sa aming prayer session na kung saan hinati ko sa tatlong group ang lahat at meron akong ibinigay na mga prayer concerns ang kada group mula sa National Prayer concerns, Local prayer concerns at pati na rin ang mga personal prayer concerns. Mga nasa oras na 9:00 na iyon ng gabi at salamat sa Dios dahil natapos ang aming gawaij ng matiwasay at kaming lahat ay handa na para sa kinabukasan namin na gawain at kaming lahat ay masaya.

IMG_20220916_213203_184~2.jpg

Bago nga kami umuwi, hindi mawawala ang snacks at salamat sa Dios dahil meron kaming pang kape sa gabing ito at meron ding break ma ibsan man lang ang lamig ng panahon.

Mga nasa 10:00 na yon ng gabi naka uwi na ako sa aming bahay kasama ang ilan sa mga youth na sa bahay namin matutulog dahil medyo malayo pa ang kanilang lugar at gabi na at maaga pa kami kinabukasan para sa aming evangelism.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
Loading...
 last year 

You spend a nice day. Have a wonderful time.

 last year 

You have great photography. I like it very much. Your photography rules are beautiful. Moreover, the rules of writing are also very good.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70455.47
ETH 3561.82
USDT 1.00
SBD 4.71