The Diary Game Season 3: September 20, 2021 || Pagbabalik aral ; Pagbabalik Module

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Ang Edukasyon ay Kayamanan na Hindi pwede Makukuha ng Kung Sino man

Magandang araw sa inyong lahat mga kaibigan dito sa Steemitphilippines. Sana ay nasa mabuting kalagayan kayong lahat sa gitna ng pandemya na nararanasan nating lahat.

Ngayon na nagbubukas na naman ang pagbabalik aral ng mga mag-aaral sa elementarya ay simula na din ang pagtuturo nang mga magulang kung ang mag-aaral ay pinili ang "Modular Distance Learning".

Ngayong araw na ito kahit na ako ay merong trabaho simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, isinisingit ko ang pagkuha ng Module ng anak ko sa oras ng aming meryenda sa umaga. Ito ay labinglimang minuto lamang, mabuti na lang at malapit lang ang paaralan ng anak ko sa pinagtratrabahoan ko.

20210917_095514.jpg

Sa pagpasok ko sa paaralan ay ginagawa pa rin ang mga protocol para pag-iwas sa sakit na COVID.

Ang una ay paglagay ng alcohol sa mga kamay pagkapasok ng gate.

20210917_095219.jpg

Pangalawa, ay ang pagkuha ng temperatura

20210917_095225.jpg

Pangatlo, ay ang paglinya sa kung anong baitang ang kukunin na module.

20210917_094810.jpg

20210917_094848.jpg

At kung meron kang isusumite na mga sagot sa module ay may nakalaan na rin na mga boxes bawat guro.

20210917_095052.jpg

Para sa linggong ito, limang (5) module ang binigay ng guro sa Grade 3. Ito ay kailangan ibalik ngayong Biyernes ng umaga kasama ang mga sagot sa papel.

20210920_220255.jpg

Sa pag-alis ko sa paaralan, napa isip na lang ako, pagkatapos ng dalawang buwan na bakasyon sa module simula July 10, 2021 eto simula na naman ng pagiging guro ko sa aking anak at pag explain sa kanya lahat ng module at paano ito sasagutin.

20210917_095146.jpg

Bilang ina, ginagawa ko ang pagtuturo sa anak ko hindi lang sa mga mabubuting aral o pamumuhay kung hindi pati na rin ngayon ang pagiging guro sa mga aralin niya. Ang mga hadlang ko lang sa pagturo sa kanya ay ang oras at pati na rin kung paano ipaintindi sa kanya tulad ng pag turo ng mga guro sa paaralan. Mga techniques at style sa madaling pagturo.

Oras sa pagturo

Ang oras ko sa pagturo sa kanya ay tuwing Sabado at Linggo. At tuwing Lunes hanggang Huwebes ay simula alas 7:30 ng gabi hanggang alas 10:00. Pero kung Huwebes na at hindi pa niya natatapos sagutan ang lahat ng module ay aabot kami ng madaling araw o hanggang matapos lahat para maisumite namin sa Biyernes.

Techniques o Style ng Pagturo

Iba pa rin talaga pag isang guro ang nagtuturo sa mga bata na ginagawa sa paaralan. Dahil ito ay expertise na nila at may sarili silang paraan paano ito gawin. Sa isang ina ay ginagawang shortcut ang pagturo at madaliang pag papaintindi sa mga anak.

20210920_205423.jpg

Sana ay maibalik na ang face to face na pag-aaral ng mga bata kahit na naka schedule lang sila sa pag pasok para mas malawak pa ang nalalaman nila at mas maiintindihan nila ang mga pinag aralan nila na mga subjects.

Sana rin ay mawawala na ang COVID na ito para magpatuloy na ang nakagawian natin na ginagawa at mas maging maganda ang kinabukasan ng mga bata. Dahil iba pa rin pag sa paaralan nag-aaral ang mga bata.

10% para kay @steemitphcurator at para makatulong sa komunidad ng Steemitphilippines.

Hanggang dito na lamang.
Aking inaanyayahan na magsumite din kayo sa inyong Diary @agentlin24 , @momshie85 at @remay

Salamat,
@gilferin79

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 58925.39
ETH 2498.15
USDT 1.00
SBD 2.48