Diary Game Season 3 |Week # 18| September 5, 2021| Ang Aking Pagluluto Para sa Pamilya

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang umaga sa ating lahat, lalo na sa lahat ng mga myembro dito @steemitphilippines. Simula na naman ng ating diary game contest week 18 at nagpapasalamat ako dahil patuloy pa rin tayong tumataas ang bilang ng mga myembro dito sa ating komunidad.

Ibabahagi ko ngayon ang aking mga karanasan kahapon ng linggo. Dahil may mga tungkulin na dapat gawin sa bahay kaya nararapat ko itong gawin upang maging masaya ang aking mga magulang.

Steemit Chef @jb123

IMG20210905085100.jpg

Kapag ako ang magluluto ay mahilig talaga akong gumawa ng mga kakaibang recipe kapag ako ang nakaharap sa pagluluto ng pagkain. Kaya ang niloloto ko para sa aming pananghalian kahapon ay patatas na may sardinas. Kadalasan kasing sangkap sa pagluluto nito ay cornedbeef, kaya iniba ko sa halip na cornedbeef ay sardinas ang inilagay ko.

Simple lang lutuin ito at hindi magastos dahil patatas, mantika, mantika at sardinas lang ang kailangan.

IMG_20210905_084526.jpg

Una kong binalatan ang patatas at inilagay ko ito sa tubig para hindi umitim ang patatas. Binalatan ko ng mabuti at hinugasan upang mawala ang mga dumi na kumapit dito.

IMG_20210905_084817.jpg

Sunod kong binalatan ang sibuyas, at bawang. Nagpainit ng mantika at iniluto ko ito. Sunod kong inilagay ang patatas at hinintay ko ito hanggang lumambot na ito.

IMG_20210905_084806.jpg

Sunod kong inilagay ang sardinas at hinalo ko ito ng mabuti hanggang sa maluto na ito.

Part 2, Ang Pagpapagupit

IMG_20210903_151912.jpg


Pagkatapos kong kumain ng pananghalian ay nagpasya akong pumunta sa barber shop para magpagupit. Pero habang nag-aabang ako ng masasakyan ay nakita ko ang maitim na ulap at bahagya na parang uulan. Mabuti nalang at hindi.

Habang naghihintay na gupitan ay umuupo sa isa sa mga silya ng barber shop at nagbasa ng ilan sa mga dyaryo na nakalagay. At para hindi talaga mainip ay nagselfie ako at patingin-tingin sa paligid.

IMG_20210903_152003.jpg

Kahit simple lang ang barber shop at hindi kompleto ang gamit, masaya naman ako dahil maayos at maganda ang serbisyo sa kanyang mga kostumer.

IMG20210903154722.jpg

At ito na ang inyong abang lingkod, bagong gupit.

Bago ko tataposin ang talaarawan ko ay nias kong imbitahin sina, nanay @olivia08, ate @me2selah at @jurich60 para sa diary game contest.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago (edited)

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Walang anuman po. 😊

 3 years ago 

naks kapoging chef naman nire☺️
This is my first time to learn about sardines with patatas ha, sosyal na sardinas😄
maraming putahi talaga maluluto sa sarsinas pati aa patatas skies the limit just use your wild imaginations kung pano sila pasarapin at gagamitin. I will never be surprised if next time lechong sardines naman...haha

Magaling yong barbero ha, galing nyang mag gupit biruin mo ginawa kang si Coco Martin pagkatapos!

 3 years ago 

😂😂 salamat ate sa pag dalaw😊😊

 3 years ago 

mag maganda tingnan ang lalaking bagong gupit @jb123.

 3 years ago 

Salamat ate. 😊

 3 years ago 

Ay wow pogi na ulit kuya @jb123 😁 hehehe
..hindi kopa na try ang patatas to to sardinas..tama kapo usually sa corned beef nilalagay. Ma try nga yan

 3 years ago 

Para mabighani ang dalaga ate. 😂

 3 years ago 

Hmm pogi na ahh, good boy gyud taga luto sa pamilya.

 3 years ago 

Salamat ate.. 😂😂 yan ang rule ko. 😂😂

 3 years ago 

Masarap yan..lalo na pag mainit pa.

 3 years ago (edited)

Opo sir.. . maopay na hapon dida sir. Salamat sa pagdalaw dito sa post ko. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 62623.56
ETH 3037.97
USDT 1.00
SBD 3.70