The Diary Game Season 3 || Mindanao Youth Congress sa First Assembly of God Nazareth na may temang "Ablaze for a Greater Harvest" 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Bilang isang Kristyano, isa nga sa kasiyahan ko ay ang makasali sa mga gawain ng Dios at nagpapasalamat talaga ako sa Dios dahil hindi Sya nag kulang sa akin dahil sa halos lahat ng mga gawain para sa kanya ay nakakasali ako at mas nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa Kanya at mas lumakas pa ang aking pananampalataya sa Kanya. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nasalihan kong Mindanao Youth Congress kasama ang mga youth sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.

jpg_20220913_151047_0000.jpg

Ang Mindanao Youth Congress nga ay isang taonang event para sa mga Youth Leaders ng iba't ibang Churches sa buong Mindanao subalit noong nangyari ang pandemya ay dalawang taon din na hindi ito nangyari at para sa taong ito, nagpapasalamat kami sa Dios dahil nagbalig uli ito at mas maganda dahil medyo malapit lang sa amin kaya nakadalo kami sa aming Church at iba pang mga kasamahan namin.

photocollage_202291410353841.jpg

Maaga kaming gumising sa araw na ito dahil mga nasa dalawang oras pa ang aming byahe pa punta doon sa venue. Mga nasa oras na 4:30 nga ng umaga ay nagising na ako para makapag handa at makapag ayos ng mga dadalhin. Nagpapasalamat lang din kami dahil ang bahay na kung saan doon kami nag stay buhat ng nagpunta namin sa bundok ng Tagbalogo, ay napaka bait dahil sila pa talaga ang naghanda ng aming agahan.

Nakasakay naman kami mga nasa oras na 6:30 na iyon ng umaga at ang sinakyan namin ay Van dahil hindi na ito humihinto pa hindi tulad ng Bus kung kaya nakarating kami doon sa venue mga nasa higit alas 8:00 na ng umaga, mabuti na lang at hindi pa nagsimula dahil marami pang dumating. Dumeritso nga kami doon sa registration table para kunin ang aming ticket para sa foods namin.

photocollage_202291410446705.jpg

Ilang saglit lang mga nasa 8:30 ay nagsimula na din ang nasabing event at pinangunahan ito ng pag welcome sa lahat ng Senior Pastor Church na kung saan sila ang nag host at nag prepare sa venue. Sinundan din ito ng mga presentation ng iba't ibang mga banda dito sa Mindanao na ang tanging layonin ay ang pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios.

photocollage_202291411022251.jpg

Pagkatapos ng mga presentations ay sinundan din ito agad ng Praise and Worship na ang nag lead ay ang host Church sa Assembly of God Nazareth, Cagayan de Oro City. Ang lahat ng mga kanta ay iniaalay naming lahat sa Dios dahil Siya lang ang nararapat pasalamatan at papurihan.

Pagkatapos ng Praise and Worship ay sinundan din ito agad-agad ng mga pagbahagi ng mga speakers namin para sa event na ito. Ang mga speakers namin sa event nga na ito ay hindi basta-basta dahil meron kaming mga speakers na galing pa sa ibang banda o mga foreigner na naglaan talaga sila ng oras para maibahagi nila ang mga magagandang mensahe ng Dios para sa lahat na naayon sa tema namin na "Ablaze for a Greater Harvest".

photocollage_202291411640728.jpg

Mga 12:00 nga ay nag break na lang muna para sa lunch at dahil naka early registration kami ay merong libreng lunch at doon nga nag lunch muna kami at nag rest muna hanggang sa pag sapit ng mga 1:00 hapon ay nag resume na muli ang event.

Sa hapon nga ay meron na namang Praise and Worship at ang nag lead naman sa pagkakataong ito ay ang aming Section, ang Section 3 na pinangunahan ng mga youth leaders ng aming Section. Dito nga ay nagpatuloy ang aming pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagbibigay lakas at protkesyon sa araw-araw at pati na rin sa gawaing ito.

photocollage_202291411194151.jpg

Nagpatuloy ang aming gawain at ang pagbahagi ng ilan pa sa mga speakers sa event na ito na talaga namang napakaganda ng kanilang mga ibinahagi mula sa mga Salita ng Dios. Kailangan talaga natin o namin bilang mga youth leaders na maging matatag at palagiang mainit sa pananampalata sa Dios, laging sa Dios lang umaasa dahil wala ni kahit ano sa atin, sa Dios ang lahat, Siya ang ating lakas sa bawat ministry na ibinigay Niya sa atin.

Hindi na din namin natapos ang buong event dahil medyo malayo pa ang aming babyahein at meron pa din kaming dapat na kawin kung kayo noong nag break uli ay hindi namin pinalampas ang pagkakataon na maka kuha ng mga larawan doon sa stage kasama ng aking mga kasamang youth leaders din bilang remembrance namin dito.

Talaga naman pong napakasayang makasali sa mga gawain ng Dios dahil mas nagbibigay ito sa akin ng lakas at mas matatag na pananampalataya sa Kanya kaya lubos ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat lahat na kanyang ginawa sa aking buhay.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

To God be the glory!😇

 2 years ago 

Tama Mel. Gawin nating matatag ang ating pananampalataya sa Diyos lalo na ngayon na ang mundo ay puno ng kaguluhan at mga iba't ibang challenges.

Sigurado successful at ang saya ninyo sa event na ito.

 2 years ago 

Evaluation Date : September 14, 2022

DetailsRemarks
#steemexclusive
atleast #club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Burnsteem25
Verified Member/Visitor
 2 years ago 
Your quality content qualifies the TEAM 5 guidelines.
Post InformationStatus
Steemexclusive✅️
Plagiarism free✅️
Verified User✅️
Bot free✅️
Club Status75

Your post is upvoted using the @steemcurator08 account by @waterjoe. Continue making quality content for more support.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64550.89
ETH 3156.32
USDT 1.00
SBD 4.30