The Diary Game Season 3 (09-07-2021) | Ang Pakikipag Bonding ko sa iba ko pang mga kaibigan sa ibang Simbahan.

in Steemit Philippineslast month

Isang Mapaya at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

Magandang araw po sa ating lahat, lalong lalo na sa lahat dito sa ating munting community. Nagpapasalamat ako sa Dios dahil isa na namang magandang araw ang nagdaan sa aking buhay at sa ating lahat na masaya akong ibahagi ang lahat nang ito sa inyong lahat.

Ngayong araw nga na ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang pakikipag bonding ko sa iba ko pang mga kaibigan sa iba pa naming kasamang Simbahan. Naka punta nga ako dito dahil sa kaarawan nang kanilang Pastor at inimbeta din nila ako at habang ako ay nandoon, ako muna ang taga kuha nang mga larawan nila dahil wala akong dalang pang ligo.

image.png

Noong pagdating ko nga doon ay kakatapos lang nilang kumain mga nasa oras na 12:10 na iyon nang hapon dahil sa umaga ay meron pa akong ginawa kaya natagalan akong pumunta sa venue na kung saan isinagawa ang kaarawan nang kanilang Pastor. Noong una ay hindi ko talaga alam na kaarawan pala nang kanilang Pastor kaya hindi talaga ako nakapaghanda nang susuotin, dahil pagkatapos noong pinuntahan ko ay agad-agad na rin akong pumunta sa sa venue. Kaya noong pagdating ko ay ako na lang ang natirang kumakain, mabuti na lang din at meron pang maraming natirang pagkain kaya busog na busog talaga ako.

image.png

Pagkatapos ko ding kumain ay agad akong pumunta sa swimming pool na kung saan ay nag-umpisa nang naliligo ang mga kaibigan kong mga kabataan. Pagkakita nga nila sa akin ay tuwang tuwa ito hindi dahil sa na surprise sila kondi, nagpapasalamat sila dahil meron na silang taga kuha nang larawan, ginawa pa nila akong isang Photographer, nakakatuwang malaman ito. Pero, masaya din naman ako dahil kahit hindi ako nakaligo ay meron pa rin akong nagawa, meron palang purpose kung bakit ako nakadalo sa kaarawan nang aming Pastor. Nakikito ko naman na tuwang tuwa silang na lumalangoy kaya masaya na rin akong kumukuha nang larawan sa kanila. Ang iba namang mga kaibigan kong mga kalalakihan ay nagpakuha nang larawan sa bagong gawang painting na nakapaligid sa swimming pool. Nakakadag-dag kagandahan ang mga painting dahil sa mga sea creatures na makikita dito.

IMG_20210907_131337_2.jpg


Dahil nga sa maganda talagang tignan ang bagong gawang painting, ay nagpa kuha na rin ako nang larawan dito, kasama ay anak nang aming Pastor na nagdiwang nang kaarawan ngayon. Bilang remembrance na rin sa lugar, kaya nag pakuha ako nang larawan at makikita din naman natin na magandang tignan talaga ito at makikita dito ang mga iba't-ibang klasing isda.

Medyo matagal-tagal din silang naliligo at talagang nag-enjoy sila dito, kaya kung minsan naiisip ko na sana nakadala ako nang aking panligo, sana ay nakaligo din ako. Pero masaya na rin din naman akong kumukuha nang nang mga larawan sa kanila.

Noong mga nasa oras na 3:50 ay nagpasya na din sila na taposin na ang kanilang pagliligo ay nag bihis na dahil gusto na rin nang kanilang Pastor na maka uwi. Kaya mga nasa oras na 4:15 ay umuwi na rin kaming lahat at nak uwi din ako sa aming bahay nang mga nasa oras na 4:30 nang hapon.

Masayang masaya talaga ang araw na ito kahit na gusto ko talagang maligo, pero masaya na rin akong taga kuha nang larawan nila.

Hanggang dito lang po ako at maraming salamat sa inyong pagdalaw at pagbasa sa aking Diary Game post.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat sa lahat nang Steemit Team para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 last month 

Ganda ng painting background. Buti enjoy na enjoy mga kabataan sa pagligo.

 last month 

Yes ate, enjoy jud kaayo...

 last month 

Gusto ko din magswimmiiiiiiiing!!! waaaahhhh

 last month 

Today naligo naman kami sa dagat..share ko din soon...Hehehehe

 last month 

Baka nariyan na ang poreber more amd more diyan hahahaja.

 last month 

Hahahah...baka ate..😂😂🤣

 last month 

Kuya sayang, ikaw lang ang hindi nakaligo. 😁😁 Ang ganda pa naman ng lugar at swimming pool.

 last month 

Sayang jud del..wala ko kadala ug ilisan...

 last month 

Okay ra na ya, 😁😁

 last month 

Ligo ligo din pag may time Mel, hehe way covid diha? diri pirting daghana. :D amping kanunay!