The Diary Game Season 3 (08-04-2021) | Ang Pagdiriwang nang ika-60 Taong Gulang na Kaarawan nang aking Pinakamamahal na Tiyohin

in Steemit Philippines3 months ago

Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat!!!

Ngayong araw na ito ay isa na namang magandang araw ang nagdaan sa ating lahat at dahil yan sa pagmamahal nang ating buahy na Dios. Ngayong araw din na ito ay ipinagdiwang nang aking pinakamamahal na Tiyohin ang kanyang ika-60 taong gulang sa kabila nang hirap na kanyang nararanasan sa buhay.

Isa ang araw na sa pinakamagandang araw dahil sa pagdiriwang nang ika-60 kaarawan nang aking Tiyohin. Sa akin lang masasabi na ang aking Tiyohin na ito ay siya na talagang tinuturing ko nang aking Ama dahil sa tuwing nagkakasakit ako ay siya na talaga kasama nang kanyang asawa ang malalapitan namin at hindi talaga nila kami inaayawan. Mula kasi noong namatay ang aking Ama mga 5 taong gulang na ako ay nandiyan na sila sa aming tabi lalo na noong talagang naghihirap kamig pamilya dahil wala na kaming Ama.

Maibabagi ko rin na isa siya sa naging inspiransyon ko na magpatuloy sa buhay sa kabila nang mga hirap na aking nararanasan ngayon lalong lalo na sa aking kalusugan dahil itong tiyohin kong ito ay 8 taon nang nagda-dialysis at malakas pa rin. Meron din taon na higit 2 taon na nahinto ang kanyang pagda-dailysis, hindi dahil sa wala silang pera dahil nasa Australia ang isa niyang anak, kundi dahil sa kanyang pananalig at pagtitiwala sa Dios. Nagda-dialysis siya muli kasi hindi niya mapigilang kumain nang mga pagkain na bawal sa kanya. Pero sa kabila nang lahat nang mga nangyari sa kanya ay nandito parin siya, malakas ang pangangatawan at mas lalo pang lumakas ang kanyang pananalig at pagtitiwala sa Dios.

image.png

Ngayong araw nga na ito ay talagang naging abala ang lahat dahil sa paghahanda sa kaarawan nang aking Tiyohin. Maagang maaga gumising ang lahat dahil sa paghahanda nang pagkain na dadalhin sa dagat dahil doon isasagawa ang pagdiriwang at ang star talaga tuwing merong mga pagdiriwang ay itong napaka sarap na lechon. Medyo malaki ang lechon na ito dahil inaasahang marami talaga ang mga bisita sa araw na ito.

image.png

image.png

Mga nasa oras na 10:30 nang umaga ay natapos na rin ang lahat nang mga pagkain na maluto at oras na upang magpunta sa dagat. Pagdating nga namin doon ay agad din naming inasikaso ang mga pagkain habang hinihintay ang lahat nang mga bisita na makarating at mga nasa 11:15 nga ay nakarating na ang lahat nang mga bisita at mag sisimula na rin s munting programa.

Ngayon naman ay oras na upang makapag blow ang aking tiyohin nang kanyang mga Cake na bigay nang kayang anak na nasa Australia at iba pang mga nagbigay. Ang isa nga sa mga Cake ay itong magandang pagkagawa at masarap, kaya ito nalang mag-isa ang sinindihan dahil medyo mahangin din. Habang nag bo-blow ang aking tiyohin ay makikita sa kanyang mga mata na masayang masaya ito dahil sa naging matagumpay ang pagdiriwang nang kanyang kaarawan at marami ang dumating na bisita.

Pagtapos na makapg wish at maka blow nang mga cake ang aking tiyohin ay oras na upang kumain ang lahat. Para maiwasan ang kumpolan ay hiniwa na nang aking tiyohin nang maliliit ang lechon at inayos na hindi gaanong magka gulo ang lahat pagkuha nang mga pagkain.

Pero sa kabila nang mga pagsabi na medyo iwasan na hindi magkumpolan ay hindi talaga maiiwasan at mapigil ang lahat lalong lalo na at gutom na ang lahat dahil tanghali na at nakalipas na sa ika 12 nang tanghali. Kahit ito ang mga nangyari ay naka kain naman ang lahat at nabusog at meron pang maraming pagkain ang natira kaya noong meron pang mga bisita ang dumating ay naka kain pa rin.

Mga nasa oras na 3:00 nang hapon ay unti-unti na rin umuwi ang lahat at dahil sa napaka ganda nang hangin doon ay mga nasa oras 4:00 nang hapon na ako umuwi sa amin. Ang ganda talaga nang simoy nang hangin sa dagat, nakaka wala nang pagod at stess dahil grabe ang init nang panahon.

Sa kabuoan ay napaka saya nang araw kong ito dahil nakikita ko na masaya din ang aking tiyohin at nakikita namin na malakas na malakas siya sa kabila nang dinaramdam niyang sakit ngayon at ang taninging dalangin lang naming lahat ay gumaling na siya at talagang mawala na siya sa pagda-dialysis niya.

Hanggang dito lang po ang aking Diary Game sa araw na ito at para sa lahat ay ini-ingganyo ko kayong lahat na magbahagi nang inyong mga Diary Game entries.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  

You've got a free upvote from witness fuli.
Peace & Love!

 3 months ago 

Masayang kaarawan sa iyong tiyuhin sir @loloy2020. Talagang Ang pananampalataya at panalig natin sa Dios ay nakapag pagaling sa atin.

 3 months ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 months ago 

Maligayang kaarawan po ng iyong tiyohin @loloy2020. Nawa po' y pagpala-in siya at bigyan pa po siya ng maraming kaarawan, mabuting pangangatawan at higit sa lahat biyayaan siya ng maraming grasya ng mahal na Panginoon. Kasabay po pala sila ng kaarawan ng asawang kong si natz04.