The Diary Game Season 3 || Ang nangyaring Local JESUS REIGNS Celebrations dito sa aming Lungsod Manticao Misamis Oriental 👉 #burnsteem25

in Steemit Philippineslast year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isa sa pinakahihintay at pinaka inaabangang kaganapan taon-taon noong hindi pa nangyari ang pandemya ay itong taonang celebration ng Jesus Reigns na kung saan humigit kumulang 80 probinsya ang sabayang nagdiriwang ng pagbandira ng pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo at dito nga sa aming Lungsod ay nag sagawa din kami ng Local Celebration na kung saan ang mga malalapit na mga Churches ay nagkakaisa para sa gawaing ito.

Screenshot_20221202-232103.jpg

Mga ilang araw din ang nakalipas na kami ay naging abala para sa gawain naming ito dahil nga sa isa ito sa pinaka importanting gawain namin sa taong ito dahil sa loob ng dalawang taon dahil sa pandemic muling naisagawa ito at itong lahat ay para sa kaluwalhatian at kapurihan ng Dios.

photocollage_2022122233727369.jpg

Sa araw na mismo ng aming Celebration, naging abala na kaming lahat para maging maayos ang lahat mula sa mga decorations hanggang sa mga sound system. Hindi din namin akalain na biglang umulan ng malakas at ang aga pa nito pero ipinagdasal namin sa Dios na titigil ang ulan dahil mga 1:30 ng hapon mag simula ang motorcade at dininig ng Dios ang aming mga dasal dahil mga nasa oras na 12:20 ng tanghali ay biglang tumigil ang ulan at lumiwanag ang kalangitan.

Pagsapit ng hapon mga nasa oras na 1:45 iyon dahil nga sa ulan kaya medyo natagalan, nagsimula na ang aming Motorcade mula dito sa Gymnasium patungo sa Market hanggang sa makabalik muli sa Gymnasium. Salamat sa Dios dahil naging maayos ang motorcade at maganda na talaga ang panahon.

photocollage_2022123045458.jpg

Mga nasa oras na 2:15 ay nag simula na din ang aming programa para sa Jesus Reigns Celebration. Dito nga ay merong mga pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng mga Awit at nagpapasalamat ako sa Dios dahil isa ako sa mga back up singer sa gawain namin ngayong araw na ito. Ngayon nga sa celebration namin ay merong mga Prayer Items na inilista mula sa iba't ibang mga dapat bigyang pansin na ating makikita at na experience sa ating mga buhay lalong lalo na ang ating gobyerno at mga hanap buhay at marami pang iba pang kailangang bigyang pansin at nagpapasalamat ako sa Dios dahil binigyan ako ng pagkakataon na mag lead ng dasal patungkol sa Media Industry at sa lahat ng nga Prayer Items namin ay alam namin na didinggin itong lahat ng Dios.

photocollage_202212344755526.jpg

photocollage_202212344847465.jpg

Natapos ang aming Jesus Reigns Celebration mga nasa oras na iyon na 6:30 ng gabi at natapos ito sa pamamagitan ng Non-stop Praise and Worship for more or less 1 hour at salamat sa Dios dahil naging matagumpay ang lahat mula sa pagsimula hanggang sa natapos ang gawain namin sa araw na ito. Pagkatapos nga ay hindi namin pinalampas ang pagkakataon na maka kuha ng mga pictures during and after ng Celebration para sa remembrance at nagpapasalamat ako sa Dios dahil nakarating din ang aking minamahal. Ito din ang unang pagkakataon na naka sali ang aking minamahal sa ganitong gawain at unang pagkakataon na makapag meet sila ng aking Senior Pastor, asawa ng aking Senior Pastor at ng iba pa naming mga members sa Church at labis ang aking pasasalamat dito dahil sa wakas nag kita na sila.

Isa nga itong sa mga gawain namin para kay Lord na hinding hindi ko makalimot dahil sa lahat ng mga nangyari mula pa sa aming preparation, sa araw na talaga ng celebration hanggang sa matapos ito hanggang sa lahat ng mga pangyayari at itong lahat ay para lang sa kapurihan at kaluwalhatian ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

@loloy2020, Faith moves mountains the weather was rainy and yet you continued with the preparations and thank God the sun came out to the joy of all those present.

Where, thank God, the celebration of Cristo Reigns was a success where all the participants enjoyed those beautiful moments to the fullest.

Surely each of you came out spiritually strengthened from that magnificent celebration.

I say goodbye wishing you have a beautiful day

 last year 

Ang saya na po kasi back to church activities na tayo ngayon, dalawang taon din po ang lockdown na bawal ang big gathering.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63585.64
ETH 3035.86
USDT 1.00
SBD 3.84