The Diary Game Season 3 (06-14-2021) | Sa Wakas!!! Nakabili na rin ako nang Motorcycle nang Dahil Sa STEEMIT, Salamat sa Dios!

in Steemit Philippineslast month

Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat!!!

Nitong nakaraang mga araw nga ay meron akong kaunting pinagdaanan dahil sa aking kalusugan pero salamat sa Dios magaling na magaling na ako. Matapos naman na meron akong pinagdaanan, meron namang magandang pangyayari ang dumating sa aking buhay dahil sa unang pagkakataon ay nakabili ako nang Motorcycle nang dahil sa Steemit at talagang nagpapasalamat ako sa Dios, sa lahat nang mga naniniwala sa aking at lalong lalo na sa lahat nang sumusuporta sa akin mula pa noong simula.

Ang Motorcycle talaga ang isa sa hinahangad kong mabili ngayon dahil malaking tulong ito para sa akin dahil magagamit ko ito tuwing meron kaming mga Mission sa aming simbahan at iba pang mga gawain. Misan napaka hirap kasi kapag sumasakay ka, minsan kailangan mo pang mapuno ang sasakyan bago maka alis. Pero kapag meron kang motorcycle ay mas mapadali ang pag-uwi ko at pagbyahe.

image.png

Ang desisyon ko na bumili nang Motorcycle ay matagal ko nang pina plano pero, sa kadahilanang marami din tayong pangangailangan sa araw-araw ay na-uudlot ito, pero dahil noong mga nakaraang mga buwan ay medyo marami ang sumuporta sa aking mga contents, diary game at sa academy at pati na rin sa pag-sisimula kong mag trading ay medyo naka-ipon ako nang pambili nang Motorcycle.

image.png

Noon ngang matapos akong gumaling galing sa sakit ay biglang tumawag at merong pinasang litrato ang aking pinsan na akin din Pastor na meron daw siyang nakitang Motorcycle sa isang Store sa Iligan City na naka promo ngayon at nagustohan ko naman ang klase nang motor na ipinakita niya sa akin. Ang motorcycle nga na ito ay ang Honda XRM 125fi new model at kakarating lang din store nila. Kaya noong nakita ko ito, napagdesesyonan ko nang bilhin ito dahil ang presyo lang niya 69,500 Pesos at ang nasa ibang Store ay nasa 74,500 Pesos, pareho lang sila nang brand at model pero napakalaki nang deperensya sa presyo. Sinabihan ko ang aking pinsan na sa pag lunes nalang kami pupunta at bibilhin ang motorcycle at ngayong araw na nga iyon.

image.png

Ngayong araw nga na ito ay nasa mga oras na 5:00 nang umaga ako gumising upang makapag luto na nang aming agahan sa araw na ito. Medyo excited din ako dahil sa wakas ay makakabili na rin ako nang Motorcycle na siyang dinalangin ko. Kaya noong matapus akong magluto mga nasa 6:30 ay agad din akong nagbihis at kumain para maka alis na papunta sa iligan City.

Mga nasa oras 7:30 nang umaga ako naka alis sa aming bahay at habang ako ay nasa daan ay wala gaanong mga sasakyan ang dumadaan dahil siguro maaga pa at dahil na rin sa pandemya. Ilang saglit lang din ay nakasakay na rin ako at mga 30-45 na minuto lang siguro ay makakarating na ako sa Iligan City na doon din naghihintay ang aking pinsan na siyang may alam kung saan ang Store.

image.png

Mga nasa oras na 9:20 nang umaga ay nakarating na rin kami sa Store na sinasabi nang aking pinsan at nakita ko nga doon ang sinasabi niyang Motorcycle at talaga namang maganda siya at maganda ding malaman na bagong model ito nang Honda XRM 125 fi at digital na ang kanyang Speed Meter. Kaya noong pagkakita ko nito ay hindi ako nagdalawang isip at binili ko kaagad at ang motor ay ipinasa din agad sa Mekaniko para e test ito at idagdag ang iba pang accessories.

