The Diary Game (June 02, 2022) Ang Kalusugan Ay Kayamanan | 10% Payout Goes To @steemitphcurator
Mapagpalang araw sa ating lahat lalo na sa komunidad ng steemitphilippines. Hangad ko na nasa maayos na kalagayan kayong lahat lalo na ang kalusugan ng bawat isa.
Nakagawian na naming dito sa bahay ang gumising nang 4:30Am ng umaga, una para gawin ang mga bagay na espiritwal gaya ng "Morning devotion" Ito ay napakahalaga sa pamilya para maipakita mo ang pagmamahal at pagsunod mo sa panginoon bilang kristiyano.
Tuwing katapusan ng linggo dahil walang pasok sa trabaho ito ang oras na nakakapag lakad kami at ehersisyo sa parke. kailangan talaga ito ng ating katawan ang malusog na pamumuhay.
Maagang-maaga sinimulan na namin ang paglalakad, halos wala pang masyadong tao papuntang parke. katamtaman lang ang lamig at nalalanglanghap namin ang sariwang hangin, dahil maraming puno sa paligid.
Makalipas ang tatlumpong minuto na paglalakad namin ng partner ko ay narating na namin an parke. Nasilayan na namin ang malinis at berde na kapaligiran. Pagdating sa kalikasan hindi talaga ako magsasawa na pagmasdan sila at pahalagaan. kaya madalas ang mga pinipinta ko ay kalikasan, ganoon din pagdating sa photography kalikasan din ang tema ko.
Masarap maglalad at magpapawis sa umaga dimo nararamdaman ang pagod dahil sa magagandang tanawin. Makailang beses kaming umikot sa pagjo-joging, ito ang pinakamabilis na paraan na pampapayat. lalo na gusto ito ng partner ko na mapanatili niya ang kanyang timbang.
6:30 ng umaga kami natapos sa pag jo-joging sa parke at ganoon din naglakad pa rin kami pabalik ng bahay.
Hanggang dito nalang, sana nasiyahan kayo sa maikli kung talaarawan.
God Bless!
@caydenshan
Hello sis @caydenshan, you don't have wallet activity for the past 3 months. For a greater chance to be recommended for booming support, we encourage you to update your club status to at least club5050. Also, next time make sure your post content reaches 300 words or more.
This post has been verified and supported using @steemitphcurator account. Keep publishing quality content here at Steemit Philippines Community.
Maraming salamat po.🙂
@fabio2614, mod
Ang ganda naman po ng lugar dyan sa inyo.
Thank you!
love this article sis... totoong kelangan natin ng morning devotion... at ang ehersisyo...