Diary Games Season 3/September 20,2021/Soil Test At Iba Pang Gawain

in Steemit Philippines3 years ago

Kumusta ka Steemians,

Ipagkaloob nasa mabuting kalagayan kayo saan mang dako man kayo naroroon at walang sakit.

Soil Test

Kanina maagang umalis ang anak at apo ko, mga 4am, may Soil Test project kasi sa Lapu-lapu City. Isang 3storey building, need nila ang Soil Test Report para ipasa sa OBO(Office of the Building Official) para ma bigyan sila ng building permit, ito kasi ang unang kailangan ng OBO. Yan ang business namin.

inbound431999022414161968.jpg

Kahit umuulan patuloy sa pag trabaho ang mga tauhan namin. Rain or Shine ika nga.

inbound6013794266159358045.jpg

inbound1794984142242510866.jpg

Laking pasalamat namin may pumasok na project sa situation ng pandemic dahil ubos ubos na ang pondo namin noong nagkasakit ako sabay ng asawa ko. Success naman ang project maagang naka uwi sila mga 3pm nandito na sila sa bahay.

Umani

Habang nandoon sila sa project ako naman ay nag ani nanaman ng bunga ng ampalaya namin at ito ang inulam namin na hinaloan ko ng 8 na itlog.

inbound8045212445182957236.jpg

inbound535807250736081539.jpg

Dahil sa kadaming bunga ako'y namigay sa kapitbahay naming si Odette.

Alok

Buti na lang dumating na yong baboy na inorder ko. Dito sa mga kapitbahay ko madaming nag alaga ng baboy at manok. Pag malaki na ang baboy ito ay kinakatay nila. Pero bago pa nagkatay ay ina alok na sa mga kapitbahay at kaibigan kung ilan kilo ang oorderin. Ako dalawang kilo lang dahil apat lang kasi kami at kadalasan isda ang ulam namin. Pag dating ng order yong iba hinalo ko sa ampalaya at ang iba ay gi lechon kawali ko lang.

inbound8300590827766494877.jpg

Lechon

Yong isa ko namang kapitbahay nagkatay din ng alaga nilang baboy pero gi lechon nila. Hayon inalok ako noong isang araw 400pesos naman ang kilo, kalahating kilo lang gi order ko. Heto dumating din.

inbound1288453104786937703.jpg

Nagsidatingan ang food blessings di bale inimbak ko na lang sa refrigerator dahil di kami malakas sa karneng ulam.

Gansilyo

Tapos mananghalian imbes itulog ko ako'y nag gansilyo tinapos ko yong inumpisahan kong gawin bago ako nagkasakit. Natapos ko ito ngayong hapon na.

inbound7205601461577844622.jpg

Nalungkot lang ako dahil walang mag picture sa outfit ko, na dapat ipakita ang buong katawan. Ito kasi ay pang beach cover. Wala akong makitang humawak ng camera dahil tulog ang anak ko at apo pagod sa project. Si hubby naman busy gumawa ng soil test report. At si Odette umuwi na sa kanila. E malayo layo din konti sila sa amin. Kaya hayan nagselfie na lang ako.

Hanggang dito na lang nawa'y na aliw ko kayo sa ganap ng araw ko.

Salamat sa pagbasa...

inbound8901747143245230499.gif

Sort:  
 3 years ago 

Ang sarap naman ng lechon ate 😊 ang waterpump o poso ay nakakatulong kapag may mahabang tag-init, yan din ang ginagamit dito.

 3 years ago 

Thanks @jb123 yan ay di pang poso, pareho lang ang kagamitan. Yan ay pang testing sa lupa.

Sarap ng balat ng lechon te pati crispy pata ang lutong.. If may pattern ka niyan te.. Penge ako

 3 years ago 

Oo himoon nako, sayon ra gyud yan.

 3 years ago 

Thankgoodness momshie naay ning abot na project. Tapos naa pa'y lami na lechon, nag crave tuloy ako 😋😋😋
Ang ganda naman ng ginawa mong blouse mi, ganda ng color 😍

 3 years ago 

Ilagay mo sa lamesa at i video mo tapos crop mo from video.

 3 years ago 

Mabuti ate at may projects pa rin... Gusto ko yan ampalaya. Fresh na fresh.

Timer mo nlng ate. Ipatong mo sa mesa or if may tripod ka mas ok. Para mapicture whole body.

 3 years ago 

lamia sa lechon Ate. :D

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Ang gaganda ng harvest mo na ampalaya.... Minsan lang ako nagtanim nyan sa container na pinadala nung kapatid ko na seeds.. Tumubo naman. Ganda ng beach top ah.

 3 years ago 

Oo nga di ko akalain na mamunga ng marami ang ampalaya. Ahehehe beginners project ang beach cover up.

 3 years ago 

hew! what a busy day, ang daming ganap mommy😃😃
nakakatuwa po yong ampalaya ninyo ang daming bunga. Tama nga ang ginisang amplaya dyan, yong eggs ba galing sa chickens ninyo or binili nalang?
talagang nagumpisa nga na sabi mo when it rains it pours .. eh naging totoo nga, umulan ng baboy... ahahaha. sarap ng lechon kawali pati yong lechon and the best! Atleast maraming foods.
I love the color combination of your beach cover. perfect outfit yan on your next beach adventure.

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66384.36
ETH 3272.25
USDT 1.00
SBD 4.27