Sa totoo lang, ang orihinal na presyo nito ay 69,500 Pesos, kung e kompara sa ibang Store ay talagang malaking deperensya dahil nasa 74,500 Pesos ang presyo, pero talagang napaka buti nang Dios sa lahat nang panahon, dahil nga sa Spot Cash ang mode of payment ko, maliban na naka promo sila, meron pang 2,500 Pesos na discount kaya ang kabuoang nabayad ko sa Motorcycle na binili ko ay nasa 67,000 Pesos, meron pang libreng helmet at Jersey nila sa Store. Talagang na surprise ako dahil naka save pa ako sa actual na prenepare ko na pera para dito.

image.png

Matapos kong makabayad ay sa wakas meron na nga akong Motorcycle at dahil ito sa Steemit. sa totoo lang mga nasa higit sa 80% sa na ipon kong pera ay sa Steemit at ang natira ay sa iba ko pang mga asset, kaya talagang nagpapasalamat ako nang marami sa Steemit at lalong lalo na sa Dios dahil natupad na rin ang isa sa aking panalangin.

Ngayon ay oras na upang ma test ito sa pagpapatakbo sa unang pagkakataon dahil natapos na rin na ma check nang mekaniko at maayos na ang lahat. Malaki din ang aking pasasalamat sa aking pinsan na sinamahan ako at tinulongan na makabili nang Motor. Dahil nga sa malapit lang siya sa Iligan City at laging pumupunta doon, ay nakita niya ang motor na ito at nalamang meron promo. Siya talaga ang aking pinsan at Pastor ko rin na talagang laging sumusuporta sa akin at laging nandyan kapag meron akong problema.

Sa lahat nang aking mga pinsan ay siya lang talaga ang laging nandyan sa aking umalalay at ako din naman ay laging nandyan para sa kanya lalong lalo na sa aming mga misyon. Meron na rin akong magagamit kapag meron kaming Feeding Mission lalong lalo na kong nasa mga kabukiran ang aming venue.

image.png

At ngayon oras na upang kami ay maka alis kasama ang aking bagong bagong Motorcycle. Itong unang beses na mapatakbo ang motor kaya sinabihan ako nang mekaniko na e limit lang muna ang aking takbo sa 40-50 Kph para hindi daw mabigla kaya ang takbo ko ay dahan dahan lang muna lalong lalo na at nasa City din ako at hindi ko pa gaanong kabisado magpa takbo sa City.

Bago naman kami umuwi nang aking pinsan sa aming mga bahay ay nilibre ko naman siya sa isang kilalang Fastfood dito sa Pilipinas at ito ay sa Jollibee dahil sa pagtulong niya sa akin.

Doon ay nag-usap usap muna kami at nagpasalamat ako sa kanya sa walang sawang pagtulong at pagsuporta sa akin. Napag usapan din namin kung gaano kabuti at mapagmahal nang Dios sa ating mga buhay at napatunay iyon sa aking buhay. Doon ay na e.ekwento ko sa kanyang angilan sa mga nangyari sa akin kung kaya nakamit ko ang lahat nang ito.

Sa kabuoan nga ay, talagnag napaka ganda nang araw ko na ito dahil sa wakas ay na tupad na rin ang isa sa aking matagal nang dinalangin sa Dios at na tupad ito nang dahil sa Steemit. Isang patunay lang ito na malaking tulong talaga nang Steemit sa ating buhay lalong lalo na kung magbigay tayo nang panahon, dedikasyon at pagmamahal sa ating ginagawa, tiyak na makakamit natin ang ating dinadalangin at syempre hindi dapat mawawala ang ating paniniwala sa Dios.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif

GIF Footer Credits to @baa.steemit

Sort:  
 last month 

Congrats @loloy2020 isa kang ihemplo na sa pagiging active ay makapag ipon at mabili ang pangailangan sa araw araw nating pamumuhay.

 last month 

Salamat ate, kaya wag mawalan nang pagasa jud...continue bisan ug gamay ra ang upvote..

 last month 

What a blessing ☺️. Ride safe!

 last month 

Salamat po.

 last month 

Wow.. Congrats bro. Soon palit sad ko 😊😊😊 maka.amaze bro..

 last month 

Congrats bro.... Keep safe....

 last month 

Congratulations bro! You deserved it! Huge thanks for your hard work!

 last month 

Thanks bro...

 last month 

Always welcome bro! May more blessings shower upon you!

 last month 

Sana ol sir.

 last month 

Wow Sir @loloy2020 nakaka inspire po kayo 😍
Congrats po 😊 drive safely po palagi sir 😇

 last month 

Maraming salamat po...