The Diary Game season 3(06/17/2021) Ang aking pagtatanim nang halaman sa araw na ito

in Steemit Philippineslast month

Magadang araw sa lahat!!!

At maligayang araw din sa ating lahat, lalong lalo na sa lahat na nandito sa community. Para sa araw na ito, ibabahagi ko sa aking diary game ang aking pagtatanim nang mga halaman.

Nitong nakaraang araw nga ay naka dalaw ako sa aking kaibigan at habang ako ay nandoon, meron akong nakitang mga Caladium na mga halaman niya kaya sinabihan ko siya na kung pwebe ba aki makahinga kahit na isa at hindi naman siya umayaw at binigyan ako nang isa. Kaya ngayong araw, ang ibinigay na halaman nang aking kaibigan ay itatanim ko na at isasama ko na sa iba ko pang mga halaman.

image.png

image.png

Mga nasa oras na alas 8 nang umaga ako nagtanim nang aking mga halaman. Ang una ko ngang ginawa ay kumuha nang mga lupa na nakalagay sa aming likoran at dahil isa lang naman itong aking itatanim kaunti lang din ang aking kinuha. Pagkatapos kong maka kuha nang mga lupa ay inumpisahan ko na din agad agad ang pagtatanim at mga ilang oras lang din ay natapos lang din naman ako.

image.png

Sa wakas ay natapos na rin ang aking pagtatanim nang bago kong halaman at maari ko na itong isali sa iba ko pang mga halaman. Talaga pong nagpapasalamat ako sa aking kaibigan sa pagbibigay niya nitong bagong halaman kaya aalagaan ko itong mabuti para tumubo nang maayos at pari rin maparami pa, baka makatulong ito sa aking dahil maraming mga taong naghahanap nang halaman dito at bumibili dito sa amin.

Ngayon naman ay ipapakita ko sa inyo ang iba ko pang mga halaman na meron ako dito at sana ay inyo itong magustohan.

image.png

image.png

image.png

image.png

Ito po ang ilan sa aking mga halaman at na isama ko na yong bagong tanim na halaman sa kanila. Ang karamihan sa aking mga halaman ay bigay lang din sa akin nang aking mga kaibigan, mga kapitbahay at pati na rin bigay nang aking ina at meron din naman na binili ko. Ang mga halamang ito ay talaga namang nagbibigay kasiyahan sa akin dahil sa tuwing na e stress ako dahil sa pag-aalaga sa aking anak, parang nawawala ang pagod at nasisiyahan ako at maraming salamat talaga.

At hanggang dito lang po ako para sa araw na ito at sana nagustohan ninyo ang aking diary game post sa araw na ito. Maraming maraming salamat kay @steemitphcurator sa walang sawang pagsuporta at sa inyong lahat din.

Mabuhay at Maraming Salamat!!!

Sort:  

Hi, @chishei2021,

Thank you for your contribution to the Steem ecosystem.

The @ecosynthesizer Curation Team,


Please consider voting for our witness, setting us as a proxy,
or delegate to @ecosynthesizer to earn 100% of the curation rewards!
3000SP | 4000SP | 5000SP | 10000SP | 100000SP