Act of Kindness/Diary Game Season 3 (08-14-2021) | Ang Pagbahagi namin nang Salita Nang Dios bilang Pagdiriwang namin nang Youth Month ngayong Agusto

in Steemit Philippines2 months ago

Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat!!!

Isang magandang araw na naman ang nagdaan nagpapasalamat ako sa Dios dahil sa panibagong araw na naman ang kanyang ibinigay. Kahapon nga ay ibinahagi ko ang aming isinagawang Feeding program bilang pagdiriwang namin nang Youth Month ngayong Agusto. Ngayong araw naman na ito ay ibabahagi ko naman sa inyo ang isa na namang activity namin ngayong Youth Month at ito ay ang pagsagawa namin nang Evangelism o pagbahagi nang Salita nang Dios sa mga bahay bahay dito sa amin.

image.png

image.png

Mga nasa oras na 9:00 nang umaga nga ay nasa schedule na namin na kami ay magsagawa nang Evangelism at sakto din na nakarating kami sa venue nang mga nasa 9:15 na nang umaga. Agad-agad din kaming nagsimula at bago kami nag simula ay nag grupo-grupo muna kami at meron nga walong grupo lahat na meron tig apat sa bawat isa. Ang aming Pastor naman ay sinabihan kami kung saan kaming grupo naka assign na kung saan kami mag babahagi nang Salita nang Dios.

Ang una nga naming nakita ay itong magkapatid na sila ring kakilala ko dahil itong lalaki ay asawa o kinakasama nang aking pinsan kaya naging madali na rin ang pagbahagi ko nang Salita nang Dios sa kanilang magkapatid. Habang nagbabahagi nga ako ay tahimik naman silang nakikinig sa akin habang ang aking mga kasama ay taimtim ding nagdarasal dahil sinabihan din kami nang aming Pastor na habang ang isa sa amin ay nagbabahagi, ang iba naman ay magdadasal upang maging payapa ang lahat. Mga nasa 10 minuto din akong nagbahagi nang Salita nang Dios sa kanila at salamat talaga sa Dios dahil naging matagumpay ito.

image.png

image.png

Pagkatapos kong magbahagi sa magkapatid ay nag punta na rin kami sa susunod na bahay at ang nadatnan namin doon ay ang nag-iisang anak lamang kaya inatasan ko ang isa sa kasama ko na siya na muna ang magbahagi habang kaming tatlo na hindi nagbabahagi ay nagdarasal. Naging maganda naman ang pagbahagi nang isa kung kasama kaya noong natapus siya ay sinabiahan ko siyang mahusay, upang ma ingganyo pa itong magpatuloy sa aming mga gawain sa Dios.

image.png

image.png

Ang kasunod namang nagbahagi sa kasunod na bahay na pinuntahan namin ay ang isa pa naming kasamang kabataan na isa din sa mga leaders. Doon nga sa napuntahan namin ay meron isang babaeng tumanggap sa amin nag taus pusong nakinig sa ibinahaging Salita nang Dios nang aking kasamahan at nagpapasalamat lang din kami dahil nakinig ito nang mabuti kahit na noong una ay meron pa itong mga agam-agam na baka ayaw niya pero noong kinatagalan ay nakinig naman ito. Higit 10 minuto din ang pagbabahagi nang Salita nang Dios ang aking kasamahan bago kami nagpaatuloy sa ibang bahay.

image.png


Dahil medyo malapit naring magtahanghali, iisang bahay nalang din ang aming pinuntahan dahil ang iba namang mga bahay ay napuntahan na rin nang iba ko pang mga kasamahan dahil nga sa meron kaming 8 grupo na nag Evangelism.

Ang huling bahay naman na napuntahan namin ay merong 3 ka tao ang dalawang babae ay magkapatid habang ang nag-iisang lalaki ay asawa nang isa sa mga babae. Saktong sakto lang din pagdating namin dahil nasa labas lang sila nag-uusap usap at kakilala ko na rin din naman sila kaya naging madali lang din ang pagbahagi ko nang Salita nang Dios. Nakikinig talaga sila sa aking habang ako ay nagsasalita kaya nagpasasalamat ako sa Dios.

Higit sa 10 minuto din ang pagbahagi ko at dahil ito na rin din naman ang huling bahay, napag desisyonan na namin na magpunta na sa lugar kung saan kami magkikita pagkatapos nang mga ginagawa namin at pagdating nga namin doon ay kaming grupo na lang din pala ang huling natapos dahil pagdating namin doon ay nagpapahinga na silang lahat. Talagang napakabuti at napaka galing nang Dios dahil naging matagumpay kaming lahat.

Hanggang dito lang po ang aking Diary Game sa araw na ito at para sa lahat ay ini-ingganyo ko kayong lahat na magbahagi nang inyong mga Diary Game entries.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 2 months ago 

God Bless po at maraming salamat sa pagbahagi nang Salita nang Dios...

 2 months ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja