My Daily Diary Game_Season 3_ 07/11/21 - May Naririnig Na Tawag Mula Sa Kawalan

in Steemit Philippines2 months ago

Magandang araw mga giliw kong kaibigan! Sanay lahat kayo ay nasa mabuting kalagayan.

Sunrise Joanna R.jpg

Ngayong araw gumigising ako ng napakaaga. Ang ganda ng sikat ng araw at nakakabighani. Masarap ang tulog ko dahil medyo may mahinang ulan at nakapagpahinga ako ng matiwasay. Sa pag-umpisa ng araw, pagkatapos manalangin at mag-inat-inat, derecho sa kusina lalabhan ang mga damit ng anak ko at ng aking Ina habang nakasalang ang aking sinaing at antayin ang pagkaluto nito para maisunod ko naman ang pagluluto ng ulam. Pagkasampay ng mga nilabhang damit, magwawalis muna habang nakasalang naman ang ulam na niluluto ko para sa aking anak at ng aking Ina. Dali-daling maliligo parasabay-sabay na kaming kakain ng almusal. Papaliguan ang anak ko pagkatapos kumain, hinahayaan ko siyang maglaro pagkatapos ko siyang paliguan at bihisan para ako naman ang maliligo para gagawin ko naman ang aking pag-araw-araw na gawaing bahay. Ganyan ang isang ina.

Pagsapit ng 11:00 am, nagluto naman para sa tanghalian. Sabi ng aking ina lutuin ko raw yung binili kong "prawns" at gumawa ako ng rebusado. Madali lang din naman lutuin kasi natanggalan ko na siya ng "shell" at nakahimpil na sa lalagyan para sa oras na lutuin alisin sa lalagyan at ipagulong sa harina at i-"Deep Fry". Niluto ko lahat na 1/8 kilos at di pdeng bumili at kumain ng marami at may mga "allergies" kami kapag napadami ang kain. Nag deep Fry din ako ng broccoli para side dish ng rebusado. Sayang kasi ang naiwang konting broccoli baka mabulok. Favorite ng anak ko ang gulay lalo na kapag isinawsaw sa hot sauce o sukang maanghang. magana siyang kumain. Maaga kaming nakapananghalian wala pang ala 12:00 ng tanghali

food flour coated shrimps (REBUSADO).jpg

Pagkatapos ng tanghalian pinaliguan ko ulit ang anak ko para makapag-siesta naman siya ng maayos at presko ang pakiramdam. Napaliguan ko na siya at ilalapag ko na sa kama ng may narinig akong may tumatawag sa aking pangalan. Ang Ina ko naman sunod-sunod ang tawag sakin at tingnan ko ra kung sinong tumatawag. Ang buong akala ko ang narinig niyang tawag ay ang pangalan ko, yun pala iba naman ang narinig ng Ina ko. may tumatawag daw sa kanyang Nanay. Tiningnan ko sa aming gate kung may tao, wala naman. Sumilip din ako sa kapitbahay at baka kako isa sa kanila ang tumawag sa akin o sa Ina ko. Wala din...

flowers wild lady bomb with Ana P.jpg

Nasanay na ako sa ingay sa kapaligiran namin dahil malapit lamang kami sa "highway". Ingay ng sasakyan, mga taong nagsisigawan sa kalsada at yung mga usapan at sigawan din ng mga karpenterong gumagawa ng "arcade" sa may likod bahay namin. Nagkatinginan na lang kami ng aking Ina at nagkibit balikat. Nasambit ko baka yung "Hindi nakikitang nilalang" ang tumatawag.

Natapos ang buong araw ko na paminsan-minsan sumisingit pa rin sa isipan ko kung sino yung tumatawag sa amin kahit alam kong erong mga pagkakataong sa pagtira namin sa bahay namin na ito ng 36 na taon marami na rin akong nauulanigan at nararamdaman ngunit di ko lang binibigyan ng pansin dahil ayaw kung takutin ang sarili ko at MALAKI ANG PANANALIG KO SA DIYOS. Alam kong hindi lang tayo ang nilalalng sa mundo meron ding nilalang ang Diyos na kakaiba sa atin at yun ay dapat din nating igyan ng respeto kahit di natin sila nakikita.


Hanggang sa muli mga kaibigan.

Sumasainyo,

@joshuelmari

Sort:  
 2 months ago 

Ang ganda ng sikat ng araw ate.

 2 months ago 

Naker same dito sa new abode namin, but sinusunod lang ang voice namin.

 2 months ago 

Nkaka kabig honey ang sikat ng araw? Salamatvsa ganda ng umaga kay ganda,..

 2 months ago (edited)

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong Diary po ay kwalipikado para sa Diary Game contest sa linggong ito (Week 13). Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating Diary Game contest.

Updated Rules and Regulations

Ang main Account, Paki Bisita po rito