The Diary Game Season 3||Ang aming unang Mission ngayong taong 2023 - Baby Elle's Birthday Celebration 🎂🥳🎉

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa pagsisimula ng taong 2023, nagpapasalamat ako sa Dios sa walang sawa Niyang pagmamahal at pagbibigay sa lahat ng aking pangangailangan lalong lalo na sa aking kalusugan sa bawat araw na nagdaan. Nitong taong 2023 nga ay inaasahang marami na namang mga gawain na masasabi kong nagbibigay kasiyahan sa akin at sa aming lahat dahil itong lahat ay hindi para sa amin kundi para sa ating Dios na nasa langit na Siyang tunay na nagmamahal sa atin.

jpg_20230106_205652_0000.jpg

Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang unang mission namin sa taong 2023 na kung saan na imbetahan ang aming Senior Pastor sa isang Birthday Celebration at sinama na din niya kami dahil kilala din naman namin ang pamilya at ang batang nagdiriwang ng kaarawan.

photocollage_202316211113873.jpg

Sa araw bago pa ang nasabing selebrasyon ay sinabihan na ako at ang isa sa aming youth na meron kaming pupuntahang Kaarawan kinabukasan. Dumating na nga ang araw ng kaarawan at mga nasa oras na 9:00 ng umaga ay nag punta na kami ng isa sa aming youth doon sa bahay ng aming Senior Pastor dahil magsasabay lang kami papunta doon sa bahay at mga nasa oras na 11:20 ay nag punta kami.

Sa pagdating nga namin ay naka handa na ang lahat at ilang sandali lang din ay nag simula na kami sa aming munting fellowship sa Birthday Celebration. Dito ay nag alay kami ng mga awit sa ating buhay na Dios na pinangunahan ng isa sa aming youth na si Jicel at sinundan din ito agad-agad ng mga Salita ng Dios na ang nag bahagi ay ang aming Senior Pastor. Dito ay mas nalinawan ang aming mga isip sa kabutihan ng Dios sa ating mga buhay lalo na at dumating pa tayo sa taong ito, ang Dios lamang ang nararapat na pasalamatan sa ating mga buhay.

photocollage_20231621408867.jpg

Natapos nga ang aming maikling fellowship mga nasa oras na 12:40, medyo natagalan na kung kaya oras na upang makakain pero bago simulan ang aming pananghalian ay nag blow muna at nag wish ang Birthday Celebrant na is Baby Elle na nasa kanyang ika apat na taong gulang. Habang kumakanta nga kami ng Happy Birthday Song ay kitang kita sa kanyang mukha ang saya at galak dahil sa nag diriwang siya ng kanyang kaarawan. Ngayon pagkatapos ng ilang saglit ay naka kain na rin kami sa mga pagkain na kanilang inihanda at kitang kita naman na pinaghandaan talaga ito ng mabuti.

photocollage_20231621122725.jpg

Pagkatapos nga kami ay maka kain ay nagpahinga mona kami saglit bago kami umalis at bumalik sa bahay ng aming Senior Pastor at doon sa bahay nga ay nagpahinga mona kami at natulog bago kami umuwi ng isa sa aming youth na si Jicel. Mga nasa oras na 5:00 ng hapon na kami umuwi pero bago kami umuwi papunta sa aming mga bahay ay nag punta mona kami sa isang Snacks house at ito ay ang Man Tea Cao at ni libre ko sya ng Milk Tea at Burger habang sa akin naman ay Milk Shake. Sa bagong taon ay ni libre ko siya dahil noong pasko ay hindi ko siya na libre at baka mag tampo 😁.

Mga ilang sandali lang din ay umuwi na kami sa aming mga bahay dahil medyo ma ulan na at baka lumakas pa ang ulan. Nagpapasalamat lang din kami sa Dios dahil sa unang mission namin ngayong taon na naging matagumpay at itong lahat para sa Dios. Nagpapasalamat lang din kami dahil naka uwi kami ng ligtas at masaya dahil sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Good job! Mission accomplish po. I know Heavenly Father was pleased by what you did.

 2 years ago 

Happy birthday sa baby po

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65910.66
ETH 2696.65
USDT 1.00
SBD 2.88