THE DIARY GAME SEASON 3 ( 11-13-21) MY FIRST DOSE VACCINATION

in Steemit Philippines2 months ago

Isang napaka-kaba na araw po sa inyong lahat... sa mga steemians na miyembro ng steemit philippines, nakapag-pabakuna na ba lahat? Sana ALl!

20211109_194131.jpg

Mga ka-steemians ngayong pong araw ay skedyul po ng aking pagbakuna sa unang dosis. Matagal ko ring pinag-isipan ito. At sa wakas nakapag decide na rin ako. Hehehe ngunit alam niyo ba, may kaba pa rin dito sa puso ko di ko maiwasan. Kasama ko ang aking kapatid na si @lailyn.lariosa kagaya ko ngayon lang din siya nakapagdesisyon. Kasi nga sa maraming sabi-sabi at haka-haka di nating maiwasan na matakot ngunit sa wakas ay naliwanagan na rin kami na kailangan talaga nating magpabakuna dahil tayo rin naman ang makikinabang nito.

Sa pagpunta namin sa venue na kung saan gaganapin ang pagbabakuna ay marami ring naka-abang. Di namin alam na kailangan pa pala kaming magpa rehistro sa link na kanilang ibinigay upang makakuha ng QR code. Mabuti na lang at may mabait na traffic enforcer na babae at tinulungan kaming makapagparehistro sa link. Dahil wala kaming mga load ng kapatid ko ay eni-offer niya ang kaniyang selpon. Matagumpay kaming nakapag parehistro. Pagkatapos naming makakuha ng QR code ay tinanong kami ng isang enforcer kung may sasakyan ba kaming dala hahaha natawa kami sabay sabing wala po sir, Nag advice siya sa amin na umarkila ng motor upang maihatid kami sa mismong area kung saan gaganapin ang pagbabakuna. Kasi nga drive thru ang napili naming vaccination sites. Gayunman naihatid kami sa second step na nakamotor.

20211113_103001.jpg

Pagdating namin sa third step, nakamotor pa di
kami. Nagtaka ako kasi ang lapit lang bakit kinailangan mag motor, kasi nga drive thru hehehe. Nagsimula ng kumakabog ang aking dibdib pero kinontrol ko iyon dahil baka tumaas ang aking blood pressure. Kinakabahan din pala ang kapatid ko kaya pala masyado siyang tahimik. Yung last step, dun na ang pagtusok ng karayom. Naku, dasal talaga ako ng dasal dahil takot ako sa karayom. Ina-aliw aliw ko ang aking sarili sa pakikipag-usap sa aking kapatid.

Maya-maya pa ay tinawag na ang aking pangalan, naku ako na. Nang malapit na ako sa incharge, sabi ko sa kanya "sir pwede sa right nga bukton? Kay left nga hand man gud ako gamit kung maglihok-lihok. Nitubag siya pwede ra maam bisan asa pwede sad buko-buko aron walay side effects, back effects ra hahaha... natawa ako at di ko namalayang tapos na pala siya sa pagtusok ng karayom... Ang bilis lang pala. Galing mo sir, see you sa second dose maam sabi niya...

20211109_120912.jpg

Nang tapos na kaming dalawa ng kapatid ko ay agad kaming nagpa picture tanda ng aming matagumpay na pagbakuna ng first dose. Maya-maya pa ay naisipan na naming umuwi sa bahay. Tagumpay ang lakad namin sa araw na ito. Kaya kayo ano pa ang hinihintay niyo, Get vaccinated na!

Iniimbitahan ko nga pala na magpabakuna na at magpasa ng kanyang diary game sina: @jeanalyn, @jenniferroco, @noaj. Maraming salamat po.

Ang inyong lingkod,
@chibas.arkanghil

Sort:  
 2 months ago 

Wow congrats dae mana jud ka sa imo vaccine.. ako napud sunod inig ayo nalng sa ako ubo😁

 2 months ago 

Ikaw napud dai 😀

Coin Marketplace

STEEM 0.42
TRX 0.07
JST 0.052
BTC 42915.87
ETH 3325.46
BNB 498.70
SBD 4.99