The Diary Game Season 3|| Napakasayang Campus Ministry sa Kalubihon High School, Grade 10 Students ☝️🙌😇

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang aming nga gawain para sa Dios sa taong ito ay patuloy naming ginagawa at itong lahat ay para sa kaluwalhatian at kapurihan ng Dios lamang. Natapos na nga ang Sem Break ng nga Estudyante kung kaya nagbabalik na nga muli ang aming mga Campus Ministry at salamat sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagbibigay sa amin ng lakas at proteksyon sa bawat gawain namin. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyo ang nangyaring Campus Ministry sa Kalubihon High School at ang iba pa naming mga gawain para sa Dios.

png_20230220_211451_0000.png

Sa bawat linggo nga ay labis ang aming pasasalamat sa Dios dahil sa ipinagkatiwala Niya sa aming ang ilan sa mga gawain para sa Kanya lalong lalo na at ito ang aming kasiyahan na magamit ng Dios sa kahit na anong paraan. Dahil nga sa meron na kaming Schedule sa Kalubihon High School, excited na kami para sa gawaing ito kung kaya umaga pa lang ay naging abala na ako kasama ng iba pa naming mga co-workers. Meron pa din kaming nga gawain bago kami nag punta sa Kalubihon High School pagkatapos ng aming pananghalian.

IMG_20230216_130121_677~2.jpg

Natapos kaming mananghalian mga 12:20 na iyon kung kaya agad kaming nagpunta sa Kalubihon dahil mga 30 minuto din ang aming pagbyahe papunta doon. Nakarating na din kami sa wakas sa School mga 12:50 pa iyon kung kaya naghintay muna kami kaunti dahil nag lunch break pa ang mga estudyante, hanggang sa pagsapit ng 1:00 hapon pumasok na ang mga estuary sa kanilang mga classrooms at pumunta na rin kami sa room kung saan kami naka assign at agad din naming sinimulan ang aming gawain sa pamamagitan ng opening prayer.

photocollage_2023220204920707.jpg

Pagkatapos ng opening prayer ay umawit muna kami ng isang kanta na merong title na "Ikaw ang kusog" na may kahulogang sa Dios lamang natin makikita ang tunay na kalakasan kahit na maraming mga pagsubok o problema ang dumaan sa ating mga buhay. Pagkatapos naman ay nag tanong ako kung sino ang pweding makapag bahagi ng kanilang mga testimony para makapagbigay encouragements sa lahat at salamat dahil merong dalawang estudyante ang nag volunteer at talaga namang napaka ganda ng kanilang mga testimony dahil sa nasabi nila na bagamat maraming mga pagsubok at problemang dumating sa kanilang mga buhay, nandiyan ang Dios sa kanila pagali at nagbigay solusyon.

photocollage_2023220205629719.jpg

Mga ilang minuto lang din ay natapos ang pagbahagi ng mga testimony ng dalawang estudyante at ngayon oras na sa pinaka sentro ng aming gawain ngayon, at ito ay ang pagbahagi ng mga Salita ng Dios at ang naka assign ngayon ay si Ptra Jetma. Dahil nga sa nandito pa rin tayo sa buwan nga pagibig o buwan ng mga puso, ang ibinahagi nj Ptra Jetma ay patungkol sa tunay na pagmamahal hindi dito sa mundong ito kundi ang pagmamahal o pagibig ng Dios sa atin. Walang makakapantay sa Pagibig ng Dios sa atin dahil kahit na tayong makasalanan, ibinigay Niya ang Kanyang anak para maligtas tayo, ito ay ating mababasa sa Juan 3:16. Marami man tayong nararamdamang pagmamahal o pagibig sa mundong ito, pero higit sa lahat ang pagibig ng Dios ang tunay at hindi magbabago mula noon, ngayon at magpakaylan man. Napakaganda talaga ng naibahaginang mensahe ni Ptra Jetma sa araw na ito at ang tanging dalangin namin ay maisa puso ng mga estudyante ito at pagaralan pa ng mabuti ang mga Salita ng Dios.

photocollage_20232202154214.jpg

Dahil nga sa isang oras lang ang ibinigay sa amin at meron pang kasunod na klase ang mga estudyante, tinitignan talaga namin ang oras para hindi kami mag overtime at salamat sa Dios dahil naging maayos naman ang pagtapos namin dahil sakto lang talaga at bago kami umalis ay nag groupfie muna kaming lahat kasama ang mga estudyante. Sa pag alis nga namin sa room ay saktong dumating din ang kanilang teacher sa susunod na subject. Ngayon nga ay nag groupfie muna kami uli apat ba gumawa sa gawain ngayon para sa Dios.

Salamat sa Dios dahil nga sa naging matagumpay ang aming gawain ngayon sa tulong ng Dios at salamat sa Dios dahil naka uwi kami ng masaya dahil naging maayos ang lahat mula sa simula hanggang matapos.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Congratulations, your post has been upvoted by @scilwa, which is a curating account for @R2cornell's Discord Community. We can also be found on our hive community & peakd as well as on my Discord Server

Manually curated by @abiga554
r2cornell_curation_banner.png

Felicitaciones, su publication ha sido votado por @scilwa. También puedo ser encontrado en nuestra comunidad de colmena y Peakd así como en mi servidor de discordia

 2 years ago 

Thank you very much 🥰

 2 years ago 

Congratulations!
This post has been recommended for Booming support today. Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.

Evaluation Date: February 21, 2023

StatusRemark
Club status#club75
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
No. of words712

Evaluated by @juichi
Admin/Philippines Country Representative

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 65637.68
ETH 2661.86
USDT 1.00
SBD 2.81