The Diary Game Season 3||Ang pagbisita namin sa Claveria at pagdiriwang ng ika 6 na taong Kaarawan ni Kylie Laureen 🎂🥳🎉

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa bagong linggo pa lang ng taong 2023 masasabi kong ang ganda ng aking taon dahil sa mga gawain ng Dios na siyang kasiyahan ko rin dahil itong lahat ay sa kapurihan ng ating Dios. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang aming pagpunta sa municipality of Claveria para bisitahin ang kaibigan ng aking Senior Pastor na nang imbita sa kaarawan ng kanyang anak.

jpg_20230109_204101_0000.jpg

Ilang araw ang nakalipas sinabihan nga ako ng aking pinsan at aking Senior Pastor na meron kaming parating na Mission sa mga susunod na araw at ito nga ay sa Claveria ang tinaguriang "Fruit Basket of Misamis Oriental" dahil sa lamig nang panahon dito ang daming mga prutas at mga iba't ibang halaman ang tumutubo.

photocollage_202319195747802.jpg

Umalis kami sa amin mga nasa oras na 8:00 ng umaga at napag desisyonan ko na sasabay na lang sana ako sa aking pinsan pero dahil nga sa gustong sumama ng isa pa sa aking pinsan kung kaya ginamit ko na lang ang aking motor papunta sa Claveria.

Nakarating naman kami sa Claveria mga nasa oras na 11:00 ng umaga at saktong sakto dahil medyo malapit na silang matapos sa kanilang mga inihanda at kaka luto lang din ng kanilang malaking lechon baboy. Sa pagdating nga namin ay nagpahinga muna kami sandali dahil sa layo ng pag byahe namin medyo nakakapagod talaga.

photocollage_202319195839475.jpg

Mga ilang sandali lang din matapos na maka pahinga kami ng sandali ay nagsimula na din kami sa aming munting programa na kung saan ang aking Senior Pastor na si Ptr Dodz ay nagnahagi ng mga Salita ng Dios. Hinding hindi talaga mawawala ang Salita ng Dios dahil sa ito ang pagkain ng ating kaluluwa na higit sa lahat ito ang pinaka importante kaysa sa pagkain para sa ating katawan. Pagkatapos na makabahagi ng mga Salita ng Dios ang aming Pastor ay nag offer na din ng mga prayers and declaration para sa nagdiriwang ng kaarawan ngayon na si Kylie Laureen na nagdiwang ng kanyang ika 6 na taong kaarawan.

photocollage_202319195953866.jpg

Natapos naman sa pagbahagi ng mga Salita ng Dios at sa prayers and declaration ang aming Pastor mga nasa 11:55 na nang umaga at malapit na talaga mag tanghali at oras na din upang matikman namin ang mga pagkaing inihanda nila para sa kaarawan ni Kylie Lauree mula sa kanyang mga mabubuti at masisipag na mga magulang. Dito nga ay na enjoy namin ang lahat ng mga pagkaing inihanda nila lalong lalo na itong malaking lechong baboy at busog na busog talaga kaming lahat.

photocollage_20231920019871.jpg

Ngayong busog na busog na kami mga ilang minuto muna kami ay nagpahinga bago kami umalis at bago nga kami nagpatuloy sa aming byahe papauwi ay huminti muna kami dito sa isa sa pinaka sikat at kilalang tourist spot dito sa Claveria at ito ay ang View Deck na kung saan napaka ganda talaga ng view dito lalong lalo na ang mga kabukiran na nakikita sa paligid. Marami ding mga magagandang halaman dito na nagbibigay talaga ng attraction sa mga bisita at marami pang magagandang tanawin.

Magandang simulan ang taong 2023 sa mga missions para sa Dios katulad nga nito at nagpapasalamat ako sa Dios dahil nakarating kami dito ng ligtas at masaya at nakauwi ng ligtas at puno ng pasasalamat sa Dios sa matagumpay naming Mission.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

@tipu curate

Holisss...

--
This is a manual curation from the @tipU Curation Project.

 2 years ago 

Sigurado akong naging maganda ang pakikipagsalamuha ninyo sa kaibigan ng inyong Senior Pastor para sa kaarawan ng kanyang anak. Tiyak na nakatulong ang pagbisita ninyo sa pagpapalakas pa ng relasyon ninyo. Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan.

 2 years ago 

TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.
Curated by: @chant

BRINGING_MUSIC_TO_YOUR_EARS.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65910.66
ETH 2696.65
USDT 1.00
SBD 2.88